ALL RIGHT RESERVED 2015
MR. HEISOUR JOURNEY IS OUR REVENGE
---------------------
SAMANTHA TROJANS
ELINA PEYCHONE
KING ANDREWS
KYLE
SAMMY
EDISON HANDFORD
ARCIISam's pov
Sige na dalin mo na yan.
Ayaw ko! Pano kung di nya tanggapin?
Tatanggapin nya yan syempre mahihiya yun
Baka sabihin nya. "Masama ka sakin ayaw ko ng luto mo"
Ay oo nga.
Hay!!! Ayan! Nanalo na si Devil side *sigh* pano ko nga ba ibibigay ang luto ko? Peace offering kase diba gusto ko ng makipag ayos sa kanya.
Kaso eto nga si Devil at Angel nag tatalo. Hanggang sa nakunsensya ko nanalo na si Devil. Hanep na yan!
"Sam ano ba yan?" King
Sabay bukas na nasa tupperware na menudo.
*pak*
"Aray"
"Eh? Wag mong kamayin mapapanis yan"
"San mo ba dadalin yan at may ribbon ribbon pa yung tupperware?"
"P-pangit ba?"
"Ha? *laughs* aray" king na binatukan ni eli na kadadating lang may hawak pang dyaryo.
"Ano ba yan king? Sam kase wag kang nag tatanong sa lalaking yan. Walang alam sa ganyan yan eh. Simpleng effort di nya na appreciate tss." Eli
"Wahhhh! Elibabe sorry na! Oo na tatanggapin ko na yung mga rose na binibigay mo sakin twing mag so-sorry ka"
Napatingin ako kay Eli na namumula na sa sobrang hiya. Oo si Elina ang sobrang nag eeffort sa relasyon nila ni king pero si king naman ang sobrang nag mamahal.
Pano yun?
"Eh?!" Ako
"Nahh! Dalin mo na yan. Kanina ka pa namin tinitignan ni King dyan habang kinakausap mo yung sarili mo! Maganda ka, tatanggapin nya yan may effort ka eh" eli
*Sigh*
pakiramdam ko mas lalong tumaas yung kumpansya ko sa sarili ko.
"Thanks Eli" sabay bitbit ng tupperware
..
..
..
*ding dong*
Sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang kamay ko at nag tanggal ng muta. Malay mo meron diba? Mas mainam ng kinakapa ko muna.
Ok clear clear.
Hay! Eto na.
*sqquiiisssh*
Ay? Yung buhok kong kasusuklay ko lang ay may alikabok na pati ata pilik mata ko meron na.
Napakalakas kase ng preno ng van na huminto sa wait? Sa tapat ng bahay ni Edison.
"Comming" rinig kong boses ni edison.
"Oh God! What happen Edi?"
Eh?
"Arcii? What are you doing here?" Edi ay? I mean Edison nadadala kase ko dito kay blonde eh. May payakap yakap pang nalalaman kay Edi ay? Edison pala.
"Ah? Samantha what are you doing here too?"
"Ah? Ahm? ..." sam bakit ka nauutal? Umayos ka lintek si Edison lang yan.
Si edison nga.
Si edison na may yumakap na blonde.
"Asikasuhin mo muna yung bisita mo after all dyan lang ako sa tapat" i smile
"Are you sure?" Edison
"Yup!" Syempre hindi, gusto ko ako ang unahin mo!
..
..
..
Halos 30 minutes na ko dito sa labas ng bahay nya. Di ko nga alam kung ano ng ginagawa nila sa loob ng bahay
Nangagalit na yung ngipin ko at humihigpit na rin ang hawak ko sa tupperware na dala ko.
Kung sa tapat lang ang bahay ko bakit di muna ko umuwi?
"Samantha I forgot about you!"
"Nah!! Dont mind me! Oh ulam mo"
"Ouch"
Pano ba naman yung tupperware kong may ribbon ribbon pa eh sinaldak ko sa dibdib nya
"I have to go" ako
Tsaka nag lakad ng nakapamulsa.
..
..
..
Bwisiitttt bwisit talaga!
Gigil na gigil akong nag bubunot sa paso ko ng damong maliliit.
"Anyare?" King
"May babaeng blonde kaseng dumating sa bahay nya. Babaeng blonde na kung makapag patakbo naman sa kotse nya ay sobrang bilis. At babaeng blonde na kung yumakap at lumungkis ay parang boyfriend nya si edison.Bwisit"
Ugh! Wait! May G-girlfriend na si edison?
Tss. Ayun ah! Si blonde girlfriend nya.
"Oh men, selos 101!" At dahil sa sinabi nya, sinamaan ko sya ng tingin.
"I-I mean nasan yung ulam? Di ko natikman"
"Nasa kanya, bwisit kung gusto mo kunin mo"
"Hay! Makaalis na nga" king
nag umpisa ng mag lakad patalikod sakin si king
"Pag ibig na kaya? Pareho ang nadarama ito ba ang simula. Di na mapipigilan pag ibig na ito sana di matapos ang nadaramang ito. Pag ibig na kaya i–– aray sam"
Sapol akala mo di ko alam na para sakin yung kinakanta mo? Bah! Binato ko nga ng paso ayun sapol sa likod
Mag hilot hilot ka na
------------------