Kabanata 15: Mga pusong nangungusap

1.1K 59 55
                                    

Huwebes, si Mariano ay nag-anyaya kay Rizal na bumisita sa kanilang mga kapatid sa la Concordia. Magalak na tinanggap ni Rizal ang paanyaya.

"Mabuti naman at sumama ka ulit sa akin Jose."

"Ayos lang Mariano, nais ko ring bisitahin ulit ang aking kapatid."

Nais ko ring makita ang aking sinisinta.

Nakita ni Rizal si Segunda sa bulwagan. Masaya itong bumati sa kanila.

"Nais mo bang tawagin ko ang iyong kapatid?" Kusang tanong niya sa binata.

"Sige binibini. Maraming salamat sa iyo."

Maya-maya ay lumabas na ang dalawa. Bumati si Olimpia sa dalawang binata. Pagkatapos ay masiglang nagkwentuhan ang apat. Maya-maya ay nag-excuse si Mariano sa tatlo upang kausapin ang kanyang fiancée na nangupahan din sa dormitoryo. Sinadya rin ni Olimpia na umalis para lang mag-usap sina Segunda at Jose. Kapwa silang dalawa ay hindi mapakali.

Di nagsalita si Rizal. Silent mode din si Segunda.

Sa wakas ay nakuha ni Segunda na magsalita. "G-ginoong Jose nabasa ko na ang iyong mga akda. Talagang nalilibang akong basahin iyon. Tapos ko na rin iyong basahin. Kukunin ko lang sandali upang isauli ko na sa'yo," akmang tatayo ngunit pinigilan ito ng binata.

"Wag ka ng mag-abala binibini. Hindi ko naman binabawi eh." Nagulat siya nang hawakan ni Jose ang kamay niya kaya kaagad niya itong binitiwan. Maging si Jose ay nagulat rin. Nagkahiyaan lang ang dalawa.

Jose Rizal torpe....

"T-talaga?" P-pero pinaghirapan mong isulat 'yon."

Sumigla ang mukha ni Jose. "Kaya kung gumawa kahit gaano man karami kaya wag mo na 'yon alalahanin pa. Salamat at nagustuhan mo."

"Walang anuman ginoo." Sabay ilag ng tingin. "Iingatan ko iyon ng mabuti."

Napakasaya ko. Nagugustuhan ni Segunda ang aking mga akda at iingatan niya ito ng mabuti. Iisipin ko talagang aking kayamanan ang kanyang sinabi. Siguro gagawan ko siya ng tula na para lang talaga sa kanya.


Katahimikan...

Jose Rizal..ba't ayaw mong magsalita? Titig ka lang ng titig sa akin. 'Yan tuloy  matutunaw na yata ako.

Kelangan may sasabihin. Isip-isip...patingin-tingin sa paligid.

Ah alam ko na! Nabasa ko ito sa aklat eh..

"Ahm...ginoong Jose..."


Sadyang napakahinhin niya at napakatamis pakinggan ang kanyang tinig.  "Ano 'yon binibining Segunda?"

"Anong pinakagusto mong bulaklak?" maingat niyang tanong. Kaya ko 'to! Enjoy the moment na lang.

Ngumiti si lang si Jose. Lalong sumingkit ang mga mata nito.  Hehe ang cute ni Rizal...

"Gusto ko ang lahat ng mga bulaklak ngunit  mas gusto ko lalo iyong may madidilim na kulay."

Siguro nga'y nanaginip ako. Ang makausap ang bayaning aking hinahangaan, makatang aking minamahal, ay sadyang di kapani-paniwala.  Para akong ililipad palayo...

Nahuli ni Jose ang pagtitig ni Segunda sa kanya. Tila tulala na ito.

"Binibining Segunda?"

Akmang magigising. "Ah—pa..pasensiya ka na ginoo." Nagbaba lang siya ng tingin.

TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon