Chapter 40 (FINAL)

7.5K 162 10
                                    

After 6 years...


Cassandra's POV


"Mommy!" sigaw ni Carter at lumapit saken.


Ngumiti ako at nilapitan yung camera man "Okay na po ba?" tanung ko.


"Medyo makulit po siya kaya wala kameng gaanong matinong kuha. Nakasimangot lang po siya buong pictorial" sabe niya at napakamot sa batok niya.


5 years old na ang panganay namen ni Renz na si Carter at laman siya ng iba't ibang commercial, magazine at movies.


"Sabe ko naman kase sa inyo na wag niyo siya kukunan ngayon dahil may topak siya diba?" naiinis na sabe ni Renz at binuhat si Carter kaya tiningnan ko silang dalawa.


Kamukhang kamukha niya ang anak niya at pati ugali niya nakuha ng anak namen. Hindi marunong makinig at kung ano ang gusto yun dapat ang masusunod.


"Renz diba nasabe na ngayon ang shooting? Nakailang reset na ba yan?" naiinis kong sabe at tiningnan ang anak namen.


"Carter, bumaba ka sa Daddy mo." firm kong sabe pero umiling siya.


Napapikit ako. Matigas talaga ang ulo niya kahit kelan.


"Carter." saway ko kaya binaba siya ni Renz. Tahimik lang silang dalawa habang nakatingin saken.


"Gusto mo pa ba mag model?" tanung ko kay Carter.


Tumungo siya.


"Bakit ayaw mo umayos?" naiinis kong tanung.


"I don't like my dress Mom" sabe niya kaya tiningnan ko yung P.A niya na kanina pa nakatayo sa gilid ng mga staff. Kanina pa sila nasa gilid namen dahil inaantay nga nila na umayos ang anak ko.


"Bakit mo siya dinamitan ng orange? Diba sabe ko sayo na ayaw niya niyan?" masunget kong tanung.


"Kase Mam yan po yung binigay saken ng management na ipasuot sa kanya"


Napakunot lalo yung noo ko "Where's Mara? Sabe niya maayos na ang lahat. NASAN SI MARA!" sigaw ko.


Biglang tumakbo si Mara sa harap ko hila hila niya si Lyan. Yung 3 years old na anak ni Vanessa at Yexel. Napakaganda niya. Kahawig niya si Vanessa at mata lang ni Yexel ang nakuha niya.


"Mam. Sorry po. Gusto po kase ni Lyan ng orange kaya orange po muna ang pinasuot namen"


Tiningnan ko si Lyan at huminga ng malalim.


"Okay. Mag ready na kayo" sabe ko at nilingon si Carter.


Nakakunot ang noo niya saken. Alam niya na ang sasabihin ko kaya naiinis siya.


"MOM! I DON'T LIKE IT!" sigaw niya kaya umupo ako sa harap niya "Carter. After that blue naman ang ipapasuot sayo kaya umayos kana para makauwi na tayo." sabe ko.


Umiling siya kaya nainis ako lalo.


"Baby. Please..." pakikiusap ko kaya tumungo siya at pumunta na sa set.


Naramdaman ko na hinawakan ako sa bewang ni Renz at napatingin nalang kame sa harap habang inaayusan nila ang nakakunot noo na si Carter.


"Ang gwapo talaga ng anak ko" sabe ni Renz kaya siniko ko siya.


"Anak ko yan kaya wag mo ako lokohin" sabe ko kaya natawa lang siya.


Nagsimula na silang magphotoshoot at biglang nagbago ang mukha ng anak namen. Ngumingiti na siya at hindi ko mapigilan ang maging proud. Napakagwapo niya at tingin ko mas gwapo pa siya kay Renz pag lumaki.



******



After ng shoot nakatulog na si Carter kaya binuhat na siya ni Renz papunta sa kwarto.


Nakangiti akong nakatayo habang inaasikaso niya ang anak namen. Pinapalitan niya yun ng damit kaya natatawa ako. Sanay na sanay na si Renz na alagaan ang anak namen kahit na lalaki siya.


Napatingin siya saken matapos niya palitan ang makulit na batang nasa harap namen.


"I'm proud of him" sabe niya at hinawakan ang kamay ko "Proud ako sa anak ko pati na sayo. Hindi ko akalain na babaeng maarte na gusto ko lang asarin dati ay magiging asawa ko na at ina ng pinakagwapong batang kilala ko"


Natawa ako at niyakap siya "Salamat Renz sa pagtitiyaga. I love you so much...."


Naramdaman ko na mas niyakap niya ako "I love you too Cassandra..." bulong niya at hinarap ako para halikan.


Hindi perfect ang pagsasama namen at kadalasan nag aaway kame pero masasabe ko na yun ang dahilan kung bakit kame matatag. Sa kabila ng lahat kame pa rin talaga ang magkasama.


I don't regret anything. Mahal ko si Renz at habang buhay ko siyang mamahalin.


Ang nag iisang Mr. President ng buhay ko.


I'm Cassandra Javier the former Miss Popular saying goodbye :) Hindi pa ito ang katapusan ng Love Story namen but just a beginning and I hope makakuha kame ng pinakamasayang happy ending.


-ENDING-

Mister President VS. Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon