ALL RIGHT RESERVED 2015
MR. HEISOUR JOURNEY IS OUR REVENGE
---------------------
ELI'S POV
Napatawa ko ng mahiga ako sa malambot na mga bulaklak.
This is Life!!
Ang babango dito grabe!
Hay!!!
Hay!! Eli wala ka ng iisipin pa. Ang sarap ng buhay mo oh?
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.
Teka! Sino ba tong nag mamasahe ng buhok ko? Ang sarap ah! Napa gentle nyang humawak. Malayong malayo sa trabaho kong---
Aray aray!! Aray masakit na!
Napakunot ang noo ko pero di ko pa minumulat ang mga mata ko
Aba! Bastos to ha! Sino ba tong sumusundot sa ilong ko? Bwiset!!
Nagising ako at hindi na napabangon
Hanep!!! Anong nangyare?
Kanina pala ay nakatulog na ko at nanaginip pala ko na nakahiga ako sa higaan ko na nandito ko ngayon sa kwarto ko sa tunay na bahay ko.
Psh! That dream!!! Napairap ako.
Ang kaninang pag mamasahe sa buhok ko ay sabunot pala at ang pag piga sa ilong ko ay para magising ako.
Hanggang sa sinampal na ako ng tatlong to at hindi na ako nakagalaw sa kinahihigan ko dahil may nakahawak sa leeg, kamay at paa ko ang tatlong bruhildang to.
Sino ba sila sa akala nila?
akala ba nila di ko sila kayang labanan?
Heh! I have a gun!
>_>
Pano ko pa mabubunot ang baril ko? Na nasa ilalim ng unan ko. Hanep.
Di kase Ko kasing galing ni sam sa mga instinct nya eh.
Oo tulog mantika ako!
"Mga panget sino ba kayo?"
Tanong ko habang nakahiga paden.
Di nga makabangon eh!
Ayaw akong pakawalan eh
"Wag ka na mag salita, ang ano mang sasabihin mo ay pwedeng ikadagdag sa kaso mo" girl 1
Napakunot naman ang noo ko ha??? Ano daw?
Anong kaso ko?
"Panget bat ang papanget nyo?"
"My gosh!! May gana ka talaga sabihin pa yan " Girl 2
*pak*
Aray lang tangina!!
Bat mo ko sinampal bumiling yung muka ko dun ah?
nilingon ko sya.
*phew*
"My gosh bat mo ko dinuraan. Ang baboy mo" girl 2
Nyenyenye! Bat kase sinampal mo ko?
Deserve mo yan. Sinampal mo ko eh.
"Tara na dalin na yan kay Victoria" girl 3
Sinong victoria ba sinasabi nila?
Kinaladkad nila ko palabas ng bahay ko mga walang awa. Sasama naman ako ah. Kelangan kaladlakarin?
"Pwede ko bang i-lock yung bahay ko?"
Baka kase manakawan ako eh. Sayang yung mga gamit ko.
<_<
Mga walang awa! Di man lang ako pinansin.
Tsh!
"Oy bat mga pangit kayo?"
Tinatanong ko habang naka sakay kami sa isang van yung 2 ay nasa mag kabilang gilid ko at yung isa naman ay nasa likod habang may isang babae na nag dadrive naman.
Apat pala sila. Nag tataka ko kung bakit di ko pa sila pinapatumba. Napaisip ako, wala lang, gusto ko lang tsaka gusto ko makilala yung Victoria eh. Sino ba yun di ko sya kilala
Tsaka may atraso ba ko sa kanya?
Sa sobrang walang mga kasense na kausap na mga panget neto ay nakatulog pala ko.
*spllllaaahhh*
"So I heard ikaw ang latest Girlfriend ng Boyfriend ko.... Hahaha I mean Ex boyfriend ko"
Nagising ako sa biglang pag buhos nila sakin ng tubig.
Hanep kitang natutulog at teka pano ko nakarating sa upuan nilang maalikabok? Yuck!! Di ako nauupo sa ganto.
Nilibot ko ang tingin ko at 5 na pala sila.
"Bat ang alikabok ng upuan nyo? Lipat mo naman ako sa maayos oh. Ay ikaw, ikaw mag lipat sakin mukha kang mabait eh"
Sabi ko dun sa isang nakatayo sa harap ko na kulay orange ang buhok eh? (Victoria)
"What? Ang sabi ko ikaw ba ang latest girlfriend ng boyfriend ko?"
Nanlaki naman ang mata ko
"Wala nga akong boyfriend eh. Baka mali nakuha nyo. Tsss! Aanga anga yung mga friend mong inutusan"
"abat---" girl 1
"Ikaw si Elina Peychone diba?" Victoria
Putol ni victoria sa sasabihin ni girl 1
"Yah! Thats my name. Eh friend teka sino ba yang boyfriend mo?"
"My king. My one and only king... king Andrews"
Oh emmm giii? Di nga? Mahilig pala si King sa mukhang Gold fish? Hahahahahaha malilintakan sakin ang king na yan.
Kung sino sino--
"Hindi ko yun boyfriend. Friend ko lang yun"
"Sinungaling" sabay sampal sakin ni Gold Fish
Tatanong tanong di naman maniniwala!
WAG KA NG MAG TANONG!!!!!
"Sige kayo ng bahala dyan"
Lumapit sakin ang apat at wala akong nagawa. Hanep naman eh!! Di ako makalaban
Pakawalan nyo ko. 4 in 1 tayo!
Para patas!
---------------