Cassandra's POV
"Saan mo balak mag apply?" tanung ni Yexel habang nakaupo kame dito sa Starbucks.
Kinausap ko siya at humingi ng pasensiya para sa nangyare. 'Sanay na ako. Hayaan mo na' yun lang ang sinabe niya at okay na ulit kame. Lage nalang mainit ang dugo sa kanya ni Renz pero wala naman ako magagawa. Hindi ko siya kaya iwan.
"Alam mo naman kung saan ko pangarap magtrabaho diba?" tanung ko kaya napangiti nalang siya.
Engineer si Renz kaya Architecture ang kinuha ko. Gusto ko talaga mag Fashion Designer kaso gusto ko talaga malapit kay Renz ang trabaho ko kaya yun ang kinuha ko.
Hindi ako ganun katalino kaya kada exam nung 1st year, 1st sem bumabagsak ako. Buti nalang may isang Yexel Jareza na naawa saken na pinapakopya, tinuturuan at tinutulungan ako. Siya ang dahilan kaya ako nakakapasa kada exam. Katabi ko siya kaya lage akong nangongopya sa kanya.
Wala akong choice lalo na at gusto ko pumasa.
"Buksan mo pala yung email mo" sabe niya bigla kaya tumungo ako at binuksan yung email add ko sa phone.
May isang bagong message sa Inbox at kinabahan agad ako nung nakita ko kung kanino galing.
From: V.A Corporation
Halos mawalan ako ng hininga nung nakita ko na approve daw nila yung application ko for interview!
"Yex?! Paano to nangyare eh hindi naman ako nag eemail sa kanila?!" masayang masaya kong tanung pero ngumiti lang siya.
Ibig sabihin siya ang nag email para saken ng resume ko. Alam niya yung password ng email ko dahil nung College siya minsan yung gumagawa ng mga paper works ko dahil lage ako busy sa mga photoshoot o di kaya nakakatulugan ko. Hindi ko akalain na pati ito gagawin niya para saken!
"Bukas ang interview naten kaya maghanda ka"
Nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa kamay niya "YEXEL! NAG APPLY KA?! PAANO YUNG COMPANY NIYO?!"
Ang V.A Company ay pag mamay ari nila Renz 'Vargas' at Vanessa 'Andres'. May sariling kompanya ang pamilya nila kaya instead na magpakasal nag decide sila na gumawa ng sariling company matapos nila ibangon yung company nila Renz.
Si Renz ang president dun at stockholder lang si Vanessa. Hindi naman siya interesado sa Company dahil meron na siyang sariling Clothing Line na inaasikaso.
Ang kinagugulat ko lang kung bakit mag aapply dun si Yex. May sarili na silang company at hindi na niya kailangan mag apply sa iba.
"Basta. Alam naman ni Dad kaya hindi na siya nag argue. Malakas pa naman siya at kayang kaya niya pa patakbuhin ang Company namen. Sabihin nalang naten na ayoko ng special treatment" sabe niya kaya sinipa ko siya ng mahina sa paa.
"ARAY!" OA niyang sigaw kaya natawa ako.
Ganyan siya. Pag ako ang nanakit sa kanya ang OA niya, pag iba naman hindi niya pinapansin.
"Salamat ha? Malaking tulong na nandun ka kung sakaling matatanggap tayo."
Natawa siya siya at sumandal sa upuan na parang hari "Ang tanung 'Kung makakapasok ka kaya?'"
Bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko pinahalata na kinakabahan ako "Oo naman! Sus." pagpapalusot ko.
Alam kong professional si Renz pagdating sa trabaho kaya sana hindi sana siya ang mag interview saken.
Makapasok kaya ako? :(
BINABASA MO ANG
Mister President VS. Miss Popular
RomancePaano pag nag away ang isang sobrang sikat at isang lalaking nirerespeto ng lahat? Sino kaya ang mananalo? HATE to LOVE nga ba ang kakalabasan?