Cassandra's POV
4PM
"Cassey umuwi na kaya tayo? Nauna na ata yung Renzo na yun!" inis na sabe ni Kath habang inaantay namen si Renz sa may carpark.
Bzt bzt.
-Baby. May emergency. Nasa bar ako ngayon. Umuwi kana-
Emergency sa bar?!
"Una kana Kath. May pupuntahan lang ako" sabe ko at mabilis na pumunta sa sakayan ng taxi.
Pumara ako at pumunta sa pinakasikat na bar kung saan lage laman yung mga tropa ni Renz.
Mabilis akong bumaba pagdating ko. Nakita ko agad si Axel Torres na may kasayaw sa dance floor. Isa siya sa mga kaibigan ni Renz na sikat sa campus.
Nakita ko si Renz sa may bar stool nakikipag usap kay Raven. Isa din sa mga tropa niya.
Mabilis akong naglakad papunta dun ng may bumangga saken. Natapon lahat ng juice na hawak niya sa dibdib ko!
"ANO BA!" sigaw ko at tiningnan yung isang mistisang babae. Sobrang sexy niya sa short shorts niya at tank top. Nakaheels din siya na parang makakapatay ng tao yung takong. Makinis yung mukha niya. May maganda siyang buhok at ang perfect ng pagkakagawa ng mukha niya.
Medyo nanliit ako nung makita ko yung babaeng nasa harap ko ay yung nasa phone ni Renz na si Vanessa.
"Next time kase titingin ka sa daan hindi yung lakad ka ng lakad." pagtataray niya kaya nag init ang dugo ko!
Hindi ba niya kaya mag sorry?!
"HINDI MO BA ALAM NA USO NA YUNG SORRY?" sabe ko at tinuro yung basa kong uniform.
Natawa siya at nag smirk. Kung makalapit siya saken akala mo ilulublob na niya ako sa dibdib niya! "Hindi ako mag sosorry. Tsaka isa pa. Anong ginagawa ng isang high school dito?"
BAKIT SIYA LANG BA MAY KARAPATAN MAG BAR?!
Ang kapal ng mukha niya!
Gusto ko siya sagutin pero hindi ako makapagsalita dahil feeling ko naiinsecure ako.
"Vaness? Anung meron?"
Biglang lumitaw sa harap namen si Renz. Agad na lumapit sa kanya si Vanessa at pinuluputan!
Para siyang ahas!
"Babe may naligaw lang kaseng bubwit dito" sabe niya at nagulat ako ng mag tawanan yung mga tropa ni Renz na nasa likod lang nila.
Sumama yung mukha ni Renz at lumayo kay Vanessa. Nagulat ako ng hilahin niya ako "She's my real girlfriend. Si Cass" pakilala niya saken at biglang nagbago yung mukha ni Vanessa.
"Oh my gosh. Siya ba yung bago mo?" natatawa niyang sabe at hinawakan ang braso ko "Ilang taon kana baby girl?"
Medyo nahiya ako dahil alam kong mature na yung edad nila samantalang ako eto isang high school student lang.
"15" bulong ko at tumawa siya malakas.
"Ang cute mo naman" sabe niya at hinawakan ang buhok ko.
Cute? Ano ako aso? Tss. Baka ikaw yun.
Pilit lang akong ngumiti at nagulat ako ng yakapin ako bigla ni Axel " Hindi ko alam na mahilig kana pala sa mga bata Renz" sabe niya at hinalikan yung pisngi ko kaya napaatras ako.
"Axel naman! Child abuse ka! Wag mo naman siyang ganyanin hindi siya sanay kase bata pa siya. Diba Cass?" paepal na sabe ni Vanessa kaya nagtawanan yung iba pang tropa ni Renz.
Natawa din ako ng pilit "Cassey. I'm Cassey" sabe ko at isa isa silang nagpakilala saken.
Si Raven, Yui, Brix at Axel. Lahat sila gwapo at kagaya ni Renz. Meron silang fanpage sa Facebook. Mga model sila at sobrang sikat sa mga estudyante sa school.
"So Babe--I mean Renz hindi mo pa ba ihahatid si Cassey? Gabi na oh baka pagalitan na siya ng Daddy niya" pang aasar pa ng bruha kaya nag iinit na talaga yung dugo ko.
"Don't worry. My Dad wont mind" sabe ko at kinuha ko yung beer na hawak ni Brix at tinungga yun "Kaya kong makipagsabayan sa inyo. Trust me, I'm better than you" sabe ko at lumapit pa sa kanya.
Mas maganda ako sa kanya at sexy. Ako lang ang para kay Renz.
"Let's see dear Cassey" mapanghamon niyang sabe.
BINABASA MO ANG
Mister President VS. Miss Popular
RomansaPaano pag nag away ang isang sobrang sikat at isang lalaking nirerespeto ng lahat? Sino kaya ang mananalo? HATE to LOVE nga ba ang kakalabasan?