"The thing about being brave is it doesn't come in the absence of fear and hurt. Bravery is the ability to look fear and hurt in the face and say move aside, you are in the way."
"Family?" Rueben asked in disbelief.
Lumapit pa ito kay Theodore at nagsalita sa harapan niya "You are not trying to make up a fairytale lovestory here, are you?" natatawa nitong tanong sa ama ni Kathryn.
"He won't be here if he isn't family. Alam niya kung ano si Kathryn, nakita niya..." Theodore bravely answered back.
"...and he bravely stayed.Kahit sino man ang tumanggap at magmahal kay Kath ng tunay,ay pamilya ko." he firmly stated making Daniel stop his way to the door.
"Ted, masyadong delikado kung hindi tayo magiingat. Gaano tayo nakakasiguro--" pag aalala ni Rebecca.
"Exactly my point, at bilang pinuno ng Occulto Circulo. Ayoko siyang nandirito. Estrelle take care of his memory, burahin mo ang lahat ng tungkol sa mga nalalaman niya sa pagiging Eiraya natin. Yan ang desisyon ko."
"Wala ka sa lugar para mag desisyon ng mga bagay patungkol sa pamilya ko Rueben." sabat naman ni Minerva.
Ikinagulat rin ito ni Theodore na napatingin sa asawa. Hindi niya inexpect na kakampi rin ito kay Daniel.
Napatingin si Rueben kay Minerva at parang natatawa "Of all witches, I did not expect you to trust another human again Minerva." he sounded disappointed.
Nagtitigan lamang ang dalawang Eiraya, walang bumibitaw sa pagtutuos ng kanilang mga mata.
"Parte kame ni Theodore ng organisasyon baka nakakalimutan mo." Minerva stated.
Nagugulat si Kathryn sa mga naririnig at nalalaman niya tungkol sa pamilya niya. Hindi lang pala sila bastang mga Eiraya, ang mga magukang niya na sina Minerva at Theodore ay dalawa sa limang pinuno ng lahi nila.
Ang Occulto Circulo ay binubuo ni Rueben, Rebecca, Estrelle, Theodore at Minerva.
Pumunta sa tabi ni Kath si Daniel at hinawakan ang kamay niya
"Tama na yan. Umakyat na tayo at nauubos ang oras natin." nagsalita si Rebecca.
Tumingin si Rueben kay Daniel, head to foot and smirked.
"A witch like us and a human like him will never be...family." saka ito tumalikod.
Napintig ang tenga ni Kathryn sa sinabi ng nakakatandang Eiraya at di napigilan ang magsalita
"Hindi namin hiningi ang opinyon niyo mawalang galang na po. You are inside our house, the least you can do is to stay out of the things that doesn't concern you." Kath said to Rueben without looking away.
Tumingin ito kay Kathryn at pabalik kay Minerva "I can see the resemblance. Mother like daughter. Poor judgement and weak." pang iinsulto nito sa sarili nilang pamamahay.
Tuluyan na itong tumalikod sa kanila at naglakad kasunod ni Rebecca paakyat ngunit bago pa man ito makahakbang ay naramdaman ni Rueben na lumulutang siya sa hangin. Pataas ng pataas . Hanggang makarating na ito sa may chandelier ng sala nila.
It was like an invisible force pulling him up. "Descendo vir feruna." he said out loud, pero mukhang walang talab ang sinabi niya dahil nanatili pa rin siya sa taas. Inulit niya ang mga salitang iyon ngunit hindi rin siya nakababa.
BINABASA MO ANG
How Long Will I Love You? | Book 1
FanfictionWhat is really the most powerful magic and wonder this life has ever known? Is it really having these special abilities? According kay Albert Einstein in his letter to his daughter Liserl Einstein ang pinaka ultimate force daw sa mundo ay Love. Pag...