Chapter XI: Love

15.7K 457 67
                                    

"...the batshit kind of love that makes no sense at all..and at the same time all the sense in the world...that is us..you and me; a 'We.'" -Dr. Steve Maraboli





"That's not the way you kiss someone you don't like Kath." Daniel whispered in Kath's  ear.

They were grasping for air. Daniel holding on to her waist and Kath was clinging to both his arms.

Pulang pula ang mukha ni Kathryn. She has never experienced anything like this before Daniel. Ngayon lang siya nakaramdam ng kakaibang kaba na dala ng isang halik, na dala ng isang lalake.

It's like that kiss have spoken her true heart, of what she really wanted and more. It expressed what she supressed.

"See you in three weeks Kath.." bulong muli ni Daniel in his husky voice sa tenga ni Kath, his lips touching the skin of her lobe. It made her shiver.

Ganon ganon lang umalis si Daniel. Naiwan si Kathryn na tulala sa labas ng gate.

Oo, may nararamdaman siya para kay Daniel. There is no point of denying it anymore. Saan siya dadalhin ng nararamdaman niyang ito. Mapapanindigan ba niya ang feelings niya para sa isang taong di niya kauri?

Lumilipad ang isip niya habang pupasok sa kwarto niya, hindi niya namalayan na nakalutang din pala ang ibang mga gamit kasabay niyang pumasok, eto ang mga bitbit niya kanina. Kung makita ito ng Mama Minerva niya ay papagalitan nanaman siya.

Naisip ulit ni Kath ang pinagusapan nila ng Mama niya. Alam niyang mali at delikado ang gagawin niyang ito pero susubukan niya na kausapin ang nanay niya tungkol dito. She's not sure but she will try. Para kay Daniel, she will try.



~
Masayang humiga si Daniel ng gabing iyon. His lips still tasted like her lips at hindi niya napigilan kagatin ang lower lip niya dahil naalala niya kung paano siya hinalikan pabalik ni Kathryn.

Hindi ito halik na napilitan lang, ramdam niya ang damdamin ni Kath sa halik na yon. The words that he longs to hear from Kath it was well composed with the way she kissed him back. He was sure they are both feeling something for each other. Something special.

He couldn't help but smile.

He is scheduled to fly in tomorrow to Indonesia along with his teammates for a game versus the local team there. Alam ni Daniel na magiging busy siya doon at pagod din for sure. So he decided na after ng Indonesia niya, ay liligawan na niya ng opisyal si Kathryn. Araw araw siyang dadalaw hanggang mapasagot niya ito.

Hindi sa kampante siya pero ayaw naman niyang hindi siya consistent sa panliligaw lalo pa at tatlong linggo siyang mawawala. Sakto na ang balik niya, ilang araw na lang ay kasal na ni Calvin at Frances.

Di pa man siya nakakaalis ay miss na niya agad si Kathryn. 

"Pagbalik ko, wala ka ng kawala.." sabi ni Daniel kausap ang picture ni Kathryn sa Instagram account nito at nangingiti na parang baliw.





~
Isang linggo ng wala si Daniel sa Pilipinas. Naging abala ito sa training para sa nalalapit nilang laban. Of course he intended to call Kath habang nasa Indonesia siya. Kaso with his luck nawala ang cellphone niya, nalaglag sa taxi na sinakyan nila papuntang hotel ng araw na dumating sila doon. Mas lalo niya tuloy namiss si Kath, pati boses nito ay di yata niya maririnig ng matagal.

Pagkatapos ng isang linggo na panay training, umuuwi sila ng hotel room na laging pagod. Nagkaroon siya ng pagkakataon gabi ng Biyernes na pumuslit sa mall na malapit sa pinag stayan ng team at bumili agad ng cellphone at simcard.

How Long Will I Love You? | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon