Chapter 25

4.1K 87 1
                                    

Renzo's POV


Flashback (After Cass graduated High School)


"Renz! May surprise ako sayo!" sigaw ni Cass kaya napangiti ako. Kahit medyo pressure ako dahil 5th and last year ko na sa College pinipilit kong wag ipahalata kay Cass. Nawawala din kase lahat ng kaba at takot ko pag nakikita ko siya.


Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil yun. Ngiting ngiti siya at mukhang excited na excited kaya natatawa ako. Ang cute niya kase.


"BABY! NAKAPASA AKO SA EXAM SA SCHOOL MO!" sigaw niya kaya nagtaka ako.


Engineering at Architecture ang main course sa school namen. Wala akong natatandaan na may offer silang course for Fashion.


Pinilit kong ngumiti kase baka nagkakamali lang ako ng iniisip "Baby nagbukas na ba sila ng Fashion designing?"


Umiling siya kaya kumabog ng mabilis ang puso ko.


Wag mong sabihing...


"Nag architecture ako para sayo!" masayang masaya niyang sigaw kaya natulala ako.


"Cass diba magaling ka mag design ng damit? Hindi mo naman hilig ang infrastracture kaya bakit yun ang kinuha mo?"


Gusto ko siyang pagalitan pero nagtitimpi lang ako.


Niyakap niya ako sa may tiyan at tiningala "Kase gusto ko ako lang ang mapapangasawa mo! Para makamit ko yun kailangan ko magkaroon ng trabaho na malapit sayo. Maganda rin yun para matuturuan mo ako!" masaya niyang sabe kaya lumayo ako sa kanya.


"Cass. Future mo ang usapan dito hindi ako. Bakit kailangan--"


Natigilan ako ng takpan niya yung tenga niya "Nyenyenyenyenye....." pang aasar niya kaya napahinga ako ng malalim.


Alam kong 4 years ang agwat namen kaya minsan nahihirapan akong intindihin siya. Kagaya ngayon, alam niyang seryoso ako pero ginagawa niyang biro ang lahat.


Lage nalang ako ang nag aadjust sa immaturity niya pero sobra na ngayon.


Hinawakan ko ang braso niya kaya nagulat siya "Hindi ka mag Aarchitect. Magiging Designer ka kagaya ng Mommy mo" madiin kong sabe pero tinaasan niya lang ako ng kilay.


"AYOKO! Buhay ko to kaya wag mo ako pakeelaman!" lumayo siya saken at tiningnan ako ng masama "Kung gusto mo mag break nalang tayo"


'MAG BREAK NALANG TAYO' yan ang linya niya palage pag may gusto siyang gawin na ayaw ko. Alam niya kase na hindi ako papayag kaya yan ang panakot niya kagaya ngayon.



"Bahala ka" yun nalang nasabe ko.



END OF FLASHBACK


***

Napatitig ako sa picture na nasa lamesa ko at naiyak ako bigla.


Sobra. Sobra ko siyang mahal kaya lahat tiniis ko. Yung lahat ng articles na lumabas  dahil lahat ng nasa media nagulat na yun ang kinuha niya para sa College. Lahat ng comments ng tao na ako daw ang may kasalanan kaya napalayo siya sa pangarap niya. Lahat ng galit ng mga magulang niya tiniis ko.


Lahat yun kinaya ko at pinilit kong maging mabuting Engineer na pwede niya ipagmalaki. Gusto ko sabihin nila na 'Worth it ang pag sasakripisyo ni Cass sa pangarap niya para makasama si Renz'


Ayoko ng ginawa niya pero kahit anung gawin ko hindi ko lang talaga siya mabitawan. Mahal na mahal ko kase siya.


Bzt bzt.

-ELSA

Sir nakakuha na daw po ng available PASS. Kukuhanin niyo po ba?-


Huminga ako ng malalim at nag reply.


-Yes. Cancel all my schedules tomorrow.-


Pinunasan ko ang luha ko at binuksan ko ang Video ni Cass na sinend niya saken 6 years ago nung bago palang kame.


Play.


"BABYYYYYY!" sigaw niya at hinalikan yung screen "Pupunta kameng Paris for two days. Mamimimimimimisssssss kita! Hahahahahahaha. Kumaen ka palage. Wag ka sumimangot. Wag kang basa ng basa. Kumausap ka ng ibang tao habang wala ako pero wag babae ha? Lalaki lang!" tumigil siya at napatingin sa oras "Babye na babyyyy. I love you Renzo Vargas! Mwwwwwa!" pagpapacute niya at hinalikan ulit yung screen kaya napangiti ako.


"Mahal na mahal na mahal din kita Cassandra" bulong ko.

Mister President VS. Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon