ALL RIGHT RESERVED 2015
MR. HEISOUR JOURNEY IS OUR REVENGE
---------------------
3rd person's pov
Iba ang pakiramdam ng tatlo sa nasabing kainan. Hindi nila inalis sa kanilang katawan ang mga baril nila. Bumaba sila ng kotse at huminga ng malalim
"San natin hahanapin yun dito?" Eli
"Anywhere na kahinahinalang lalagyan nila ng letter" sam
Maging si king ay mag hahanap narin sapagkat wala namang sinabi kung san nakalagay ang sulat.
Napakaraming kumakain. Ni hindi nila alam kung pano mahahanap ang sulat
"Everybody, may bombang nakatanim sa lugar na ito much better kung aalis na kayo" king
Sigawan at takbuhan kung san san ang mga tao. Di pa humuhupa ang mga tao ay nag simula na silang mag hanap.
Madali namang hanapin ang sulat dahil kulay itim yun na may puting sulat.
Tinaob ni eli lahat ng lamesa samantalang si king naman ay tinignan lahat ng upuan.. Si sam naman ay sa mga pang dekorasyon baka sakaling nakaipit dun. Pero nabigo sila walang sulat na lumabas.
halos lahat ng gamit ay taob na. Sira na. Hingal na nag pahinga ang tatlo ..Nakita ni king ang chandelier tanging yun na lang kase ang buo kaya namangha syang binaril yun.
"King" eli/sam
Hindi nila napansin na may itim na anino kanina sa lapag na nang gagaling sa chandelier.
Ang sulat.
Mabilis na binigay ni king ang sulat kay sam.
NAPAKA GALING NYO NAMAN! ANYWAYS PWEDE NA KAYONG PUMUNTA SA PANGATLONG SULAT. SA GREENWOOD MAY KOTSE DUN SA LABAS. YUN ANG GAMITIN NYO PAPUNTA SAKIN. ABC 123 ANG PLAKA KULAY GREEN NA KOTSE. PERO BAGO YUN GUSTO KO NG LARO!!
"Gusto namin ng laro"
Nagulat ang tatlo ng lahat ng kumakain sa nasabing kainan ay kalaban pala maging mga waitress/waiter. Janitor/janitress o mga kusinero pati na ang mga nasabing customer.. May mga dala silang armas ang iba ay buhat buhat ang upuan yung iba ay may baseball bat. Mga balisong pero walang baril.
"Oh shit!! Planado to" eli
"Kaya natin to guys" king
Napalunok naman si sam.
Nag umpisa ng lumusob ang mga kalaban maging mga babae ay kasama. Ibig sabihin lahat ng tao sa loob ng restaurant na yun ay tauhan ng kalaban at ang palabas nilang tumatakbo at natatakot sila sa bombang kunwari ay nakatanim ay sinakyan nila.
Barilan, pukpukan, sanggahan, murahan ang nananaig sa loob.
Halos hindi nag hiwahiwalay ang tatlo at kung may naagrabyado man ay agad nilang tinutulungan.
"Fuck!" Sam
"This is bullshit" king
"Oh God, I train for this! We train for this!" Eli
Panay baril, tadyak, bato, ilag at mura ang ginagawa ng tatlo at kung titignan mo ay mukhang hindi pa sila nakaka kalahati..
..
..
..
"Phew" napadura si king ng dugo sabay higa
*cough cough* ubo naman ang ginawa ni elina.
agad na bumagsak si sam sa sahig Sa sobrang pagod
"Nakakaloka" eli
"Akalain nyo yun? Ilang oras yun?" King
"T-tara na sa Greenwood" sam
Mabilis naka recover ang tatlo sa nangyare sa kanila. Ang buong akala nila ay mamatay na sila sa loob ng restaurant na yun pero dahil sa sinasabi nilang team work ay nalagpasan din nila yun.
------------------