[NEXT DAY]
Cassandra's POV
"HOY VANESSA!" sigaw ko sa labas ng bahay nila. Halos maubos na ang boses ko kakasigaw pero wala akong pake!
Lumitaw ang isang maputing babae mula sa may gate at mataray niya akong tiningnan "MAGPAPAKAMATAY AKO PAG NAGBREAK KAME NI RENZ!" sigaw ko at matapang na lumapit sa kanya.
Hinding hindi ako papayag na maghihiwalay kame!
"Oh really?" natatawa niyang sabe kaya nainis ako at hinila ang buhok niya.
"AKIN LANG SI RENZ!" sigaw ko at sinakyan siya kaya natumba kameng dalawa!
Wala akong pake kung masugatan ako! Kahit maubos pa buhok ko para kay Renz wala akong pake!
Tinulak niya ako ng malakas "Ano bang problema mo?! Nakausap mo na ba si Renz?! Bruha ka talaga Cassandra! Napakamaldita mo! Alam mo bang mahal pa sa buhay mo ang skin treatment ko?!" sigaw niya at tumayo kaya tumayo din ako.
"Sabe mo ikakasal kayo eh! Ikaw na babae ka! Mang aagaw! Akin lang si Renz!" sigaw ko at susugurin ko na dapat siya kaso hinarang niya yung kamay niya "My Gosh Cassandra! Ang warfreak mo no?! Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sayo ni Renz! Abnormal ka ba?! Hindi na siya magpapakasal saken! Magtatrabaho nalang siya sa company namen instead which is gusto ni Daddy dahil wala namang ibang gagawa nun. Ako lang naman anak niya at ayoko gawin!"
Wala akong nagets sa sinabe niya pero ang alam ko lang hindi na magpapakasal si Renz sa kanya.
Naiyak ako at niyakap siya "VANESSAAAAAAAAAAA!! WAAAAAAAAAAH!!"
Tinulak niya ako ng mahina at tiningnan mula ulo hanggang paa "Umayos ka ha! Hindi ko pinakawalan si Renz para saktan at bitawan ng isang panget na katulad mo!" ngumiti siya saken at mas lalo akong naiyak nung nakita ko kung gaano siya kaganda!
Ang perfeeeeeeect niya :(
Suminghot ako at pinunasan ang luha ko "Salamat Vanessa!"
"Tss. Umalis kana nga dito! Nakakahiya ka. Kung ako si Cyrus at Emily hindi ako matutuwa na ikaw ang anak ko! Chooo layas!" sabe niya at pumasok na sa loob ng mansion nila.
Mabilis akong sumakay ng kotse ko at pinuntahan si Renz.
Saktong aandar palang yung motor niya nung dumating ako kaya mabilis akong nagdrive at hinarang yung kotse ko kaso sa sobrang katangahan ko natumba yung motor niya kaya mabilis akong bumaba ng kotse.
"OH MY GOSH RENZ!" sigaw ko at mabilis na tinanggal yung helmet niya.
"WHAT THE FCK CASS! ARE YOU TRYING TO KILL ME?!" sigaw niya kaya mabilis ko siyang niyakap.
Ang bango niya talaga! Nakakaiyak!
"SORRY RENZ! MAHAL NA MAHAL TALAGA KITA! SORRY! HINDI NA KITA IIWAN! KAHIT ANUNG MANGYARE! KAHIT IKAMATAY KO PA!" sigaw ko at nagulat ako ng matawa siya.
Hinarap ko siya at halos masilaw ako sa puti ng ipin niya. Sa kinis ng mukha niya, pagkabrown ng mata niya, tamang kapal ng kilay niya, sa ganda ng lips niya, sa tangos ng ilong niya at sobrang broad niyang mukha.
Ang gwapo niya.
"Renz...Akin ka lang please" pagmamakaawa ko kaso umiling siya.
"Ayoko." sabe niya at tumayo.
ANO?! LOKONG TO!
"RENZ NAMAN! NAGDRIVE PA AKO KAHIT WALA AKONG LICENSE PARA SAYO!" sigaw ko.
Ang kapal ng mukha niya! Matapos ng lahat ng ginawa ko aayawan niya lang ako?!
Ngumiti siya kaya biglang tumulo ang luha ko. Yung ngiti niya ang pinakamaganda sa lahat ang hinding hindi ko kaya ipagpalit.
"Joke lang." pabiro niyang sabe at may hinugot siyang bulaklak sa may gilid niya. Isang stem ng white rose "I love you Cassandra. Ang sakit ng pambabasted mo saken kahapon kaya tatanungin ulit kita ngayon"
"WAAAAH! RENZ! I WILL MARRY YOU!" sigaw ko at nagulat ako ng matawa siya ng malakas.
Ano naman nakakatawa?
"Wrong answer. Iibahin ko na kase yung tanung ko. Ikaw kase pakipot kapa kaya kailangan mo muna maghintay ng 7 years ulit bago kita tanungin nun"
Huh?
Hinawakan niya ang kamay ko at inabot saken yung rose "Cass, will you be..." ngumiti siya ng nakakaloko kaya hinampas ko siya ng mahina sa dibdib "...will you be my girlfriend for real?"
Kinuha ko yung rose at hinalikan siya.
Ang unang lalaking minahal ko.
Ang unang lalaking nagpaiyak saken.
Ang lalaking bumago saken.
Ang boyfriend ko.
Si Renzo Vargas.
"Is that a yes?" nakangiti niyang sabe kaya tumungo ako.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit kaya natawa ako "I love you baby...." bulong niya at hinalikan ako sa leeg.
"I love you too.." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Mister President VS. Miss Popular
RomantizmPaano pag nag away ang isang sobrang sikat at isang lalaking nirerespeto ng lahat? Sino kaya ang mananalo? HATE to LOVE nga ba ang kakalabasan?