Title: Credit to #Siniphayo
Papauwi na si Segunda sa dormitoryo. Hindi sila magkasama ni Olimpia dahil may klase pa ito kaya siya lang ang mag-isang naglalakad. Nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam at hindi niya ito gusto. Napansin niya na ang ilang mga mag-aaral ay masamang nakatitig sa kanya at ang iba ay nagbulong-bulongan. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Kakaiba talaga ang araw na ito. Papasok na siya sa bulwagan nang siya ay may narinig.
"Hindi ba, ikakasal na si Segunda?"
"Iyon na nga! Pero nakikipaglandian pa rin siya sa iba. Hindi na siya nahiya."
"Narinig ko nga 'yon. Iyon bang nakakabatang kapatid ni Olimpia?"
"Oo at ang bali-balita may namagitan na sa kanilang dalawa."
"Nakakahiya naman. Ikakasal pa naman siya."
"Sinabi mo pa." At nagtawanan ang mga etchoserang frog.
Malungkot na tumuloy si Segunda sa kanyang silid. Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto.
"Segunda, si Manuel ito. Buksan mo ang pinto!"
Pagkabukas noon. "Manuel m-mabuti't dumalaw ka? Si-sinong kasama mo? "
Namumutla na ang mukha niya.
Diritsong tumitig si Manuel sa kanya. Alam niya na nakaabot na rin kay Manuel ang balita.
"O bakit parang nakakita ka ng multo? Hindi ka yata masaya na dumalaw ako. Dahil siguro iba ang dumalaw sa'yo at hindi siya."
Nagbaba siya ng tingin. "A-anong ibig mong sabihin?" mahina niyang tanong.
"Ang totoo niyan may natanggap akong hindi magandang balita at nais kitang makausap hinggil dito," seryoso nitong wika.
"Pumasok ka muna sa loob. Alam kong maselan ang iyong sasabihin."
Sa wakas ay nakarating na rin si Olimpia. Papunta na rin siya sa kanyang silid nang nadaanan niya ang silid ni Segunda. May narinig siyang pag-uusap kaya tumigil muna siya at nakinig.
Mahabang minuto ang nakalipas at napatakip lang si Olimpia sa kanyang bibig. Nang maramdaman niyang lalabas na si Manuel ay nagtago agad ito. Umalis si Manuel at naiwan si Segunda na malungkot kaya nilapitan niya ito.
"Unday..."
Hindi agad nakakibo si Segunda. "I-ikaw pala ate Ypia." Nag-aalalang tumitig sa kanya si Olimpia. Di na siya nakatiis kaya niyakap niya si Olimpia at umiyak ng umiyak.
"Tahan na Unday..."
"Pinagbabawalan niya akong makipagkita sa iyong kapatid dahil kung hindi magsusumbong siya sa aking mga magulang upang kunin nila ako dito at ibalik sa Lipa. Ayokong umuwi....ayokong magpakasal..." Alam kong mangyayari ito sa akin...hindi...hindi...! Gusto ko ng bumalik sa pagiging Mayumi.
"Naiintindihan kita Unday, mabuti pa't sundin mo na lang si Manuel upang di ka nila kunin dito. Malulungkot rin ako pag wala ka na... "
***
Si Jose ay mag-isang dumalaw sa dormitoryo. Gusto niya talagang kausapin si Segunda sa nangyari. Hindi siya mapakali hangga't di sila nag-uusap. Maya-maya pa ay naging matalas ang kanyang paningin. Napansin niya kasi na maraming mga matang nakatingin sa kanya. Ito ay kakaiba talaga. Lalo na't ang iba ay nagbulong-bulongan.
Di na lang niya ito pinansin at nakarating na rin siya sa wakas. Nagpahatid siya ng sulat upang si Segunda ay lumabas sa silid nito. Ipinahatid niya ito sa isa sa mga nangupahan sa dormitory. Ngunit si Olimpia ang lumabas.
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Fiksi SejarahSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...