Kabanata 1: Sa isang panaginip...

7.8K 216 67
                                    


Story finished: October 7, 2013


Babala: Ang mga pangyayari,tauhan at tagpuan po ay may halong facts at fiction. Facts, Sa dulo po ng kwento ay ilalagay ko ang mga references kung saan ko nakuha ang mga information. Fiction, ito po yung hindi nabasa sa kahit saan kundi bunga lamang ng aking imahinasyon. Humihingi po ako ng paumanhin kong sakaling may nasulat akong opensiba o hindi kanais-nais. Wala po akong balak na saktan na kahit sino. No offense po sa mga descendants ng mga mga historical characters,sa mga historical characters mismo, at sa mga kasalukuyang tao.

Maraming salamat po sa pagbasa!

---------------------------------------------------------------------------

Gabi iyon ngunit maliwanag ang sinag ng buwan. Ang kalangitan ay napapalamutian ng mga mga bituin. Umihip ang hangin ngunit napakarahan. Masasalamin sa mga alon ang isang makisig na binatang magalang na yumukod at hiningi ang kamay ng isang napakagandang dalaga na nagagayakan ng isang magarang baro't saya. Lulan ng isang bangka, kumikinang ang gintong singsing sa tama ng buwan at mga bituin.

Nadarama ko ang init ng kanyang mga labi sa aking kanang kamay. Ang binatang aking katabi ay may winiwika ngunit hindi ko mawari kong ano. Ngumiti ako at nagwika. Napakasaya ko sa aking narinig. Umaapaw ang aking kaligayahan na halos di ko masukat. Hinaplos niya ang aking pisngi.. habang yakap ko ang kanyang beywang. Pagkatapos ay sumandal ako sa kanyang dibdib. Narinig ko ang tibok ng kanyang puso at siyay'y nagwika....

"Mahal ko labis kitang iniibig..."

"Labis din kitang iniibig___", ang aking tugon.

Malambing na hinaplos ng kanyang mga labi ang aking pisngi. Marahan akong pumikit dahil alam kong hahalikan niya rin ang aking mga labi...Mabilis ang tibok ng aking puso. Halatang sabik akong mararamdaman iyon nang...

KRIIIING!!!!

Inis na nagising si Mayumi dahil sa nakakainis na tunog ng alarm clock. Bakit kaya? Sanay naman siyang gisingin ng alarm niya tuwing umaga. Mabilis niya itong pinatay at humigang muli. Siyanga naman! Nakalimutan niya ang pangalan ng binatang yon! Naalala pa niya ang huling linya na kanyang sinabi.

Labis din kitang iniibig___at sabay kilig*.

Sino ba yon?! Pahamak na alarm talaga oh! Muntik na , muntikan na! Akala ko makakatikim na ako ng first kiss.

Napalingon muli siya sa orasan.

"Naku malalate na ako!" Unang araw pa naman ni Mayumi sa bagong paaralan na lilipatan niya. Nagmamadali siya ngunit sumagi pa rin sa kanyang isipan ang mga sandaling 'yon. Patayo na siya nang maalala niya ang muntik na halikan--

Sa kasamaang palad natapilok siya at nahulog sa kama!

"Aray..."nakangiwing hinaplos ni Mayumi ang kanyang balakang. Naalala niya nakalimutan pala niyang manalangin pagkagkising.

Sorry po Lord di na po mauulit.

Lulan ng tricycle papuntang school naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang napaniginipan niya kagabi. Lihim siyang natuwa. Napakagentleman ng binatang 'yon. Hindi niya maaninag kung sino pero tila magaan ang loob niya para rito. Napansin niyang makaluma ang mga kaganapang 'yon. Ang mga pananalita, ugali at kasuotan ay para bang noong unang panahon. Dahil na rin siguro sa kanyang pagiging historian este History addict kaya niya 'yon napaniginipan.

Mahilig talaga siya sa History. Una siyang na-inlove sa History noong 3rd year High School pa lang siya. Namamangha siya sa mga sinaunang pamayanan at mga sinaunang tao, sa paraang paano nila nagagawa ng mga sinaunang tao ang mabuhay ng maayos habang wala pang mga makabagong teknolohiya noon. Naisip niyang 'di niya kayang mabuhay kapag walang internet, TV at cellphone. Iniisip niyang paano kaya kung makapunta siya sa nakaraan at maranasan ang mamuhay in an ancient way ano kayang maging kahihinatnan niya. Malaki ang pagsaludo niya sa mga tao sa History lalo na 'yong gumagawa ng mga pambihirang bagay gamit lang ng kanilang lakas at simpleng kagamitan sa kanilang panahon pero sa totoo lang hindi magagawa ng mga modern people ngayon ng walang tulong ng mga makabagong teknolohiya. Halimbawa nito ay ang Hagdan-hagdang Palayan, isang palaisipan kung paano nagawa ng mga ninuno noon ang katulad ng napakagandang Hagdan-hagdang Palayan. Isa rin sa gusto niya sa mga makalumang tao ang kanilang pang-uugali. Noon magagalang ang mga tao, nirerespeto ang mga kababaihan, hindi inaabuso ang mga bata, responsable at maginoo ang mga kalalakihan.

Maya-maya pa ay kinikilig si Mayumi at ngumiti - ngiti.

"Oy anong nangyayari sayo? Napopogian ka na sa akin?" Pilyong tanong ng driver.

"'Di ah! " Mabilis na tugon niya. Sinadya niyang maging suplada ang kanyang tono. Iniiwasan niya ang malagkit na titig ng driver na para bang siya'y huhubaran. May pagtingin kasi ito sa kanya. Ayaw niyang sumakay rito kaya lang no choice walang dumaang tricycle.

"Ah..alam ko na kung sino ang pinapantasyahan mo.. 'yong mga korean boys na usong uso ngayon kaya ka kinikilig na wala sa linya."

Waah pahamak na lalaking to ah! Hayan na..hayan na naman ang makamandag niyang titig. Nakakasilaw!

"O di kaya napaniginipan mo ang isa sa kanila. Hoy ilusyunada ka lang. Ang panaginip malabo mangyari. Ako sayo ako nalang ibigin mo." At nagbitiw ng kahindik-hindik na kindat. Ngee..kung pwde lang tumalon ginawa ko na! at feeling close lang ha? Madaldal si Mayumi sa imahinasyon niya pero sa pagsasalita ay tipid. Tahimik lang siya pero sa loob...wahahaha...! may halimaw na tawa.

"Ah ok", ang tanging naisagot niya. Pero, pero! sa kabilang banda tama rin naman siya. Panaginip lang ang lahat.

Malabong mangyari...malabo mangyari yong First Kiss!

---------

: This chapter is dedicated to LeslieJoyPame dahil sa paghakot niya ng maraming votes sa Tatahakin man ay Kasaysayan Part 1 at 2.

Maraming salamat sa pagboto girl!


TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon