Chapter 56-58

52 0 0
                                    

Chapter 56

“Hello Gaea!” May biglang tumawag sa akin sa likod ko. Nasa school ako noon, pero narinig ko ang boses ni Caeo.

Pagkalingon ko, hindi nga ako nagkamali. Si Caeo nga. Suot suot niya ang uniform namin. Ano naman ang ginagawa niya dito? Sa kabilang school siya nagaaral di ba?

“Nagulat ka no? Nagtransfer ako dito.” Sabi ni Caeo natalaga naman kinagulat ko. muntikan ko nan gang malaglag ang books na dala ko ehh.

“Malapit na maggraduation, lilipat ka pa?” Tanong ko sa kanya na halos hindi ako makapaniwala. Nginitian lang niya ako at naghand gesture sa akin na number 3. Ibig sabihin nun ay pera. So nagets ko na. Pera pera lang naman ang usapan. Mayaman naman kasi si Caeo. At kahit ano kaya nilang bilhin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa corridor. Iniwan ko siya doon.

“Hindi ka ba natutuwa?” Tanong niya habang hinahabol ako.

“Ano nakain mo at nandito ka?” Tanong ko. “Chicks?”

“Hindi ah. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito.” Talagang nakakagulat ang mga rebelasyon ngayong umaga na ito. Nandito siya,lumipat siya para sa akin. Hindi ko napigilan ang matawa na may pagkasarkastiko ang dating sa dulo.

“Nahihibang ka na!” Sabi ko.

“Hindi naman. Gusto kasi kitang bantayan.” Sabi niya. Pumasok na ako sa room. As usual, kapag pumapasok ako ay bigla na lang tumatahimik ang classroom. Nagtama ang mga mata namin ni Hex at Nem. Napayuko si Hex pero si Nem ay matibay ang mukha at nagawa pa akong asarin sa pamamagitan ng ngiti niya. Nginitian ko din naman siya.

Maghintay ka lang sa akin demonyo ka. Sabi ko sa sarili ko.

“Gaea!” Sigaw ni Caeo. Nagulat ang lahat nang classmate ko. paupo pa lang ako noon sa upuan ko nang bigla siyang pumasok at umupo sa tabi ko. nakita ko ang mukha ni Hex na gulat na gulat. Hindi mawala ang mata niya kay Caeo.

“Lumabas ka nga.” Sabi ko sa kanya pero pabulong lang.

“Ayaw ko.” umupo siya sa vacant seat sa tabi ko at saka nilagay ang braso sa likuran ng upuan ko.

Umupo na rin ako. Ramdam ko ang mga mata ng mga classmate ko sa aming lahat. Kumpleto kaming lahat dito sa room dahil ngayon ang test namin.

Nang matapos ang test namin, pumunta ako sa CR. Sumama sa akin si Caeo pero sinabi ko na pumunta muna siya sa canteen at bilhan ako nang tubig. Sumunod naman siya. Habang nagaayos sa salamin. Nakita ko na sobrang laki ng pinagbago ko. hindi na ako ang dating Gaea na mahinhin, yung tatanga tanga. Sa dami ba naman nang nangyari sa akin, hindi pa ba ako magbabago at magpapakalakas.

Wala akong ibang nararamdaman kundi galit. Lalo na nang maalala ko ang mukha ni Nem noong pumasok ako sa room. Bigla na lang talagang sumiklab ang galit ko. gusto ko siyang sugurin pero naisip ko na hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangan kong sundin ang nasa plano.

Speaking of the devil.

“Hello Gaea.” Sabi niya sa akin. Pumasok siya sa CR. Alam kong ako ang sinadya niya dito. “Akalain mo nga naman, tayong dalawa lang ang nandito sa Lady’s Room. Hindi ka ba natatakot?” Sabi niya sa akin habang nakatingin ako sa mga mata niya sa reflection. Iniisip ko na ito ba talaga ang babae unang kong nakilala na inakala kong kaibigan ko, pero ahas pala.

“Haha.” Tumawa ako nang may halo na pagkasarcastic. “Ako pa talaga ang tinatanong  mo niyan?” Hinarap ko siya. “Baka naman ikaw ang matakot sa akin?” Sabi ko habang nakangiti.

“Haha. Talaga? Ano bang kaya mong gawin Gaea Geronimo?” Lumapit siya sa akin. “Wala.” Sabi niya sa mukha ko.

“Alam mo Nemesis, kung ako sa iyo, magdadasal dasal ka na.” Banta ko sa kanya.

LOVEHATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon