Chapter XX: Sorry

14.3K 557 39
                                    

"When someone breaks you open and makes you feel things; you fight for them." -Tarryn Fisher





Nilingon ni Kathryn ang boses na tinawag siya sa pangalann Carlota. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa 80 years old na. Nakaupo ito sa wheelchair at nakatingin lamang sa kanya. Mukha itong tulala.

Bigla naalala ni Kathryn ang ayos niya. Suot lamang niya ang lumang T-shirt ni Daniel at boxers nito at naka medyas. Nataranta siyang maghanap ng matataguan. Nahiya siya at nagtago sa may counter. Ang buong akala kasi niya ay hindi pa nakakauwi ang mga tao sa bahay nila Dj galing sa kasal ni Calvin at Frances.

Tinawagan na ni Dj si Calvin kagabi para sa mga naiwan nilang gamit at sinabing idadaan niya ang mga ito sa condo ni Daniel pag nakabalik ng Manila. Ang sabi naman ay hapon pa sila luluwas kaya't nagulat siyang naroon na ang Lolo ni Daniel.

Gusto sana niya itong lapitan para mag mano kaya lang ay hindi siya presentable para lumapit dito. Gusto tuloy ni Kath na tumakbo paakyat para makapagpalit siya.

Mukhang wala naman siyang kawala dahil hindi siya nito nilulubayan ng tingin.

"Good Morning po.." nahihiyang bati ni Kathryn.

Bagamat hindi siya bainati ng pabalik ng matanda ay nananitiling nakapako sa kanya ang mga titig nito. Para bang matagal na siya nitong nakilala. Ang tingin nito na may halong lungkot, gulat at pangungulila.

"Lolo Ben.. " tawag ni Daniel galling sa may hagdan. "Nakauwi na po pala kayo Lo'.." at nagmano siya dito.

"Oo..." mahinang sagot niya. Masakitin na kasi amg Lolo Ben ni Daniel. Bago nga lang ay naospital ito. Kaya't naghire sila ng private nurse para may magalaga sa kanya bukod sa Mama ni Dj.

Sinundan ni Daniel ang tinitignan ni Lolo Ben sa may kusina at nakita niya na si Kathryn ang siyang tinititigan to.

Nahalata agad ni Daniel na asiwa si Kath sa suot niya at sa paraan ng pagtitig ng lolo niya dito. Agad niyang tinawag ang nurse na nagaalaga kay Lolo Ben para samahan muna ito.

Sinamahan ni Daniel si Kath paakyat uli para makapag palit. Kumuha si Daniel ng jogging pants sa aparador saka ito iniabot kay Kath. "Suotin mo na muna to.."

Kinuha ni Kath ang iniaabot na jogging pants sa kanya saka niya ito hinampas sa braso ng boyfriend.

"Aray ko Baby...aray...sakit ah!" reklamo niya kay Kath. Nagulat siya kung bakit bigla siyang hinampas nito.

"Ikaw talaga! May jogging pants naman pala, bakit mo ko pinag boxer shorts?" inis na tanong niya kay Daniel.

Na siyang ngiti lang ng binalik.

"Nakakahiya, first time pa naman ako Makita ng Lolo mo and I look like this.." she said as she was covering her face in embarrassment.

Tuwang tuwa naman si Daniel sa ka-cute-an ng girlfriend niya. Lumapit siya dito at inakbayan "Baby, Malabo na mata ni Lolo. Don't worry." biro pa niya.

Sagot ni Kath sa kanya ay isang hampas ulit.

Kumawala siya sa pagka akbay sa kanya ni Daniel. She marched her way to the bathroom. "Magbibihis lang ako.."

"Kath.." malambing nitong tawag sa kanya. She turned to look at him, immediately he grabbed her by the wrist, pulled her close to himand placed a soft kiss on her lips.

How Long Will I Love You? | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon