"don't think.
it complicates things.
just feel, and if it feels like home, then
follow its path." - r.m. drakePagdating ni Kath sa Legazpi past six in the morning, agad siyang naglakad palabas ng airport at kumuha ng masasakyan papuntang Santo Domingo.
Pasko na bukas kaya inisip niyang baka wala siyang makuhang sasakyan dahil walang pasok. May malapit kasi na eskwelahan doon at doon siya sumasakay sa tuwing pupunta siya dito.
Santo Domingo is approximately 30 mins away from Legazpi going north. Mahaba haba rin at pasalamat siya na maaga siyang umalis ng Manila at swerte siya naka book pa siya ng flight kahit na peak season at halos wala ng seats available.
Mag sasampung minuto na siyang nasa biyahe at ilang sandali lang ay binabaybay na nila ang Legazpi City - Tiwi Coastal Road.
Habang tumataas ang araw, gumaganda ang paligid sa Albay.
The wide blue sea combined with the view of the majestic Mayon volcano is breathtaking.
Naalala niya ang napanood niyang pelikula na favorite niya. Ang kwento ni Athena at ni Kenji, dito kasi iyon sa Albay kinuhanan. Gaya nila, may koneksyon din si Kath sa lugar na iyon.
Sa Albay ang pinagmulan ng pamilya ng Mama niya, at ang Lola niya dito na pinanganak, lumaki at tumanda. Kahit anong pilit nilang sumama ito sa Maynila ay hindi nito gusto.
Kath couldn't help but to take her head out of the window of the car she is riding to experience the gentle but captivating wind the long boulevard has to offer.
Madalas siya sa Lola niya noong bata pa siya. Growing up, Kath always thought it was a private resort because the place was like paradise.
Pagdating ng sasakyan sa dulo ng Salvacion sa Santo Domingo ay bumaba na si Kathryn sa tapat ng malaking gate na puti. May guwardiya doon na agad naman siyang nakilala.
"Dios marhay na aldaw ho Mang Pedring." masiglang bati ni Kathryn sa may katandaan na ring security guard ng Lola niya.
"Ay Ma'am Kathryn marhay na aga sa iyo. Alam ho ba ng Lola mo na darating ka? Di sana napasundo kita.." pagbati naman nito pabalik sabay bukas ng gate sa apo ng amo niya.
"Hindi po eh, susurpresahin ko kasi siya." sagot ng dalaga.
Kinuha nito ang ibang gamit ni Kath para tulungan siyang magbitbit papasok pero tumanggi na si Kathryn,hindi naman kasi ito mabigat at gusto niyang magmuni muni habang papasok sa loob.
"Ako na ho Mang Pedring,salamat po."
May ilang distansya pa ang layo ng gate sa mismong bahay ng Lola Carlota niya at hindi niya ito alintana dahil napakaganda ng dinadaanan niya.
Maraming puno sa harap ng bahay ng lola niya at ang sarap maglakad sa ibaba nito. Yung mga bulaklak parang hindi tunay sa ganda.
Sa dulo nun ay may nakatayong malaking bahay na nag bakuran ay ang mga puting bato at buhangin, malamig at asul na dagat at mga ulap na parang gawa sa bulak sa araw. Sa gabi naman ay walang kasing sarap ang hatid na simoy nito.
Malayo pa lang ay may nakikita na siyang babaeng kumakaway sa kanya.
Babaeng kulot ang buhok na nakatali ng maayos. May suot na salamin at naka apron na pang kusina. Ang Tita Sharone niya.
"Kath!!!!!!!!" sigaw nito sabay kaway sa kanya.
Mas binilis ni Kathryn ang paglalakad. Namiss niya ang Tita Sharone niya, almost 2 years din siyang hindi nakapag bakasyon dito eh.
BINABASA MO ANG
How Long Will I Love You? | Book 1
FanfictionWhat is really the most powerful magic and wonder this life has ever known? Is it really having these special abilities? According kay Albert Einstein in his letter to his daughter Liserl Einstein ang pinaka ultimate force daw sa mundo ay Love. Pag...