Renzo's POV
Napalabas ako ng kotse ng makita ko si Cyrus.
Ngayon lang ako kinabahan sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.
"Sorry Cy nalate ng uwi si Cass. Medyo napainom pa siya" nahihiya kong sabe.
Renz! Si Cyrus lang yan!
"Alam ko. Alam ko naman na pag napadikit na siya sayo syempre mapapadikit na din siya kila Axel. Ano ba ang alam ng mga yun? Diba ang magmodel sa mga bar at maging laman ng headline news?"
"Pasensiya na pre" sabe ko.
Nahihiya ako dahil alam kong bata pa si Cass at kung saan saan ko na siya hinihila.
"Ayoko sayo pero ano ba magagawa ko? Mahal ka na ng anak ko." huminga siya ng malalim at pumunta sa kotse ko. Binuksan niya yun at binuhat si Cass "Umuwi kana. Mag iingat ka" sabe niya at pumasok na sa loob.
Halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib kaya nanghihina akong pumasok sa kotse.
Binuksan ko ang phone ko at 20 unread messages. Galing sa manager ko, kay Vaness, Raven, at unknown texts.
Napatitig tuloy ako sa babaeng nasa wallpaper.
Si Cass nung nag muse siya para sa sportfest. Siya yung pinakamagandang babaeng nandun na kahit malabo ang mata malalaman na siya yung mananalo.
Proud ako sa kanya.
Proud na proud ako nun dahil ang babaeng inaasar ko na maging girlfriend ko nagawa kong seryosohin.
After 30 mins.. hindi pa ako nakakaalis kaya napatingin ako sa bintana na may nag iisang ilaw na bukas. Mabilis akong lumabas sa kotse.
Dahan dahan akong umakyat sa gate at pumunta sa may gilid. Buti nalang may maliit na garden at puno connected sa bintana.
For the first time aakyat ako sa puno.
Mabilis akong umakyat at halos malaglag na ako.
Hindi ko akalain na ganun pala kahirap yun!
Lagot talaga ako sa manager ko dahil sa mga gasgas na nakuha ko mula sa lintek na puno na yun!
Dahan dahan kong binuksan yung balconahe at tumambad saken ang napakagandang kwarto ng prinsesa ko.
Natawa ako dahil parang nakakasilaw ang mga gamit dahil lahat kulay pink.
Umupo ako sa higaan niya at napangiti ako nung makita ko ang maamo niyang mukha. Ang pinakamagandang babae sa buhay ko.
Cassandra's POV
"Baby..." bulong ng isang lalaki at niyakap ako kaya napamulat ako ng mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko kaya siguro na-iimagine ko na kayakap ko si Renz habang natutulog sa kwarto ko ngayon.
Napangiti tuloy ako at hinigpitan ang yakap sa kanya. Sobrang bango niya at gwapo kahit tulog.
Dahan dahan akong lumapit at hinalikan siya pero nagulat ako ng gumalaw siya at halikan ako pabalik! Niyakap niya ako ng mas mahigpit at mas lalong tumindi ang halik niya saken.
Totoo ba to?
Napapikit nalang ako at halos lumabas na yung puso ko sa sobrang kaba.
"Goodmorning" sabe niya saken kaya napahawak ako sa labi ko.
"Totoo ka ba?!" medyo nagpapanic kong sabe at halos hindi na ako makagalaw nung pumuwesto siya sa may taas ko at halikan ang leeg ko.
"Your smell is killing me baby....Ang bango mo" bulong niya kaya naitulak ko siya dahilan para matawa siya.
Siguro kung makakalabas na ang eyeballs ko mula sa mata ko nangyare na sa sobrang gulat!
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ko at napaupo. Nakadamit pa naman ako kaya sure akong wala pang nangyayare sa amin.
Umupo din siya malapit saken at mabilis akong hinalikan. Smooch lang pero kinilig pa rin ako!
Ang aga aga papatayin niya ko ng atake sa puso!
"Renz! Bakit--"
Niyakap niya ako "Don't move...Give me more thirty minutes....." sabe niya at binaon yung mukha niya sa leeg ko "I fucking love your smell Cassandra"
Halos magwala na yung mga bulate ko sa tiyan at niyakap ko lang siya.
"I can't let you go. Not now so please..." humarap siya saken "...wag mo akong iiwan ha?"
Naiyak ako dahil hindi niya alam kung gaano ko kayang magtiis para sa kanya "Mahal na mahal kaya kita!" natatawa kong sabe at dahan dahan niyang pinunasan ang luha ko.
"I love you more" sabe niya at napangiti nalang ako.
Renz...bakit ba ang gwapo mo? HAHAHAHA.
BINABASA MO ANG
Mister President VS. Miss Popular
RomancePaano pag nag away ang isang sobrang sikat at isang lalaking nirerespeto ng lahat? Sino kaya ang mananalo? HATE to LOVE nga ba ang kakalabasan?