Chapter 26

4K 82 0
                                    

Cassandra's POV


Maaga akong pumasok para sana isurprise si Renz na ugok at ipamukha sa kanya na worth it ako para sa trabaho na ito pero ako ang nasurpresa nung makita ko siya na nakaupo sa upuan ko. Medyo naaasar pa ako sa kanya dahil puro away nalang ang nangyayare sa amin ngayong month.


"Ano ang ginagawa mo dito?" mataray kong sabe at tumayo sa gilid niya with matching pamewang pero hindi siya nagsasalita at nakapatong lang yung paa niya sa desk ko.


"HOY VARGAS SUMAGOT KA!" sigaw ko at hinampas siya sa braso kaya tiningnan niya ako ng masama.


"Ano? Ikaw na may gana magalit saken ngayon?!" sigaw ko dahil nakakainis talaga yung tingin niya!


Nagtitimpi lang talaga ako sa kanya eh! Konting konti nalang mapapatay ko na siya!


"AKO ANG BOSS MO!" sigaw niya at tumayo kaya nagulat ako at napaatras. Ang laki laki ng boses niya tapos sisigaw pa siya? Ang sarap niya sipain! Grrr.


"NAMUMURO KANA! NAGTITIMPI LANG AKO SAYO!" sigaw ko kaya napatingin yung mga tao sa amin at natigilan siya.


"ANO?! NAHIHIYA KA?!" sigaw ko kaya lalong nanlisik yung mata niya at binuhat ako bigla kaya nagwala ako at pilit na umaalis sa hawak niya.


"SIRAULO KA! PWEDE MO NAMAN AKO BUHATIN NG PARANG PRINSESA HINDI GANTO! ANO AKO BABOY?!" sigaw ko dahil binuhat niya ako pabaliktad at hawak niya yung hita ko!


"Wag ka mag inarte! Mataba kana kaya dapat lang to sayo! Diba sabe ko sayo magdiet ka?" natatawa niyang sabe kaya sinuntok ko ang likod niya!


Naiinis na talaga ako! Hayup talaga minsan si Renz! Matagal na ako nagtitiis sa katopakan niya!


"IBABA MO AKO!" sigaw ko at nakaamoy ako ng pag asa makawala kay Renz nung nakita ko si Yexel na papasok palang.


"YEEEEX! YEX! TULUNGAN MO AKO!" tawag ko sa kanya pero umismid lang siya.


"Wag kang sigaw ng sigaw Cassey baka maubos ang dugo mo" pacool niyang sabe at naglakad na papunta sa mesa niya which is katabi ng akin.


Tss! Nakalimutan ko isa rin pala siyang mayabang!


"MAG SAMA KAYO NG BAKLANG SI RENZ!" sobrang lakas kong sigaw na parang matatanggal na yung lalamunan ko.


Inis na inis na ako!


Naglakad lang ang hayup kong boyfriend kaya tumahimik na lang ako. Baka mamaya maubos nga yung dugo ko.


Pumasok siya sa office niya at inupo ako sa mesa niya kaya tiningnan ko siya ng masama pero mas masama yung mukha niya kaya pinilit kong mag Tiger Look.


"Aba? Matapang kana ulit?" sabe niya at nilapitan ako. Sinipa ko siya ng mahina kaya natawa siya "Matapos ko gawin yung thesis mo dati sasaktan mo lang ako?"


"Ikaw kase. Lage mo nalang ako pinapaiyak" sabe ko at naiyak na agad ako "Nakakainis ka na Renz! Kung hindi ka sisigaw, aburido ka naman! Lage ka na lang galit saken! Kung hindi ka galit masunget ka naman! HINDI KO NA ALAM KUNG SAAN AKO LULUGAR!" sabe ko kaya nagulat ako ng pitikin niya ng mahina yung noo ko.


"Wag ka ngang maingay para kang baka!" sigaw niya at nagulat ako ng yakapin niya ako "Sorry na baby... babawi ako sayo promise..." bulong niya kaya agad ko siyang tinulak at tiningnan "SERYOSO?!" parang bata kong tanung kase hindi ko mapigilan. Namimiss ko na talaga siya kulitin :(


Tumungo siya at ngumiti kaya kinabahan ako.


"Babawi ako sayoooo~" parang nananakot niyang sabe kaya sinipa ko siya ng paulit ulit pero tumatawa lang siya at kinuha yung bag niya.


"Tara na" sabe niya at hinila ako pababa.


"RENZ BINABALAAN KITA HAAAAAA!" sigaw ko habang palabas kame ng opisina niya.

Mister President VS. Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon