Sa wakas dumating ang Huwebes at dumalaw si Jose sa La Concordia upang magpaalam na dahil kailangan niyang umuwi sa kanilang tahanan sa susunod na araw.
Malungkot ang huling pagkikita nina Segunda at Jose, halos walang pag-uusap ngunit may malinaw na pagkaiintindihan. Napakalungkot at mapagmahal.
"Uuwi ka rin? Ako ay uuwi rin ngayong Sabado." 'Yon ay isang araw pagkatapos ng napipintong pag-alis ni Jose. "Nanganak kasi ang nanay ko....alam mo ba na ang ipapangalan sa aking bunsong kapatid ay Jose?" Kwento ni Segunda ngunit puno ng kalungkutan.
"Talaga? Binabati kita sa iyong magandang balita." Tumitig siya kay Segunda at ang dalaga'y namula. "Katokayo ko pala ang iyong bunsong kapatid," wika habang nakangiti.
"Jose...," mangiyak-ngiyak niyang wika ngunit pinipigilan ang mga luha. "Ibig sabihin niyan hindi na tayo –magkikita..."
Tila palasong tumusok sa dibdib ni Jose ang tinuran ng dalaga. Nararamdaman na niya ang kalungkutan sa paligid.
"Kapag nagpasya akong umuwi ngayong Biyernes sa tingin ko hindi na ako makakabawi pa, ngunit maaari tayong magkita sa aking bayan," malungkot na wika ni Jose.
Hindi nila maiwasang matitigan ang isa't – isa. Punong-puno ng pagmamahal at pananabik. Tumango-tango lang si Segunda habang kagat ang kanyang labi. Ayaw niya talagang umiyak.
"Paumanhin pala sa inasal ko noong isang araw," sabay hawak sa kamay ni Jose. "'Wag mo sanang masamain. Hindi iyon ibig sabihin na iniiwasan kita...sana maiintindihan mo," tumitig siya kay Jose na may namumuong mga luha sa kanyang mga mata. "Kasalanan ko..."
Hinawakan ni Jose ang kanyang mga pisngi. "'Wag mong sabihin yan...! Hindi mo, hindi mo kasalanan..." Tuluyan ng pumatak ang luha mula sa mga mata ni Segunda at nang mapagmasdan iyon ay tila bagang kutsilyong humihiwa sa puso ni Jose.
"Labis akong mangungulila sayo Jose...Jose..."
Idinampi ni Jose ang kanyang noo sa noo ng dalaga. "Segunda...!" Iniibig kita...!
Sabihin mo na Rizal ko...'yon lang ang nais kong marinig...!
Hindi na nila napigilan ang kanilang damdamin. Niyakap nila ang isa't – isa. Mahigpit na pagkayakap.
Napaluha na lang si Olimpia na masaksihan ang madamdaming tagpong iyon. Salamat na lang at siya lang ang nakakita. Maya-maya pa'y may paparating –
"Pa-pa-paumanhin!" nalilitong paggambala ni Olimpia na siyang dahilan upang kumalas ang dalawa sa pagkayakap. "Paumanhin Pepe at Unday ngunit may paparating," pagtatapos nito.
"Naku paumanhin rin Ate Ypia," wika ni Segunda habang pahid-pahid ang mga luha. Tinulungan siya ni Rizal na pahiran ang kanyang mga luha. "Maraming salamat ginoo."
Ngumiti sa kanya si Rizal. "Wag ka ng umiyak. Hindi ko maatim makita kang nalulungkot dahil malulungkot din ako," ngumiti na lang si Segunda.
Oh kailan ko pa masilayang muli ang matamis na ngiting yan binibini!
Dumating na ang aking pag-alis at ang buwan ay masisilayan sa kalayu-layuan, kumikinang ito, habang pinagmamasdan ko ito mula sa hagdanan na sadyang mala-tula sa aking imahinasyon.
Nagpaalam si Jose sa kanyang mga kaibigan doon. Pati na rin kay Olimpia dahil mauuna siyang umuwi rito. At sa huling pagkakataon ay kay Segunda.
"Kailangan ko ng magpaalam sayo binibini. Maraming salamat sa lahat ng iyong kabutihan," at sa iyong pagmamahal... wikang may dalang pangungulila.
"Ako dapat ang magpasalamat sayo Jose. Maraming salamat sa mga panahong ako'y iyong napangiti. Sa lahat ng ating kwentuhan at pagsasama."
Hinalikan ni Jose sa huling pagkakataon ang mala-sutla nitong kamay. "Walang anuman."Malambing siyang tumitig kay Segunda samantalang si Segunda ay mapagmahal na tumitig sa kanya sa huling pagkakataon.
"Paalam....,"halos pabulong na wika ng dalaga.
"Paalam binibini. Magkikita na lang tayo kapag dumaan ka sa Calamba patungong Lipa." Ang tanging naiutal ni Jose. 'Yon at 'yon lang.
Ngunit hinihintay pa rin ni Segunda na marinig ang kinasasabikan ng kanyang puso.
Ngunit wala. Dahan-dahang binitiwan ni Jose ang kamay ng dalaga at umalis.
Ang huling nasilayan ni Jose, si Segunda na sumandal sa pintuan, nag-iisip habang nakatingala ang mga mata sa langit.
Kahit ngayon na nakikita ko siya na nakasandal sa pintuan, isang ugaling nagpapaisip sa akin ng labis. Iyon ang kauna-unahang gabi na nakaramdam ako ng pighati sa larangan ng pag-ibig. Ngayong nalalaman ko na minahal ko siya ng tunay sa aking sariling paraan, iyon ay kakaiba sa lahat na pag-ibig na aking narinig...
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Ficción históricaSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...