ALL RIGHT RESERVED 2015
MR. HEISOUR JOURNEY IS OUR REVENGE
---------------------
Edison's pov
*pito... tono ng you and I ni chance*
You and I could be like sonny and cher,
Honey and bears and you and I could be like Aladdin and jasmin lets make it happen. Lalalala.. lalala.
"Hi *wave ng kamay*"
"What are you doing here?" sya
Ang aga aga mainit ang ulo nya? Kaganda gandang babae eh. Laging masungit
Mabuti at di sya tumatanda agad?
"Nag jojogging di mo ba nakikita?"
"Talagang dito pa sa tapat ng bahay ko?"
Aba? Tapat lang ng bahay nya? Lakas din ng fighting spirit ng babaeng to anong tingin nya sa sarili nya? Maganda?
Well totoo naman.
"*iling iling* uhh! Ahh! Uh!! Mali ka, sa tapat ng bahay ko"
I smile
"Anong ginawa mo sa may ari ng bahay na yan? I mean alam kong di ikaw ang nakatira dyan"
Oo nga hindi nga ako.
"Eh anong tawag mo sakin? Ako ngang nakatira dito"
"Tsss.. nasan sila Mr. And Mrs. Guzman?"
"Ah? Sila ba? *unat unat* mga care taker ko sila *taas baba ng kilay*"
Oo tama ngang sila Mr. And Mrs. Guzman ang nakatira dito.
Inofferan ko sila ng mas malaki at mas magandang bahay na dito din sa subdivision nila
"Tss, ang yabang mo"
Ako? Mayabang ba ko? Tss, wala nga akong yabang sa katawan eh. Well konti lang
"Bat ikaw? Kanina pa ko nandito sa labas pero kanina ka pa den sa labas inaabangan mo ko nuh?"
I smile again. Hahaha tawa na, priceless ang hitsura nya.
"I-ikaw? Inaabangan ko? Haha h-hindi ah"
Nauutal pa?
"Eh bat kanina ka pa dyan?"
"Wala masama tumambay sa labas ng bahay ko? Tsaka.... tsaka... kakabit ko to"
Ano daw?
aba? Pwede na palang mag palit ng plaka agad agad? Wala na ba sa batas yun? Tsaka bat yung plaka nya nasa basurahan na?
"Oh? Bat nasa basurahan?"
"Tinapon ni Eli"
Padabog syang pumasok ng bahay nya at dumiretso sa garahe nya. Hahaha nakakatawa
..
..
..
..
*ding dong*
Ang tagal mag bukas. Nilalamok na ko dito
*ding dong*
"Comming"
Rinig kong sigaw ni kyle. Ah si soon-to-be-anak pala.
"How are you kid?"
"Ayos lang po, ano pong kailangan nyo?"
Galang ah? Kelangan ko?
Ang mommy mo! Kukunin ko na sya."Ah! Nandyan bang mommy mo?"
"Nasa loob po nag didinner pasok po kayo"
"Sige thank you, here"
Inabutan ko naman sya ng isang box ng chocolate. Tsaka pumasok sa loob ng bahay nila.
Alam mo na? Pam palakas kelangan mag lagay. Syempre una kong liligawan yung anak nya. Baka ayaw nya kong maging daddy. Mag kaka problema pa!
"Ah?! GoodEvening p-pwede bang... ah? Dumito muna ko?"
Kahit wala akong taong nakikita nag salita paden ako. Kase may harang yung dinning area nila
"At bakit?"
And the monster awaken!
"Kase nasira yung tubo ng gripo sa banyo nung bahay ko"
"Tubo na lang ng gripo na sisira mo pa? Tsk! Di ka pwede dito at isa pa sa banyo ka ba natutulog?"
Hindi pero unabis di ko ginalaw ang banyo sinara ko lang ang pinto at hinayaan ang sirang tubo dun.
Baka nga baha na dun
Totoo naman eh. Nasira yung tubo kase aaminin ko di ako sanay tumira sa ganyang bahay. Ako na nga yung nag aadjust para kay samantha
Mag shower sana ko kaya lang may lizard sa gripo. Pinaalis ko sya eh pero ayaw nya. Parang sinasabi nya na. Kahit anong mangyare dito lang ako. Di ako aalis dito.
Yung ganun
Kung ano ano ng ginawa ko pero ayaw nyang umalis
Lumabas ako ng banyo tas nakakita ako ng hammer kaya ayun pinalo ko yung gripo nasira. Malakas naman yung pag sipsip ng tubig sa Cr ko kaya sinara ko na lang yung pinto. Bukas ko na lang papaayos yun.
"Sam? Wala na syang tutuluyan kelan ka pa tumanggi sa nangangailangan?" King
Oo nga. Tama yan king tama yan. Mamaya may lagay ka sakin.
"Fine, kumain ka na den mukang di ka pa kumakain"
Ayun!!!
My smile force in my lips. Yess yess inaya pa kong kumain ni Samantha.
I got you baby!
..
..
..
Kung bibilangin ko nakaka 100 na ata akong hikab habang nakahiga ako sa sofa nya.
sa tutuusin may kabaitan din si Samantha siguro pinangunahan ko lang sya nun. Kaya ganito ang naging relasyon namin. Pero kung umpisa palang siguro naging mabait nako baka maganda ang relasyon namin.
*sigh*
Sinimulan ko ng pumikit at inisip muli ang una naming pag kikita. Hindi ko mapigilan ang di ngumiti kapag naiisip ko kung gano sya kaastig nun.
"Oh! Baka lamigin ka, hinaan mo na lang yung aircon"
Mabilis akong napamulat ng mag salita ang babaeng iniisip ko pa lamang.
"Salamat samantha"
I smile inabutan kase nya ako ng kumot at 2 unan.
"Sige good night"
"Goodnight too"
After nun. Naramdaman ko na lang na unti unti na kong hinihila ng antok
-------------------