Chapter 19

4.3K 99 2
                                    

Cassandra's POV


"CASSEY!" sigaw ng isang lalaking nakajersey at natatarantang pumunta sa room kaya nagulat ang lahat.


"SI RENZ NADISGRASYA SA COURT!" sigaw pa ulit niya kaya nagpanic ang lahat. Sobra akong kinabahan at halos hindi na ako makahinga.


Tinapik ako ni Kath "Cassey si Renz daw" sabe niya kaya parang nagising ako at mabilis akong pumunta sa court.


Sobrang dameng tao kaya pilit akong nakisiksik!


Yung Renz na yun! Papatayin ko talaga siya pag may nangyare sa kanya!



Halos malaglag yung puso ko ng makita ko na nag uumpukan yung mga player sa gitna ng court. Napatakbo agad ako at napaiyak.


Ano bang nangyare kay Renz?



Lumayo sila lahat at nagulat ako ng lumitaw ang gwapo kong boyfriend at may hawak na bulaklak.


"Hi baby" nakangiti niyang sabe at hinawakan ang kamay ko kaya napaiyak ako lalo.


Niyakap ko lang siya "Akala ko kung napano kana..." sabe ko at halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib.


Lumayo siya saken at may biglang naghagis sa kanya ng bola.


Pinakita niya yun saken at may nakasulat.


-Princess Emily Cassandra Barnes Javier-


Kumunot ang noo ko at shinoot niya lang yun sa ring.


May naghagis pa ulit at may nakasulat nanaman.


-Will you...-



Shinoot niya lang ulit yun at nagulat ako ng lumuhod siya..


May naghagis nanaman ng bola at ako naman ang sumalo nun!


Puro sila kalokohan.


Titingnan ko na sana yung nakasulat kaso nagsalita si Renz.


"Pag naipasok mo yan, ibig sabihin 'Oo' ang sagot mo. Pag sumablay ibig sabihin 'Hindi'. Sorry Cass pero kailangan ko na malaman ang sagot mo"



Kinabahan ako bigla at tiningnan ko ang nakasulat.


Tama nga ang hula ko.


-Will you marry me?-


Naiyak ako at nagulat ako nung tiningnan ko si Renz nakayuko lang siya.



Nag hihintay siya ng sagot ko.



Hindi ko alam kung bakit pero binitawan ko yung bola at tumalikod palayo sa kanya.



Natatakot ako.



Alam kong seryoso siya at hindi ko alam kung ganun ba ako kaseryoso sa kanya.




Dire-diretso lang ako at nagulat ako ng may marinig ako.


'Pinaiyak niya si Renz'


'Bruha talaga yan!'


'Kaya ayoko sa kanya para kay Renz'


'Lalakero lang yan'


Mas lalong tumindi ang iyak ko at natigilan ako ng lumitaw si Vanessa sa pinakaentrance ng court.


Umiiyak din siya.



Ano bang meron?


"Naiinggit ako sayo. Nasaken na lahat maliban sa kanya. Alam mo bang tinalikuran niya ang lahat para sayo? Then this?" hinawakan niya ang kamay ko at nakita ko na may suot siyang engagement ring "Ikakasal na kame dahil lumulubog na sa utang ang pamilya nila pero umayaw si Renz. Pinaglalaban ka niya dahil sabe niya mawawala na ang lahat kahit ang pamilya niya wag ka lang. I gave him a chance. At tama nga ako, you're not brave enough to fight for him."


Natigilan ako at napatingin sa kinatatayuan ko kanina. Wala na si Renz at tanging bulaklak nalang ang nandun.


"He loves you more than he's own family. Hindi ko alam kung bakit pero...sinayang mo lang lahat yun" may inabot siyang papel saken na halos mapaupo na ako sa sobrang panghihina nung nakita ko.


"Invited ka sa kasal namen" sabe niya at umalis na.




Ano bang ginawa ko? Mali ba na natakot ako? 



Renz....bakit ako?

Mister President VS. Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon