ALL RIGHT RESERVED 2015
MR. HEISOUR JOURNEY IS OUR REVENGE
---------------------
Sam's pov
Agad akong napabangon ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Pero agad din akong napahiga ng maramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Shetteee! Parang pinipiga at pinupokpok yung ulo at utak ko.
Napatingin ako sa orasan sa kwarto ko. Shettteee talaga tanghali na. Pumunta ko ng banyo at naligo para mawala ang sakit ng ulo ko. Napaisip ako kung bakit ako amoy alak at tinanghali ng gising. Siguro ay naisipan ko na naman ang uminom.
Agad akong nag bihis ng all black at kumuha ng baril sa kwarto na panay baril. All right oras na naman para mag nakaw sa bangko. Naramdaman ko na naman na sumakit ang ulo ko kaya dumiretso ako sa kusina para kumuha ng gamot at ng tubig.
"Aalis ka?"
That voice.
His voice.
Kilala ko yun. Sya yung nasa panaginip ko, yung boses na yun. Sya yung kasama ko sa buong panaginip ko. Sya yung mahal ko sa panaginip ko.
Unti unti akong lumingon at nakita ko ang mala anghel nyang mukha. Napangiti ako.
Totoo ba sya?
Ganyang ganyan yung nasa panaginip ko. Baka, baka nananaginip na naman ako?
Pero agad din yun nawala dahil bumalik sakin lahat ng nangyare.
Hindi na pala ako mag isa ngayon. Madami na akong kasama, buong akala ko isang panaginip lang ang nangyareng yun at gigising ako ng umaga ng ako lang. Ako lang mag isa. Pero hindi lumalawak na ang mundo ko. Madami na akong nakakasalamuhang ibang tao.
"Edison?"
"Aalis ka ba sam?"
Ibig bang sabihin totoo ang lahat ng to? Totoo lahat na nangyare yun? May king andrews ba kong minahal? May elina peychone bang nag eexist, may kyle ba kong anak? May sammy at raymond ba kong magulang? May edison ba kong minamahal?
nagulat ako ng kinuha nya sakin ang basong may lamang tubig.
"Masakit ang ulo mo? *laughs* may hangover ka sam, halika nag luto ako ng soup alam ko kaseng magigising ka na"
And then nung sinabi nyang hangover. Bumalik na ang lahat na nasasaktan ako, na uminom ako, na nakatulog ako.
Pinaupo nya ko at pinag handa ng soup.
"Aalis ka ba?" Ulit nya. Nakaka tatlo na syang tanong pero wala pa kong nasasagot
"Oo sana" sagot ko bago humigop ng soup
"Saan ka pupunta?"
"Ah!–– kase edison akala ko panaginip lang ang nangyare. Ang lahat akala ko walang nag eexist na ibang tao sa buhay ko. Akala ko ako lang ulit mag isa na gigising ako na ako na ang bahala sa buhay ko"
"Then forget about that sam, Im here for you.... and wait may sinabi ako sayo kagabi naalala mo ba?"
Inisip ko kung ano yun pero lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano ang sinabi nya kagabi
"Wala akong matandaan"
"Ang bilis mo naman mag give up, anyways sabi ko. Gusto kong makipag ayos ka na sa pamilya mo"
"Ay? Yan ang mahirap gawin. Hindi nga kami mga close close eh. Makikipag ayos pa? Naman oh!"
"Oo, kase sabi ni father di pwedeng walang aattend sayo"
"A-anong walang a-aattend? Tsaka sinong father? Magulang mo?"
Natawa sya.
"Kase gusto na kitang pakasalan"
"A-ara-ouch! Mainit, ah– aray, ang sakit ng dila ko napaso. Aray"
Nung narinig ko kase yung sinabi nya. Agad kong naitungga yung mangkok.
"You ok?"
"Ano ba kaseng sinasabi mo? Hanep ka! Pinapaso mo ko eh."
"Ako ba ang nag paso sayo? Hindi naman ah!" Edison
"W-well anong sinabi mo?"
"Pakakasalanan kita. Makipag ayos ka na sa magulang mo"
At uminom na lang ako ng tubig At gamot
----------------