Chapter 15

5.1K 111 3
                                    

Cassandra's POV


Uwian na namen at nakita ko na si Renz sa harap ng room kaya mabilis ko siyang pinuntahan.


"Ready? I got my car" sabe niya at kinuha yung mga librong hawak ko.


Ngumiti lang ako at naglakad na kame.


"Baby may problema ba?" tanung niya kaya umiling lang ako.


Nakarating na kame sa kotse niya at papasok na dapat ako ng pigilan niya yung pagbukas ko ng pinto.


"Renz okay lang ako" naiinis kong sabe pero tiningnan niya lang ako.


"Speak" sabe niya pero inirapan ko lang siya at sumandal sa kotse.


"Hindi ka ba magsasalita?" sabe niya at tumayo sa harap ko.


Tinarayan ko lang siya at nagulat ako ng ilagay niya yung kamay niya sa bewang ko.


"Ano bang ginagawa mo?" naiinis kong tanung pero ngumiti siya at kiniliti yung bewang ko.


"RENZ! HAHAHAHAHAHA TAMA NA HAHAHAHA AYOKO HAHAHAHA WAG NA!"


Tumigil siya at hinalikan ang noo ko, ilong at tumigil siya sa may labi ko "Magsasalita ka na ba?"


Nahihiya akong magsabe pero hindi ko na rin kaya pigilan. Ikakamatay ng curiosity ko.


"Nagkakausap pa ba kayo ni Vaness?" bulong ko at agad siyang lumayo saken.


Kumirot bigla yung dibdib ko.


"Oo. Wala naman akong choice" sabe niya kaya nainis ako.


"Renz! Ako ang girlfriend mo. Bakit kailangan niyo pa mag usap?! Alam mo naman magagalit ako diba?"


"Hindi mo naiintindihan. Ihahatid na kita" sabe niya at sumakay na ng kotse.


Gustong gusto ko na siya sigawan pero pinipigilan ko lang!


"Ano ba ang hindi ko maintindihan? Yung part na babaero ka?!" naiinis kong tanung nung nakaupo na ako sa kotse niya.


Hindi niya kaya magbago kahit sinabe na niyang mahal niya ko!


"HINDI AKO BABAERO! HINDI KO LANG KASALANAN NA FIANCE KO SI VANESS!" huminga siya ng malalim "Gusto siya ni Mommy para saken kahit na ayoko."


Ikakasal siya dun? BAKIT PA NIYA AKO NILAPITAN?!


"Pag graduate namen ikakasal na kame pero syempre dahil nandyan ka na hindi na yun matutuloy. Kukumbinsihin mo sila Mommy at Daddy na ikaw ang dapat ipakasal saken at hindi si Vaness"


Nagpanic bigla yung ulo ko "Renz! Ano bang sinasabe mo? Ayoko!"


Ngumiti siya bigla at nagdrive na "Alam yun ni Cyrus kaya ayaw ka niya para saken. Hindi ka naman kakainin nila Mommy kaya wag ka mag alala. Meron pa rin tayong 1 year para kumbinsihin sila"


Ano?!
Bakit ba lage nalang ako nag eeffort para sa amin?


"Wag kana magselos kay Vaness dahil mas cute ka dun" sabe niya at hinawakan yung kamay ko.


Tumahimik nalang ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nalang bitawan si Renz para mas madali.


Sinasabe ng utak at puso ko na wag. Ano bang laban ko?


Bumaba na ako ng kotse niya pag dating namen ng bahay.


"Hindi kita ipagpapalit promise" sabe niya kaya ngumiti ako at niyakap siya.


"Hindi rin kita bibitawan kahit puro sakit lang binibigay mo saken"


Hinarap niya ako sa kanya at tumawa "Talaga lang huh?" nakangiti niyang sabe kaya tumungo lang ako.


Sumakay na siya sa kotse niya. Medyo late na rin kase. Alam kong marami pa siyang gagawin.


"Mag ingat ka ha?" sabe ko kaya sumaludo lang siya at sinara na yung kotse.


Nagbihis na ako at umupo sa kama. Dahil sa sobrang curiosity kinuha ko yung laptop ko at hinanap ang pangalan ni Renz sa Google.


Renzo Trinidad Vargas.
Son of Mr. Draco Vargas and Mrs. Phoebe Trinidad. He is one of the famous model in the Philippine who also appears in international magazines.


Pinindot ko yung Images at lumabas ang mga nakakasilaw na picture ng Renz ko :(


Halos malaglag yung puso ko ng makita ko yung isang picture na kasama niya yung apat na pinakagwapo sa school.


Sila Raven, Yui, Brix at Axel. Isa sila sa mga sobrang sikat na lalaki sa school.


May caption yung picture na 'Pards' kaya lalo akong kinabahan.


Hindi ko akalain na ganito kasikat ang mga taong kikilalanin ko para sa kanya!

Mister President VS. Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon