Chapter 10

5.4K 133 3
                                    

Cassandra's POV


"DAAAAAAD!" sigaw ko at padabog na binuksan yung pinto pagkarating ko ng bahay.


"ALAM MO BA YUNG NANGYARE SA MALL KANINA?!" sigaw ko.


Halos mapatay na ako ng mga taong yun! Grabe sila! Isa pa yun si Renz! Tama ba naman na sigawan niya ako?!


"Cassey. Calm down" sabe niya habang nakaharap pa rin sa laptop niya "Hinahanap ko na yung nagpakalat ng picture mo sa internet" sabe ni Dad at tiningnan ako.


What?!


"Anong picture?! Alam na ng public na ako si Princess Emily Cassandra Barnes Javier?! DAD! YOU PROMISE ME NA HINDI MO AKO IPAPAKILALA SA KUNG SINO SINO!" sigaw ko at napaupo sa upuan sa harap niya.


"Hindi ka ba proud na anak ka ng isang sikat na model?" natatawang sabe ni Dad.


Sikat kase na model si Daddy at Mommy. Ako ang anak nila nung 15yrs old palang sila. 33 years old palang sila pareho kaya medyo shock pa yung public na ang sikat na mga model ng bansa eh may anak na.


Kainis! Sigurado pagkakaguluhan nanaman ako!


Tumayo ako dahil mukha namang busy yung Daddy ko kaya naiinis akong dumiretso sa kwarto ko.


Mabilis kong tinanggal yung uniform ko kaya nakacycling at sando lang ako ng gumalaw bigla yung gilid ng kama ko!


JUSKO! MAY STALKER BA NA NAKAPASOK SA ROOM KO?!


Mabilis kong kinuha yung baseball bat at handa na yun ipukpok sa tao na gumagalaw sa gilid ng kama ko.


Sobra akong kinakabahan.


Easy lang Cassey.



Ihanda mo lang yung pampalo!



Hampasin mo ng sobrang lakas!









"WAAAAAAH!!" sigaw ko ng tumayo yung lalaki at malakas kong siyang pinalo ng baseball bat ng biglang niya yung hawakan ng sobrang lakas. Kung hindi lang matigas yun baka naputol na niya.


"WHAT THE FCK CASS!"


Kilala niyo na kung sino siya. Si Renz.


"Papatayin mo ba ako?!" sigaw nanaman niya at hinila yung baseball bat at hinagis sa kama ko.


Galit na galit pa rin siya pero hindi na ganun kasama yung mukha niya. Medyo okay na siya.


"Bakit ka kase pumapasok bigla?! Pwede namang---" nagulat ako ng yakapin niya ako.


Sobrang higpit na halos hindi na ako makagalaw.


Mabilis ang tibok ng puso niya at ang lalim ng paghinga niya.


"Sorry sa nagawa ko kanina...Sorry"


Hindi ako makapagsalita at niyakap ko lang siya ng sobrang higpit.


Gustong gusto ko talaga yung amoy niya na parang drugs na hindi mo na gugustuhing bitawan pa.


Renzo bakit ganyan ka :(


"Cass" hinarap niya ako at hinawakan yung maliit na sugat ko sa mukha "Sorry na" sabe niya at ngumiti.


Halos mawalan na ako ng hininga at naaalala ko yung ginawa niya kanina kaya mabilis ko siyang tinulak.


"HAYOP KA! MATAPOS MO AKO SIGAWAN! UMALIS KA! LUMAYAS KA!" sigaw ko at pinagtulakan siya sa may pinto.


Natawa siya at tinitigan lang ako habang ako todo effort na itulak siya.


"RENZO UMALIS KANA! GALIT AKO!" sigaw ko pero pinoke niya lang yung ulo ko at yumuko.


Sobrang lapit ng mukha niya kaya dinakma ko yun ng kamay ko "Ano ha? Magpapacute ka nanaman?!" sigaw ko kaso nagulat ako ng hawakan niya ako sa bewang at buhatin.


"REEEEEENZ!" sigaw ko at pilit na kumakawala.


Ano feeling niya bago kameng kasal?


Ang kapal ng mukha niya!


Tumatawa lang siya ng malakas kaya kiniliti ko siya sa tagiliran.


"Wala akong kiliti" mayabang na sabe niya at hinalikan ako sa leeg kaya natigilan ako.


"I like you Cass"


Halos tumalon na yung puso ko sa tuwa ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.


"ANO TO?!"


Napatingin kame kay Daddy na galit na galit yung mukha.


"Cyrus?" gulat na sabe ni Renz kaya napatulala ako.


"RENZO VARGAS?! ANO ANG GINAGAWA MO SA KWARTO NG ANAK KO?!" sigaw ni Dad.


Magkakilala sila?

Mister President VS. Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon