ALL RIGHT RESERVED 2015
MR. HEISOUR JOURNEY IS OUR REVENGE
---------------------
Sam's pov
*pito* (tono ng you and I by chance)
hindi sana ko titingin pero napapansin kong parit parito ang pumipito na yun. Paulit ulit na akala mo nag papapansin.
Tinignan ko ang taong Nagpapapansin
Napairap ako ng makita ko kung sino yun.
Psh!
That man again? Ano na namang ginagawa nya dito?
"Hi *wave ng kamay*" sya
"What are you doing here?"
Masungit kong tanong. Oo yung pang may menstruation na tanong talaga!
"Nag jojogging di mo ba nakikita?"
Nag jojogging sa tapat pa ng bahay ko? At paulit ulit! Pano naka pasok sa subdivision yang lalaking yan? talagang dito pa nag jogging
"Talagang dito pa sa tapat ng bahay ko?"
"*iling iling* uhh! Ahh! Uh!! Mali ka, sa tapat ng bahay ko" at pinag diininan pa nya ang 'sa tapat ng bahay nya' tss.
Whatttttt?
Kilala ko yung nasa tapat ng bahay ko!!Di sya yun sila Mr. And Mrs. Guzman yun
"Anong ginawa mo sa may ari ng bahay na yan? I mean alam kong di ikaw ang nakatira dyan"
"Eh anong tawag mo sakin? Ako ngang nakatira dito"
"Tsss.. nasan sila Mr. And Mrs. Guzman?"
Sayang mabait pa naman yun
"Ah? Sila ba? *unat unat* mga care taker ko sila *taas baba ng kilay*"
Duhh? Diba mayaman sya? Bakit di sya kumuha ng maganda gandang bahay? Yung malaki yung magiging komportable sya?
Ang bahay ng mag asawang guzman ay di ganun kalakihan kumpara ng sakin di sya bagay dito.
At lalong di sya nararapat dito.
"Tss, ang yabang mo"
"Bat ikaw? Kanina pa ko nandito sa labas pero kanina ka pa den sa labas inaabangan mo ko nuh?"
Napairap ako
Ako? Me? I? Myself? Inaabangan sya? Tss. Teka bat nga ba ko nandito sa labas bigla akong napaisip kung bat nga ba ko nandito.
"I-ikaw? Inaabangan ko? Haha h-hindi ah"
Bakit ako nabubulol? Inaabangan ko nga ba sya? At bakit ko naman sya aabangan!
Pero teka! Hindi. Dahil di ko naman alam na dito sa nakatira.
"Eh bat kanina ka pa dyan?"
"Wala masama tumambay sa labas ng bahay ko? Tsaka.... tsaka... kakabit ko to"
Sabay kuha ko ng plakang nasa basurahan yung pineke kong plaka nun.
"Oh? Bat nasa basurahan?"
"Tinapon ni Eli"
Ang totoo. Tinapon ko na talaga tong plaka na to. Masyado ng gamit
Pumasok ako ng loob at nilock yung gate. Dumiretso ko ng paradahan
Bat kase pinulot ko pa? Tinapon ko na nga eh tsaka di ko na to kelangan.
Pero kung di ko kinuha wala akong dahilan para makaalis sa pwesto ko kanina.
Ano bang problema nya!
..
..
..
..
*ding dong*
"Mommy ako na!"
Sabay tayo ni kyle sa upuan nya dahil kumakain na kami ng dinner naming apat.
*ding dong*
"Comming"
Galing ng anak ko english speaking!
"Ah?! GoodEvening p-pwede bang... ah? Dumito muna ko?"
Kilala ko yung boses na yun ah? Bat na naman nandito yun?
"At bakit?"
"Kase nasira yung tubo ng gripo sa banyo nung bahay ko"
"Tubo na lang ng gripo na sisira mo pa? Tsk! Di ka pwede dito at isa pa sa banyo ka ba natutulog?"
"Sam? Wala na syang tutuluyan kelan ka pa tumanggi sa nangangailangan?" King
Is it me king? O dahil sa nahuli mo ako nung isang araw? My God!
Uh?
Napaisip ako. Oo nga pala nangangailangan sya bat kase Kayaman yaman nya tapos dito makikitulog samin? May company sya diba bat di sya dun matulog?
"Fine, kumain ka na den mukang di ka pa kumakain"
..
..
..
Nakakatatlong biling na ko pero di pa ko nakakatulog. bakit?
"Mommy your'e so malikot I cant sleep too"
"Sorry baby" akala ko kasi ako lang mag isa dito. Nakalimutan kong may katabi pala ko.
Pinilit kong di na gumalaw sa huli kong pag biling kanina
Napaupo ako sa dulo ng kama.
*sigh*
Lumapit ako sa aparador ko at kumuha ng isang kumot pati na 2 unan.
"Oh! Baka lamigin ka, hinaan mo na lang yung aircon"
"Salamat samantha"
I smile
"S-sige good night"
"Goodnight too"
"Mommy naka smile ka"
Kagad nawala sa labi ko ang ngiti.
At maya maya lang
Nakangiti paden pala ko
-------------------