Chapter 5

6.4K 158 3
                                    

Renzo's POV


"So for this coming next event which is Interprivate. We are going to compete with different schools. I think our teams are already prepared in the sports division. Nag iisip kame kung sino ang muse and escort and we were thinking of Cassey again and Joshua Alcaraz"



Napatingin ako sa secretary ko na nagsasalita sa harap "No. I don't want Cass." 



Ayoko siya maging muse. Kung pagfiestahan nga siya ng mga team mates ko grabe na, ano pa kaya kung magmuse siya.



"President, lagi naman kaseng nag chachampion si Cass"


Unti unti akong naiinis sa usapan. Bakit ba ang kulit niya?

"ITS CASSEY!" nagulat ang lahat sa pagsigaw ko "Ayoko siya maging muse this year. Period." sabe ko at tumayo na ng hawakan ako ni Alcaraz.

"Sino naman gusto mo makapartner ko?" naiirita niyang sabe.


Ang angas ha.

"Hindi ko alam. Maghanap ka ng iba" sabe ko pero tumayo siya at tinitigan ako.



Kahit malusaw ako sa tingin niya hindi ako papatinag.



"Ayoko. Gusto ko si Cassey. GUSTO KO SIYA"


Natawa ako "Gusto mo ang GIRLFRIEND KO maging muse? Sorry pero AKO ANG PRESIDENTE at AKO ANG MASUSUNOD. Kung may problema ka kausapin mo nalang to." sabe ko at sinuntok siya.



Cassandra's POV


"Bakit ka ba nakipagsuntukan? Naturingan kang presidente basagulero ka!" sigaw ko ng puntahan ko si Renz sa office. Bugbog sarado si Josh samantalang siya namumula lang sa sobrang inis.


Hindi siya sumasagot at galit lang yung mukha niya. Hindi ako sanay.


Kinalabit ko siya "Uy. Renz" 



Tiningnan niya ako at nagulat ako ng akbayan niya ako "Sorry Cass. Sorry" sabe niya.


Hindi ko alam pero napatulala lang ako.

"Ayoko maging muse ka this year dahil ayoko na maraming tumitingin sayo. Ayoko na maraming pumapansin sayo. Nakakatawa pero alam ko namang mas sikat ka saken pero pwede ba Cass? Pwede ba na habang ako ang boyfriend mo akin ka lang muna?"

Yung puso ko...

Yung puso ko..........

YUNG PUSO KO NAGWAWALA!



"Ang drama mo naman he he he!" medyo pilit kong sabe kaya napangiti siya at pinisil ang mukha ko.


"AAAAAAH!" sigaw ko pero nakangiti lang siya kaya hindi ko alam kung bakit napangiti lang din ako.



Ang pogi niya.

Ang pogi talaga ni Renz....





"It's final. Cassey is my muse" biglang sabat ni Joshua at inabot ang papel kay Renz "You need to sign. Nakapirma na yung adviser naten at principal."




Binitawan ako ni Renz at sumama ang mukha niya "No." firm niyang sabe kaya napahinga ako ng malalim.

Siniko ko siya pero tumayo lang siya kaya medyo nainis ako. Masyadong sa kanyang big deal. Hindi naman niya ako tunay na girlfriend!



"Ako ang magmumuse kahit hindi pumirma si Renzo." sabe ko kaya napangiti si Joshua at hinawakan ang kamay ko.


Napalayo ako at tiningnan ang mukha ni Renz na salubong na yung kilay.



"Fine then hindi na rin ako ang Captain ng basketball team. I also quit as a President and also as your boyfriend Cassandra" cold na sabe niya at umalis ng room.



Nanlamig ako bigla. Ano bang problema niya?

Mister President VS. Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon