ALL RIGHT RESERVED 2015
MR. HEISOUR JOURNEY IS OUR REVENGE
---------------------
SAMANTHA TROJANS
ELINA PEYCHONE
KING ANDREWS
KYLE
SAMMYSam's pov
Nakaupo ako sa isang bench habang nakangiting pinanunuod ang batang makulit na si Kyle
Masasabi ko na bang swerte ko?
Instant mommy?
Nahh--
"Iha! Matanong ko lang kung anong oras na"
Napatingin ako sa matandang nasa tabi ko. Kanina lang ako lang mag isa ang nakaupo dito! Masyado ko sigurong naaliw sa pag lalaro ni kyle sa slide. Dinala ko kase sya sa isang park malapit saamin gaya ng ibang bata na walang ibang ginawa kundi mag laro at mag dumi lang.
"4:20 pm po" hindi ko sya naramdamang lumapit.
Sagot ko sa kanya, tinignan ko pa syang muli na para bang kinakabisado ko ang mukha nya. Sa tansya ko eh nasa 40+ na ang babaeng ito.
"Ah eh! Sorry po, naiilang tuloy kayo"
Abot kase ang baling nya ng mukha nya na para bang itinatago nya yun.
Marunong naman akong makiramdam hano!
"Ayos lang, nagulat lang kase ako sa pag titig mo sakin. M-may dumi ba ako sa mukha?"
Umiling ako.
"Wala naman po" sa totoo lang ang ganda nya. Kahit matanda na sya, mas maganda siguro sya noong kabataan nya. Kamukha si--
"Anak mo ba yun? Bibo sya ah?"
Sabay turo nya kay kyle kaya naman napunta muli kay kyle ang atensyon ko.
Oo nga pala may kasama pala ko dito sa park, si kyle..
"Ah! O-opo anak ko nga po sya"
Yun naman diba?
Nangiti naman sya.
"Mukang maswerte ka sakanya ah? Bibo oh, matulungin pa"
Pakiramdam ko ay tumatalon ang puso ko sa sinabi nya. Ang swerte ko daw kase nasakin si kyle.
Ganun pala ang pakiramdam ng may anak, ng may umaaliw sayo.
Tinulungan kase ni kyle yung isang batang nadapa nung tumakbo yun papunta sa slide.
"Osya! Aalis na ko, salamat sa oras iha"
Oras?
Oras na binigay ko o oras na tinanong nya?
Doble meaning sakin yun.
Nah! Whatever.
"Mommy! Bat ka nakangiti?"
Di ko namalayan na nasa harap ko na pala si kyle.
"Ah? Wala anak, ang cute mo kase tignan habang nag lalaro ka ang pogi pogi mo"
"Hehe, thank you mommy"
Pinunasan ko yung likod nya pati na dibdib tsaka ko sya pinalitan ng sando. Ayoko naman mag kasakit ang anak ko.
Anak ko?
What a word.
Nag lakad na kami pauwi walking distance lang naman yung park sa bahay namin.
"Nag enjoy ka?"
Tanong ko bago kami pumasok sa loob ng bahay.
"Opo, ang saya ko nga po eh! Balik tayo bukas mommy?"
"Ah? Sa isang araw naman anak! Iba na lang gawin mo bukas!"
"Eh bakit po?"
"Wala, ayoko kase ng araw araw mapapagod ka kakalaro. Kumbaga pahinga bukas sa isang araw naman tas pahinga ulit tas sa isang araw naman gets?"
"Ah opo, sige po basta sasamahan mo ko mommy lagi ah?"
"Oo naman!"
"Salamat po, I love you po"
Napahinto ako, ano daw?
Ilang kurap pa.
"W-wala yun"
----------