"MATAKOT SA KASAYSAYAN PAGKA'T WALANG LIHIM NA DI NAHAHAYAG"
-By: G. de Jesus
"Ate! Gising na!" Inalog - alog nito si Ana. Napilitan siyang gumising. "Ate Oriang maligayang kaarawan!" Masayang bati nito.
Hindi umimik si Ana. Hindi pamilyar sa kanya ang bahay. Teka nga-nasaan na siya? Patingin-tingin siya sa paligid. Malawak ang kwarto na gawa sa makintab na kahoy. Sa kaliwa niya ay nakita niya ang bintana na sa tingin niya ay makaluma sa panahon pa ng kastila. Ito 'yong sliding window na binubuo ng maraming square at capiz shells. Malapit sa higaan niya ang isang lamesa na may nakalagay na lampara, ilang mga papel at sa tingin niya'y sinaunang panulat. May pakpak pa kasi ang panulat na nakalagay pa sa ink na hugis parisukat. Tumingin siya ibabaw ng higaan niya may bubong ito na gawa sa kahoy. Makintab din ito feeling niya nakahiga siya sa higaan ng isang prinsesa. Pagkatingin niya sa kanyang suot nakasuot siya ng blouse na may mahabang butterfly sleeves at nakatirno naman nito ang mahabang saya na kulay puti. Oh my! Nasaan ako?! Tumingin siya sa kanyang harapan. Isang batang babae na siguro mga 10 gulang na nakangiti sa kanya.
"Maligayang ika-labing walong kaarawan Ate Oriang!" Humalik ito sa kanya. "Ate anong nangyari sa'yo? Bakit tulala ka? Siyanga pala regalo ko sa iyo." Isa 'yong bagay na binalot ng isang magandang tela. Sana magustuhan mo Ate Oriang".
Naguguluhang tinanggap ni Ana ang regalo. Oriang? Tama ba ang narinig ko? Oriang? As in Gregoria de Jesus? Tinatawag niya akong Oriang? Napatingin ulit siya sa kanyang paligid. 'Di kaya...
"...ikaw ay itinadhanang makabalik sa kasaysayan."
"Ahhh!" Di niya napigilang sumigaw. Nang dahil doon napasugod ang dalawang may edad na lalaki at babae.
"Gregoria anong nangyari? Bakit ka sumigaw?" anang isang may edad na babae.
G..regoria? Ako si Gregoria? Oriang? Di nga ako nagkamali! Heto na 'yon!
"K..kasi po..." dali-daling niyang binuksan ang regalo. "Napakaganda ng regalo ng ah...kapatid ko sa akin." Sige go, kaya mo 'yan Oriang! "Maraming salamat bunsong kapatid.." Napatitig siya sa regalo. Aba perlas na pulseras...maganda nga!
"Mmm..Ate hindi po ako ang bunso. Si Ines natutulog pa." Kumunot ang noo nito.
"Ah..hindi ba ikaw ang bunso?" Nagtaka ang dalawa pa na sa tingin niya ay mga magulang ni Oriang.
"Hija, nanaginip ka pa yata. Pagpasensyahan mo na si Salome at ginising ka bigla. Nasasabik na kasi siyang ibigay ang regalo niya para sa'yo.
"Ayos lang po iyon. Salome maraming salamat sa regalo mo. Nagustuhan ko talaga." At siya'y ngumiti ng matamis.
Nahihiyang ngumiti si Salome at namumula ang cute na pisngi nito. "Ang saya ko inang at amang nagustuhan ni Ate ang regalo ko sa kanya."
Ngumiti rin ang dalawa. "Maligayang isang labing-walong kaarawan Gregoria!" at kapwa humalik kay Ana. Batid ni Ana na si Nicolas de Jesus ang lalake at si Baltazara Alvarez Francisco ang babaeng katabi nito. Sila ang mga magulang ni Gregoria.
..este si Inang Baltazara at Amang Nicolas pala hehe.
Medyo alam niya ito dahil avid fan siya ni Gregoria de Jesus.
"Bumangon ka na Oriang at ipagdiwang natin ang iyong kaarawan," malambing na wika ng ina.
"Bilisan mo na Ate at sabik na akong kumain!" sabad naman ng kapatid.
Nagtawanan ang lahat. Weh? Feeling close lang? Well actually, magaan ang loob ko sa kanila. Bagong gising lang ha close na kaagad?
Masayang ipinagdiwang ni Ana este Gregoria ang kanyang kaarawan. Siyempre debut niya iyon. Wow! Sa susunod pa ako magdedebut ah pero sige go! Sa wakas nakasuot na rin ako ng baro't saya ng unang panahon. Grabe ... talagang tradisyunal oh... 'Di tulad sa modern world uso ang mga -less na damit (sleeveless, backless, topless etc.)
Ah..medyo mainit lang 'no?
Samantala, habang si Ana ay nakipag-usap sa mga kaibigan kono ay may isang lalaking nakatitig sa kanya mula sa malayo. Makikita siya nito mula sa bintana.
"Kaibigang Andres mukhang tinitigan mo si Oriang ah. Halika sumama ka na sa akin. Ipinagdiwang niya ang ika-labing walong kaarawan ngayon. Ipakilala kita sa kanya." Ngumiti lang si Andres.
"Maraming salamat kaibigang Teodoro ngunit sapat na sa aking mapagmasdan ko siya rito sa malayo."
"Napakaganda ng pinsan ko hindi ba?" Panunukso ni Teodoro. Kapwa sila nakatingin kay Oriang.
"Sadyang napakaganda ng iyong pinsan kaibigan at labis akong umiibig sa kanya. Hinihintay ko talaga ang araw na ito. Maaari ko na siyang ligawan," tila nangangarap ang mga mata ni Andres pagkasabi niyon.
"Kaibigang Andres naiintindihan ko ang iyong damdamin ngunit mananampalatayang kristiyano ang pamilya ng pinsan ko. Hindi sila papayag na ang maging kasintahan ng kanilang anak ay kasapi ng masonriya," pagbabala nito.
Ang isang kasapi ng masonriya ay masama noon dahil sa mga turo ng mga pari.
"Kaibigang Teodoro, hindi ko malalaman kung ayaw nila sa akin kung hindi ko susubukan. Makikita mo balang araw mapapasaakin rin ang dalagang aking pinakaiibig."
Sa kabilang dako ng kasaysayan ni Gregoria de Jesus...
Nosebleed! "Ano 'yon? May sinabi ba akong ganoon sa'yo?" Halos maliligo na ng pawis si Ana. Dahil na rin sa init ng panahon tapos balot na balot pa siya sa kanyang suot. Panay ang pagpaypay niya sa sarili.
Ang saklap! Wala akong maisagot sa mga katanungan nila!
May isang dalagang ngumiti at lumapit sa kanya. Hinawakan ang mga kamay niya. "Maligayang kaarawan Oriang! Ganap ka ng dalaga!"
Napakagaan ng loob ni Ana sa kaharap. Siguro ito na ang matalik na kaibigan ni Gregoria.
"Maraming salamat Rosa! Mabuti at nakarating ka." Tsaka ngumiti.
Yun oh! Tumama rin!
: Ang chapter na ito ay i-dedicate ko kay chandyford_26 sa iyong maramihang votes. Maraming salamat sa pagsusubaybay po!
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...