CHAPTER 27 **I HATE MYSELF! >.<

68 0 0
                                    

Hayy. Di talaga ako pwedeng magsinungaling. Huling huli ako ni hexter na nagsisinungaling naku naman. Kasalanan ko ba kung pinanganak akong HONEST.

Anyway, after ng scenario na yun. Inutusan ko siyang bumaba sa first floor at doon ako hintayin. Sabay daw kasi kaming papasok. Paano daw niya nalaman bahay ko. Marami daw siyang source. Okay. Siya na. Tsk.

Buti na nga lang ay pinaalala niya sa akin na may pasok dahil wala sa kondisyon ang katawan ko kanina na bumangon. Mabuti na lang din yun yung pumunta siya dito at nangulit. At least, kahit papaano ay nabigyan ako ng motivation para bumangon.

Weh.

Korny ko don.

>.< Haha.

Inhale. Exhale Ms. Morales. Si Hexter lang yan. After ko magayos ng sarili ay tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin. Wala lang. Bigla bigla na lang akong natutulala eh. Nababaliw na yata ako. Naalala ko tuloy yung nireport ng classmate ko sa Sociology class namin about sa mga baliw. Isang sign daw ng pagbaliw ay yung bigla na lang natutulala o natatahimik sa tabi.

Nababaliw na nga yata ako.

Teka!

Kapag natatahimik bigla, baliw na agad.

Di ba pwedeng...

INLOVE muna.

>.<

Hahaha!

**

“You’re done.” Tanong niya.

Tumango lang ako. Tumayo na rin siya nung nakita niya akong pababa ng hagdanan. After that, we bid goodbye to Manang. Papasok na kami sa school.

Nasa may kanto lang yung kotse niya. Okay. Siya na mayaman.

“Kailan ka ba natutong magmaneho ng kotse Hexter.” Tanong ko sa kanya while he’s leading me to the car.

“About 1 year ago.” Sagot niya. binuksan niya yung pinto ng kotse at saka ako umupo. Hinintay ko muna siyang pumasok sa may driving seat bago ako magtanong ulit.

“Di ba minor ka lang din. Hindi ba bawal pa magmaneho ang mga minors.” Tanong ko habang nagsusuot siya ng seat belt.

Kagaya ng dati nakalimutan ko magseatbelt kaya siya na mismo ang nagkabit sa akin. Not too close. Bakit ganoon. Kahit na kanina pa siya nasa bahay ay ang bango pa din niya. I do really like his scent. Hindi matapang. Tama lang. Megan! Stop that thoughts!

Noong naikabit na niya, sa wakas, sinagot na din niya ang tanong ko. “Okay lang iyon.” Then he winks. Iba na talaga kapag mayaman at maraming connections. Kahit naman masira niya itong sasakyan niya, paniguradong makakabili ulit siya ng panibago. Naku!

“Tara na.” Sabi ko. Pero parang di siya nakikinig. Nakatingin lang siya sa akin. Which is napakaAWKWARD.

>.<

What!!

Gusto ko siyang sigawan at tanungin kung ano ang problema niya. Pero nauunahan niya ako palagi. Kagaya ngayon.

*smoosh

He kissed on my cheeks.

Cheeks again. Wait up! Shut up Megan! I said stop that fucking thoughts of yours! Sabi ko sa sarili ko.

He have this attractive lips. I must say that. One of his assets, i think. Oh no! Don’t look at them Megan. Please. Bakit may kung anong kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Tsk! At kung may mga anong thoughts ang pumapasok sa utak ko. Forbidden thoughts!

Kiss me Hexter. Not on cheeks please!

Waaa. >.<

Composure.

“Good Morning Beautiful.” Sabi niya at saka nagdrive.

Ha.

Kanina pa kami magkasama pero ngayon lang niya ako binati ng good morning. Whatda!

My cheeks flamed again. Whatda!

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon