Cassandra's POV
Nakahawak lang sa kamay ko si Vanessa hanggang sa makarating kame sa Ospital. Walang nagsasalita at tingin ko alam nila Axel ang dahilan kung bakit nabaril si Renz.
Nasa labas lang kame ng Operating Room at nanlalamig na talaga ako.
"Cassey...magiging okay din si Renz...." naiiyak na sabe ni Vaness kaya naiyak ako lalo.
"Nag away kame kase nakita ko siyang nakikipaghalikan kay Chelsea...." hinarap ko si Vanessa at pinunasan lang niya yung luha ko "Sabe ni Chelsea kabit daw siya ni Renz at--" hindi ko na matuloy ang kwento ko dahil hindi na ako makahinga.
"Sa dame ba naman ng babaeng patay na patay sa boyfriend mo nagawa mo pang maniwala sa kanila Cassey?!" inis na sigaw ni Axel kaya naiyak ako lalo "Wala na siyang ginawa kundi magtrabaho at asikasuhin ka. Nagawa pa nga niya isingit yang lintek na surprise niya para sa anniversary niyo tapos eto pa gagawin mo?! Cassey mag mature ka naman!" sigaw niya.
"AXEL PWEDE BA?! WAG NGAYON!" sigaw ni Brix.
"Tama si Axel. Cassey stop being so immature. Hindi lahat ng bagay dapat pinapalaki mo. Malaki na kayo at hindi 4th yr high school na porket nakita mo siyang nakipaghalikan si iba bibitawan mo na lahat ng pinagsamahan niyo para dun" sabat ni Yui.
Pinagtutulungan nila ako at wala akong magawa dahil tama naman sila lahat. Matanda na kame at dapat mas lumawak na yung isip ko.
"Si Wendell ang nagpabaril sa kanya" biglang sabe ni Raven. Kanina pa siya tahimik kaya nagulat ang lahat "Siya yung founder ng frat na sinalihan namen ni Renz. Nag quit na kame dun pero bumalik si Wendell kay Renz para ipatayo yung bago niyang kuta. Tinanggihan ni Renz yun dahil sa takot na baka madamay ka. Ayaw niya malapit ka sa mga taong yun Cass kaya umiwas siya. Sa galit ni Wendell pinabaril niya si Renz."
"GAGO TALAGA YUNG HAYUP NA YUN!" sigaw ni Axel.
"Wala kang magagawa. Hindi din naman sila kaya mapigilan kahit pa mga pulis" sabe ni Yui.
Naguguluhan na ako at wala na akong maisip kundi kung ano na ang lagay ni Renz.
Hindi ko kakayanin na mawala siya. Sana maging okay na siya.
"CASSEY!" sigaw ng isang babae. Nagulat ako ng makita ko si Chelsea.
"Sorry Cass kung pinairal ko yung pagkaimmature ko. Naiinis lang talaga ako na ikaw na ang priority ni Renz--" nagulat ako ng tumayo si Vaness at sampalin niya ng malakas si Chelsea.
Natulala ang lahat at galit na galit na ang mukha ni Vanessa "Hindi na gumagana ang utak ko alam mo ba yun? Halos hindi na ako makahinga para sa kaibigan ko! Hindi ko alam kung kamusta na si Renz! HINDI KO ALAM KUNG OKAY LANG BA SIYA! KADA GALAW NG ORASAN NARIRINIG KO! HINDI NA AKO MAKAHINGA DAHIL SA BILIS NG PANGYAYARE!" sigaw niya kaya napayuko ako at umiyak.
"Ayoko isipin pero hindi ko maiwasan.......paano kung hindi kayanin ni Renz....." iyak niya at natahimik ang lahat.
Halos hindi na ako makahinga at walang tigil ang pagluha ko.
Hindi ko kaya...
Nagulat ako ng may mga natatarantang Nurse ang lumabas mula sa Operating room at mabilis ang pagkilos ng lahat.
Mabilis akong tumayo at nakita ko si Renz 50/50....
Mabilis siyang nirerevive ng Doctor kaya hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya.
"Miss bawal dito...." sabe sakeng nurse at hinila ako palabas pero hindi ako gumagalaw.
Ayoko tanggalin ang tingin ko sa kanya dahil natatakot ako.....
"No!" sigaw ng Doctor ng biglang mag straight yung linya at sumarado na yung pinto.
Naramdaman ko na nanlamig ako at nagulat ako ng may humawak sa kamay ko.....
Napalingon ako at wala akong nakita. Walang tao sa gilid ko at lahat sila nakatingin lang saken.....
BINABASA MO ANG
Mister President VS. Miss Popular
RomancePaano pag nag away ang isang sobrang sikat at isang lalaking nirerespeto ng lahat? Sino kaya ang mananalo? HATE to LOVE nga ba ang kakalabasan?