May masamang balita. Si Segunda ay papauwiin na sa Lipa dahil ang kanyang ina ay nanganak na at kailangan niyang umuwi. Ang mabigat na dahilan ay nalaman na ng kanyang mga magulang na lihim siyang niligawan ni Jose.
Ang pinakamasamang balita ay – uuwi din si Jose dahil magbabakasyon na...
Tahimik na nagsusulat si Segunda. Nagsusulat siya ng isang tula gaya ng ipinangako niya kay Jose. Hindi man siya ganoon kahusay ngunit sapat na ang mga salitang naroon upang maramdaman ng damdamin. Tangan ang mga rosas na binigay ni Jose sa kanya. Matigas na ang mga ito at naaagnas na kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Pinulot niya ang mga ito at magiliw na inipit sa aklat. Kahit papaano ay may mga alaala siya mula kay Jose. Madadala kaya niya ito sa kasalukuyang mundo? Iningatan niya lahat ng bagay na ibinigay ni Jose sa kanya.
***
Dumalaw si Jose sa La Concordia dahil dadalaw rin ang kanyang lola Brigida upang kumustahin siya at si Olimpia at kay Segunda na malapit sa kanyang lola.
"Talaga? Napakasaya ko...matagal na kaming hindi nagkukwentuhan," masayang wika ni Segunda kay Olimpia.
At alam na rin ni lola Brigida ang namagitan sa kanilang dalawa ni Jose.
Naunang dumating si lola Brigida at sinalubong siya nina Olimpia at Segunda. Napakasaya ng matanda nang makita ang kanyang apo at ang kanyang palaging kakwentuhan.
Dumating din si Rizal kasama si Mariano. Napakasaya ni Jose na makita muli ang kanyang pitagang lola bagaman hindi nito maitaboy ang lihim niyang kalungkutan. Nagkaroon ng kwentuhan at kagaya ng dati ay hindi naiwasang masulyapan nina Jose at Segunda ang isa't-isa. Pagkatapos noon ay umalis muna si lola Brigida kasama ang mga madre. Bumalik din ito at sila'y pumanaog sa hagdanan.
Napapansin ni Jose na si Segunda'y tahimik kaya't sinubukan niyang magtanong.
"Segunda, hindi ba sasama ang iyong loob kapag aanyayahan kita sa aming bayan?"
Kagaya ng dati ito ay pakipot at namumula."Hindi, ikinagagalak ko ang iyong paanyaya." Ibig kong makasama ka sa Calamba, Laguna Rizal ko.
"Kung maaari sana kitang dalhin doon kasama ako."
"Paumanhin, nanaisin ko man ay hindi maaari." At sila'y tumahimik. Ang kanilang mga mata lang ang tanging nag-uusap.
Panahon na upang umalis si lola Brigida kasama sina Jose at Olimpia upang pumunta muna sa Trozo. Tinitigan muna nina Jose at Segunda ang isa't – isa na para bang iyon na ang katapusan ng mundo. Pagkatapos ay pumasok na sina Jose at Olimpia sa karwahe.
"Unday...wag kang mag-aalala babalik din ako kaagad," malungkot na wika ni Olimpia.
"Aasahan ko iyan. Mag-iingat kayo ate Ypia," nakangiting tugon ni Segunda ngunit maaninag ang lungkot sa kanyang mukha.
"Hija, sana makasama ka sa amin," anyaya ni lola Brigida.
"Maraming salamat po lola ngunit may pag-uusapan pa kasi kami ni kuya Mariano. Natutuwa po akong makita kayong muli."
"Maging ako man hija, sana magkaroon pa tayo ng panahon upang magkwentuhan tayong dalawa. Oh sige mauna na kami sayo hija."
"Sige po."
"Paalam na Unday...!" si Olimpia.
"Paalam na ate!" at tumingin siya kay Jose. "Mag-iingat ka ginoo..." Jose...
Kinuha na lang ni Rizal ang kanyang sombrero at yumuko. Ni walang pangungusap.
Umalis na ang karwahe at naiwan si Segundang tulala.
Hindi niya ako sinagot...
Samantala sa karwahe....
"Jose apo may nais akong ipabasa sa iyo." Inaabot ni lola Brigida ang isang sulat mula sa tatay ni Segunda na naglalaman na kailangan na ng kanyang anak na umuwi sa Lipa. "Alam kong ito'y magbibigay sa iyo ng lumbay."
Binasa ko iyon ng paulit-ulit at sa tuwina'y nag-iisip ako kung ano kaya kung si Segunda ay aking maging katipan. Oh pangarap!
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...