Chapter 37

4.1K 78 0
                                    

Cassandra's POV


Nagulat ako ng lumabas ang Doctor "Sino ang--"


Nilapitan ko agad siya "Girlfriend niya po ako. Kamusta na siya?!" sigaw ko.


Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa balikat at inabot niya saken yung singsing "Hawak hawak niya yan all this time. I'm sorry but he's at risk. I don't want to say this pero baka hindi niya na kayanin."


Napaupo ako sa sahig at napatingin sa singsing.


"Nasaan na sila Tita? Brix call them!"

"Doc. Pwede ko po ba kayo makausap?"

"Vanessa kumaen ka muna"

"Cassey? Cassey...."



Hindi ko na alam ang nangyayare at nakatitig lang ako sa singsing ni Renz.


"Cassey wear this" sabe ng isang lalaki pero hindi ko na kilala kung sino siya. Tinayo niya ako at sinuotan ng damit. Isang hospital gown.


"Cassey!" sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko ang namumugtong mata ni Raven "Cassey. Please. Talk to him." sabe niya at mabilis na tumulo ang luha niya kasabay ng saken.


Sinuot niya yung mask saken at ngumiti "Hindi ko kaya na mawalan ng tropa. Cassey marami pa siyang pangarap para sa inyo. Please..." napayuko siya kaya halos durugin na ang puso ko sa bigat ng nararamdaman ko "Save him....save my brother..."


Niyakap ko lang siya at pumasok na sa loob.


Nawawalan na ako ng lakas pero pinipilit ko lang na kayanin. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Pinisil ko yun at parang hindi ko na alam ang gagawin ko nung naramdaman ko hindi siya sumasagot. "Daya mo!" mahina kong sigaw at pinisil ulit yung kamay niya "Pisilin mo naman yung kamay ko. Dyan ka magaling diba?"


Hindi siya sumasagot...


Walang sumasagot saken......


"Hoy Renz.... umayos ka ha! Magpapaliwanag ka pa saken!" sabe ko at hindi ko alam kung paano pa ako magpapatuloy "Renz naman.....sumagot ka na...."


Huminga ako ng malalim "Ayaw mo ba marinig yung pagbati ko sayo ng happy anniversary? Bibigyan mo pa nga ako nito oh...." sabe ko at pinakita ko ang singsing na inabot saken ng Doctor kanina "Wag mo ako tulugan....Renz...wag mo ako iwan ng ganito..."



Napatingin ako sa tulog niyang mukha "Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Galit ako sayo. Araw araw ako nagagalit sayo pero araw araw din kitang namimiss. Kahit isang milyong ulit kong sabihin na iiwan kita, kahit kelan hindi ko yun gagawin kase mahal kita. Ikaw nga yung nagturo saken kung paano mag basketball diba? Sabe mo basta hawak ko na yung bola wag na wag ko na yung bibitawan unless sigurado na ba ako. Ikaw yung unang lalaking minahal ko ng ganito kaya wag mo ako iwan basta basta....Renz lumaban ka..."



Nagulat ako ng tumunog ulit yung machine....



Mabilis akong tumakbo palabas para tawagin ang mga Doctor at naging mabilis ang susunod na pangyayare.



Nakatayo ako sa gilid habang pilit nilang nirerevive ulit si Renz....



Napakapit ako ng mahigpit sa singsing niya.....



Hindi ko kaya...Hindi ko kakayanin...




"250!" sigaw ng Doctor at halos tumigil na yung pagtibok ng puso ko ng hindi na mag response yung machine. Tumigil yun sa pagtunog at binaba na ng Doctor yung hawak niya.




"Sorry..." sabe niya saken kaya agad akong napatakbo kay Renz...




"Renz....wag....isasalba kita..." iyak ko at hinila ang damit ng Doctor "Doc lalaban pa siya! Isa pa! Please...." sigaw ko pero umiling lang siya kaya kinuha ko yung hawak niya kanina pero kinuha yun saken ng mga nurse....



"REEEEENZ!" sigaw ko at napapikit.



Wag naman po....wag po siya....hindi ko kakayanin....wag siya please....

Mister President VS. Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon