Umalingawngaw ang mga tawa sa loob ng CR. Nabuhusan na naman kasi si Ana ng tubig. Sa pagkakataong ito si Sheena ang gumawa. Nanginginig si Ana 'di dahil sa lamig kundi sa galit. Kinuyom niya ang mga palad at halatang umiiyak ito. Aping-api na talaga siya. Nais niyang magsumbong pero alam niyang walang makikinig sa kanya.
Naalala niyang may klase pa sa next subject kaya dali-dali siyang nagbihis. Salamat na lang at P.E uniform suot niya ngayon.
Patungo na siya sa room nang sadyain siyang banggain ng lalaking kaklase niya mula sa likod.
"Ano ba?" Inis na napalingon si Ana habang kinukuha ang balanse.
"Mataray ka na ngayon ah?" Nangungutyang tanong ng isa habang ang dalawa na nasa likod ay nagtatawanan.
Sa halip na yumuko na siyang parati niyang ginagawa ay taas noo siyang humarap at bumangga rin sa kaklaseng bumangga sa kanya. Malakas ang pakakabangga ni Ana. Tumayo ang lalaki at akmang susuntok ngunit bago pa mangyari 'yon ay inunahan niya ito ng suntok sa mukha at natumba ulit. Bumangon ulit ang kaklase at sumuntok. Nailagan ito ni Ana at pumatid sa maselang bahagi ng katawan.
"Array..!" tili ng kaklase niya habang hawak-hawak ito. Maski mga kasama ng kaklase ay nagulat. "Ano ba kayo! Di niyo ba ako tutulungan?" Umatras ang mga kaibigan at nakihalubilo na lang sa mga estudyanteng nanood.
'Di namalayan ang pagdami ng mga nanuod. Gulat na gulat din sila. Sa wakas nailabas rin ni Ana ang tinatago niyang kakayahan sa pakikipaglaban. Itinuro ito sa kanyang tatay na minana pa sa kanyang great great grandfather na isang katipunero noong panahon ng mga kastila. Tinuruan din siya ng arnis. Parati niyang suot ang isang kwentas na anting-anting na binigay umano ni Andres Bonifacio sa kanyang great great lolo. Kahit siya ay nagulat sa nagawa. Mahigpit niyang hinawakan ang kwentas.
Ang galing! Totoo pala talaga ang mga anting-anting!
Sa Guidance Office...
"Si Ana po ang gumawa nito sa akin!" Hirap magsalita ang kaklase dahil sa nakakatakot na pasa malapit sa bibig nito. "'Di ko siya nasadyang mabangga kasi nga nagmadali kami ng mga kaklase ko sa susunod na subject. Nagsorry ako sa kanya pero sinuntok niya ako bigla. 'Di nga ako lumaban kasi nga babae siya kaya heto bugbog sarado ako!" Tila makatotohanang pag-iinarte nito. Kahit sumasabog na sa galit si Ana ay natatawa siya sa reaksyon nito.
Teka nga, kailan pa siya marunong umarte ha? Para nga siyang lantang gulay noong role play nila at ngayon heto siyang umarte na parang true daig pa ang best actor. Ow..
Oh look at you! Umiiyak ka na.... Umiiyak o tumatawa? Nakakatawa talaga tingnan 'yong mga pisngi na lumulubo sa pasa at teka! napuruhan din pala ilong niya. Ngayon ko lang napansin ah! Oy tutubo na ang talong! Kung nanunuod kayo ng SPONGEBOB SQUAREPANTS kamukha niya si SQUIDWARD! Oy 'di nga! kambal sila!
"'Yon lang pala Ana eh. 'Di pala sinasadya. Sana di mo na lang pinatulan, working scholar ka pa naman dito," kunot noong wika ng Guidance Counselor.
"'Di po totoo 'yan! Sinasadya po 'yon! Sa katunayan po ilang beses na po 'yung nangyari!" Pagtatanggol niya sa sarili.
Lintik na buhay oh... Parang kumampi pa ang Guidance Counselor sa kanya...
"Eh paano mo nga nasisiguro na sinadya eh nakatalikod ka nga?!"
Oy nakalusot siya! Nautakan ako? Anong sasabihin ko?!
Wala siyang choice kaya sinabi niya mula sa simula ang mga pang-aapi na dinanas niya sa mga kaklase. Lalong lalo na sa blackboard. 'Di niya pinalampas ang kalapastanganang ginawa. Palibhasa kasi makabayan kaya alam ng nga kaklase kung saan siya magagalit ng sobra.
***
Masayang natapos ni Mayumi ang Rizal subject kahapon. Medyo kilala na niya si Rizal base sa natalakay nila. 'Di naman 'yon mabigat na bagay pero may kung anong 'di niya maiintindihang damdamin na nadama niya. Dahil na rin siguro nakilala na niya ang hinahangaang makata na sumulat ng tulang Mi Ultimo Adios na siyang paborito niyang tula noong 3rd year high school. Sa katunayan ay buhay pa rin 'yong Filipino notes niya kung saan nandoon ang kanyang tula. Base sa tinalakay ay talagang matalino si Rizal. Biruin mo 3 years old pa lang siya noong natutunan niya ang alpabeto at 5 years old siya noong matuto siyang magbasa at magsulat. Talagang henyo si Rizal gaya ng pagkaka-describe ng aklat. Maraming henyo riyan pero pasikat at yabang lang ang alam! Halos di tumitingin sa mga average person like her. Ilang beses na kasi siyang nainsulto nang subukan niyang magtanong sa mga smartie pero deneadma lang siya at sinimangutan. Sariwa pa rin sa ala-ala niya 'yong groupings sa klase at malaya ang mga mag-aaral na pumili ng makakasama sa grupo. Walang pumili sa kanya kaya mismong ang instructor nalang ang naglagay sa kanya sa isang group na puro lalaki. Kulang kasi sila ng isa.
Ang resulta haha! Sila ang unang nakapasa ng project! Mga matatalino kasi ang mga lalaking kasama niya. Akalain mo naman? Hindi pa rin pala siya ganoon kamalas.
Pero masakit pa rin dahil walang nagpapahalaga sa kanya. Walang gustong pumili sa kanya dahil 'di siya mapakinabangan kung baga. Walang totoong kaibigan..loner... Pero si Rizal hindi gano'n. Magalang ito at walang pinipiling lapitan...Iba si Rizal sa lahat ng henyo! Proud siyang pambansang bayani ito ng Pilipinas.
Nang dahil doon naengganyo siyang basahin in advance ang hiniram na Rizal book. Sa tuwing hihiram siya sa library ng Rizal book ay proud na proud siya na 'di alam kung bakit.
--------------
: This chapter is dedicated to @sicaspazzer for voting my story. Thank you po!
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...