Chapter 8

5.9K 145 1
                                    

Cassandra's POV


Kakatapos lang ng practice namen kaya nagpapahinga kame dito sa bleachers nang biglang dumating sila Renz.


"Cassey. Boyfriend mo ba talaga si Renzo Vargas? Ang cute niya" sabe ng isa kong team mate kaya ngumiti ako.


"Yeah. He's my boyfriend" proud kong sabe kaya tumungo lang sila.


I know he's fcking hot and cute. He's over 101% perfect kaya bagay kame. BAGAY na bagay!


Lumapit saken si Renz kaya medyo napangiti yung mga team mates ko.


"Bakit?" suplada kong tanung kaya napakamot siya sa ulo niya.


"First time in detention" sabe niya at inabot saken yung papel.


Binasa ko yun at sabe dun na may violation siyang nagawa. Malalim kaya hindi ko magets.


Tinitigan ko lang yung papel at kunyareng iniintindi yung nakasulat kahit hindi ko talaga magets.


"Nail polish. Hair highlights. Red lipstick." napatingin siya sa palda ko na kakasuot ko lang "Super above the knee skirt. Bakit daw kita pinapasok." medyo naiinis niyang sabe.


"Ano sinagot mo?"


Seryoso pa rin yung mukha niya at halatang naiinis "Sabe ko girlfriend kita. Cassandra can you please..." natigilan siya at parang inisip kung itutuloy niya pa ba yung sasabihin niya.


Naiintindihan ko naman. Gusto niya magbago ako para sa kanya. Nasisira yung image niya bilang President dahil saken.


"Ako bahala sa detention mo later basta samahan mo ako sa mall" sabe ko at kinuha yung phone ko.


Cassandra Javier Miss Popular Power 101:
Kausapin si Joshua Alcaraz (Consistent Vice President and Student Guidance Rep) para tanggalin ang detention at kahit anung violation.


"Hello?" bored niyang sagot sa tawag ko.


"Remove Renz Vargas' detention later. May date kame" sabe ko at narinig kong may malakas na kumalabog.


"Cassey?! Ikaw ba yan? Bago na ba number mo?" medyo nagpapanic niyang tanung kaya napairap ako.


Obvious ba?


"Yeah. Just do it" sabe ko.


"I can't kase--"


"Kase?"


Huminga siya ng malalim kaya napangiti ako "Thanks Josh. I'll call you later" sabe ko kahit wala na talaga akong balak tawagan siya.


"Ano na?" nagulat ako nung lumitaw si Renz sa harap ko.


"Done. Mag mamall tayo mamaya. Be ready okay?"


Namimiss ko na mag mall!'


"Ayoko." firm niyang sabe kaya nainis ako.


"At bakit? Sasamahan mo ako. May pasok si Mommy mamaya at may singing lesson si Kath. Wala akong kasama. Kailangan ko ng make over" sabe ko at napatingin sa nails ko.


"Make over? Hindi ako pumupunta sa mall." naiinis niyang sabe pero wala akong pake.


"Paano ka bumibili ng damit and stuff?"


"Pinapabili ko. Hindi kita sasamahan kahit anung mangyare" sabe niya at naglakad na papunta sa court.


Napaka-arte niya talaga! Nakakainis!


Nagsimula na silang maglaro at halata sa mukha niya na seryoso at determinado siya kaya tumayo ako.


"GO BABY RENZ!!" sigaw ko kaya tiningnan niya ako ng masama.


I bet ayaw niya talaga ng attention kase biglang nagtilian ang mga babaeng nanunuod at nabuhayan sila na kinainis niya.


Well, hello Renzo'natics?


"GO BABY! TALUNIN MO YANG MGA PANGET NA YAN!" sigaw ko kaya nagtawanan ang lahat ng player maliban sa kanya.


Natatawa rin kameng lahat maliban sa naiinis na si Renz.


"GO BABY! GO BABY! MAY DATE PA TAYO MAMAYA!" sigaw ko at mas lalong lumakas ang tawanan.


Hindi ata sila sanay na may nag checheer kay Renz. I bet nagagalit yang Vargas na yan!


Nagtatawanan silang lahat at halos hindi na siya makapaglaro ng maayos kaya galit na hinawakan ni Renz ang bola at lumapit saken.


"Nakakaistorbo ka." inis at cold niyang sabe. Nakakatakot pala siya minsan? Kaso ang cute cute cute niya talaga mainis. Minsan lang to kaya susulitin ko na.


Ngumiti ako "Samahan mo na kase ako" pagpapacute ko at tinitigan niya lang ako ng masama.


Hindi ako nagpapatinag at ngumiti lang ako.


"DAMN! FINE!" sigaw niya at napaface palm kaya napatalon ako sa bleachers at niyakap siya.


"Thank you Baby!" sigaw ko sa sobrang saya.


"AYEEEEEEE!" pang aasar ng mga team mate ni Renz kaya awkward akong napalayo.


Parang tanga si Renz na nakatingin saken. Sobrang nakakaloko yung ngiti niya.


"MAGBIBIHIS NA AKO!" sigaw ko at tumakbo na papunta sa locker room.


Kainis!
Ano ba yun!

Mister President VS. Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon