Chapter XXIX: One

14.2K 514 90
                                    

des . ti . ny

noun; The way one person in a world with six billion others can find the only person with the key to unlock their heart. This beautiful life we are building together and the dreams on the horizon we are yet to achieve.























1950

Nasa balkonahe si Carlota ng bahay nila at nagpipinta isang maaliwalas na umaga. Hilig niya ang magpinta. Kung ano ano ang mga ipinipinta niya pero madalas mga halaman at ang ulap. Solo siyang anak at marangya ang buhay.

May negosyo sila sa Maynila kung saan niya nakilala si Benedicto, ang kanyang kasintahan. Umuwi lamang ito sa kanila dahil bakasyon sa unibersidad na kanyang pinapasukan kaya nandito siya sa Albay.

Kilala ng mga magulang ni Carlota si Benedicto at sang ayon naman ang mga ito sa kanilang relasyon kahit na alam nilang hindi siya ordinaryo. Noon nga bago pa mawala bigla ang Ginintuang Mata ay mas bukas ang mga Eiraya sa posibilidad na magiibigan ang isang tao at Eiraya. Kaya suportado si Carlota at Benedicto ng mga ito.

Palakaibigan si Carlota. Tao, Eiraya o Wiccan ka man ay hindi ka niya huhusgahan.

Sa Albay kung saan siya lumaki sa bayan ng Santo Domingo, sa maliit na komunidad ng Salvacion ay may malaking bahay na malapit sa dagat na nakatayo doon. Ito ang bahay ng pamilya ni Carlota. Umuuwi sila doon mag anak kapag bakasyon dahil maganda ang lugar doon, malayo sa ingay ng Maynila. Ang paligid sa dagat ay napakaganda. Pag marating mo ito ay parang paraiso.

"Carlota.. Carlota.. " tawag ng kanyang kaibigan mula sa baba ng bahay nila. Dumungaw si Carlota para Makita si Severino na masayang masaya na Makita siya.

Kababata niya ito. Isa siyang Wiccan ngunit malapit sila ni Carlota. Kahit na madalas sabihan ng mga magulang ang tungkol sa hiwaan ng mga Eiraya at Wiccan si Carlota hindi nito napigilan ang kanilang pagkakaibigan.

"Eiraya o Wiccan man ay hindi perpekto, lahat tayo ay may karapatan maging isang kaibigan." ang lagging sagot ni Carlota sa kanyang mga magulang at kamag anak sa tuwing papasukin niya sa kanilang bahay si Severino.

Hindi man napigilan ng mga magulang ang pakikipag kaibigan ni Carlota kay Severino , mahigpit naman siyang binabantayan ng mga ito kapag naroon ang Wiccan sa malapit.

"Marhay na aga ho.." bati nito sa mga magulang ni Carlota na nag kakape sa may hapag.

Hindi siya kinibo ng ama ni Carlota at ang ina naman ay sumenyas lamang. Hindi ganoon ka init ang pagtanggap nito sa bisita.

Dumiretso na siya sa taas para puntahan si Carlota sa balkonahe at kamustahin ito. Matagal niya itong hindi nakakausap at panay telegrama lang ang kanilang komunikasyon. Ngunit nitong huli ay dumalang ang pagsagot ng dalaga sa kanya.

Naisip ni Severino na oras na para magtapat siya sa kaibigan at sabihin sa kanya ang tunay nitong damdamin. Na mahal niya ito. "Namomotan ta ka.." sinusubukan niyang sambitin sa kanyang isip.

Maganda ang araw ngayon at mukhang maganda ang kakalabasan nitong balak niyang pagtatapat.

Isang malaking ngiti ang bumungad sa kanya pag dating niya sa taas. Mukhang masaya si Carlota. May hawak na isang pulang rosas si Severino na itinago niya sa kanyang likuran at ilalabas niya ito mamaya maya lang.

"Severino! Kumusta ka?" agad niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Isa kasi si Severino sa pinaka malapit sa kanya at halos lahat ng bagay ay alam nito tungkol sa kanya. Para na niya itong kapatid. Laging nandiyan para sa kanya.

How Long Will I Love You? | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon