"Blood makes you related. Loyalty makes you family."
Daniel is checking himself in front of the full body mirror trying out different shirts to wear tonight. Excited na siya. Nung sinabi pa lang ni Kath sa kanya ang invitation ng Mama niya, he can't wait na dumating ang araw ng birthday ni Minerva.
He was trying out a white long sleeves polo shirt and decided to try another one, yung light blue naman. He couldn't decide which one looks better on him.
He heard the front door opened. Si Kirlos yon, ang kaibigan niya. Ang kaibigan niyang tatraydor sa kanya.
"Dude, tagal mo... look here. Ano mas bagay sa akin puti o blue?" as he showed him his top and the other one na nakahanger he is holding in his hand.
Tinignan lang siya ni Kirlos na parang walang narinig.
"Huy! Ano? Ano mas bagay sa akin?" paguulit ni Daniel.
"Yu-yu-yung blue." saka to humiga sa kama ni Daniel para hindi niya ito matignan.
Nagtaka naman si Daniel. "May sakit ka ba?" at humarap na ulit sa salamin habang hinuhubad ang polo na puti. He will go with the blue one as Kirlos suggested.
"Wala...mukha ka kasing waiter dyan sa puti." he tried to joke around, perhaps to conceal the guilt in his voice.
"Gago." sabi ni Daniel.
Hindi nakasagot si Kirlos sa mura ng kaibigan. Hindi na rin siya natawa. Nakatingin lang siya sa kisame habang naghahanda si Daniel ng suot niya. Naisip niya ang napagusapan nila ni Severino kanina.
"Hindi niyo naman siya papatayin di ba?" he asked concerned.
Nangiti lang si Severino sa kanya at sinabing "No. We will just diminish his skills para mapantayan at mahigitan mo siya, won't you like it? To be better than him?I'm sure matagal mo ng ginusto na ikaw naman ang mapansin." pumapantig sa tenga niya habang nagiisip siya ng malalim.
"Kirlos!" narinig niyang tawag ni Daniel.
"H-ha?" tila wala siya sa sarili niya.
"Ok ka lang ba? Parang wala ka sa sarili. May nangyari ba sa bahay niyo?" Daniel asked him knowing Kirlos came from a struggling family. Naisip nito na baka may problema sa bahay. He is always willing to listen and to help.
"Wala..pagod lang siguro to." pagdadahilan niya.
Ayos na si Daniel sa porma niya saka niya iniwan si Kirlos sa condo niya.
"O dito ka na matulog. Baka ma late ako ng uwi." paalam niya dito.
"You trust me so much to leave your place with me. Baka mamaya nakawan kita. Haha." dinaan niya sa biro ang bagay na may katotohanan.
"Nanakawan mo bestfriend mo?" pabalik na biro ni Daniel.
Natigilan si Kirlos sa salitang bestfriend. They were best of friends. At least Daniel was to him, he was the best. Bumigat ang loob ni Kirlos at umiwas ng tingin.
"Sige na matulog ka na nga lang diyan, wag kang magpapapunta ng babae dito ha." pabirong bilin nito sa kanya.
"Dj..." tawag ni Kirlos bago makalabas ng pintuan.
Tumingin ito sa kanya.
"Magiingat ka." simpleng sabi nito. Para kay Daniel simpleng pagpapaala lang iyon ni Kirlos pero para kay Kirlos isa itong babala.
BINABASA MO ANG
How Long Will I Love You? | Book 1
FanfictionWhat is really the most powerful magic and wonder this life has ever known? Is it really having these special abilities? According kay Albert Einstein in his letter to his daughter Liserl Einstein ang pinaka ultimate force daw sa mundo ay Love. Pag...