ALL RIGHT RESERVED 2015
MR. HEISOUR JOURNEY IS OUR REVENGE
---------------------
Sam's pov.
*squuuuiiiiisssshhh*
Agad akong bumaba ng matapos kong makarecover sa nangyare.
"A-ayos lang ho ba kayo?"
Bakit lagi akong muntik may mababangga?
Sabay alalay ko sa pag tayo ng matanda na muntik ko ng masagasaan. Buti na lang malakas yung preno.
"A-ayos lang naman ako"
"May masakit po ba? Dalin ko na kayo sa hospital?"
"H-hindi, wala naman akong galos di naman dumikit sakin yung kotse mo"
"Pasensya na po kayo"
"W-wala yun!"
Nang hawiin nya yung buhok nyang nakatabing sa mukha nya ay para akong may naalala.
"Parang pamilyar yung mukha mo"
Oo nga san ko ba nakita ang mukha nya?
"A-ah? A-ano kase, a-ako yung matandang nag tanong sayo ng oras doon sa park"
"Naalala mo?" Dagdag nya.
"Ah oo! Naalala ko na what a coincidence."
Oo sya nga!
"Oo! Tama ka haha"
Pansin ko lang na kanina pa sya di makatingin sakin ng diretso may mali ba?
"Matanong ko lang po, mukang di kayo mapakali! May..... may masakit po ba sa inyo?"
"W-wala... walang masakit sakin iha, nahihiya kase ako sayo, pangalawang pag kikita na natin to. Nahihiya ako tuloy"
Napakunot ang noo ko!
"Ano naman po kinahihiya nyo?"
Eh kung pagkakataon naman ang Nag aadya na mag kita kami.
"Ah! E-etong ganito. Sa panget na sitwayon tayo nag kikita nung nasa park kase nag mamadali akong umuwi noon at ngayon naman muntik mo na akong masagasaan"
napapikit ako at napangisi
"Sorry po talaga sa nangyare ngayon nako... pano po ba ko makakabayad sa nangyare? Pano po ba eh!"
"Hindi iha, ayos lang naman ako eh mabuti pa't umalis ka na baka nag mamadali ka maantala pa kita"
"Po? Pano po kayo? Tsaka pano kung may masakit pala sa inyo? Wag po kayong mahiya tutulungan ko kayo sa gastos ako pong bahala 'nay"
Napangiti sya.
Teka may naisip pala ako. Pumunta ko sa kotse ko at inabot ang bag ko.
Kinuha ko ang isang calling card ko doon. Maging ang address ko ay nandoon.
"Nay?"
Ha? Nay? Eh tinawag ko sya kaninang nay, wag nyang sabihing ayaw nya?
Bilang pag galang na rin naman.
"Ah?... eh?.... m-masama po ba? Nako sorry po natawag ko kayong 'nay ganun po kase ako kapag may kausap na mas matanda sakin pasensya na po"
Ayaw mo? Tss! Ede wa----
"H-hindi, h-hindi ayos lang naman iha ang sarap sa pakiramdam"
Ah?
Nangiti ako. Ayos naman pala akala ko magagalit sya.
"So pano po ako makakabawi. Pwede po bang Hatid ko na lang po kayo?"
"I-iha, h-hindi na, hindi na iha kaya ko naman eh"
"Ok lang naman po diba? Kahit sa ganung pag hatid ko sa inyo makabawi man lang ako"
"O-osige na nga, medyo malayo layo ang bahay ko dito"
"Wala pong problema"
Sumakay kami sa kotse at pinaandar ko yun. Sinabi naman nya kung san sya nakatira malayo layo nga.
"Hello?"
Mom nasan ka na? I've waiting for you.
"Sorry baby pauwi na den ako anong gusto mong pasalubong?"
Naramdaman kong na pa tingin sakin yung kasama ko.
Ahm? Ano po chocolate cake tas milk tea.
"Ok, right away sir"
Mom take care I know naka kotse ka po take care I love you muah
Napahagikgik naman ako sa sinabi nya. Napaka sweet na bata.
"Opo, I love you too then take care too."
Then he hung up the phone call.
"A-ang sarap sa pakiramdam ng nag aalala sayo ang anak mo diba?"
"Ah opo, ang gaan sa loob nakakawala ng pagod. Nasabi nyo po noon na may anak kayo hindi ba?"
"Ah oo! Ah? Hinto mo eto na ang bahay ko"
Hininto ko yun sa tinuro nyang bahay at bumaba na. Pati ako ay bumaba.
"Salamat ng marami iha ha? Nako mag ingat ka pauwi at mag gagabi na. Ibibili mo pa ng pasalubong yung anak mo"
"Sige po maraming salamat. Ay? Teka yung calling card ko po tawagan nyo lang po ako kung may pag lilingkod ako sa inyo sige po alis na ko"
"Ingat ka! A-anak!"
Umalis na ko. Dumiretso ko sa nadaanan kong bilihan ng cake may malapit naman na bilihan ng milk tea doon samin doon na lang ako bibili para di mawalan ng lamig.
-----------------