Araw na ng pag-uwi sa Lipa. Si Mayumi ay hindi mapakali. Hinihintay niya na may himalang magaganap. Himalang ibabalik siya sa tunay niyang mundo. Ibig niyang magising sa imposibleng panaginip na ito.
Pabalik-balik si Mayumi sa kanyang silid habang kagat-kagat ang panyo. Kumatok si Olimpia sa pinto at pumasok.
"Unday, bakit ganyan ang hitsura mo?"
Hindi ito sumagot at niyakap lang ang kaibigan. "Ate Ypia..."
"Mangungulila ako sayo Unday...akala ko kasi makakasama pa kita ng maraming taon dito sa La Condordia."
"Ako rin ate. Maraming salamat sa pagiging mabuting kaibigan sa akin. Hinding-hindi kita makakalimutan."
"Hinding-hindi rin kita makakalimutan Unday." Kinurot niya ito sa pisngi. "Hindi ko makakalimutan ang pisnging ito."Ngumiti siya. "Pag ikinasal ka na, 'wag mo akong kalimutang sulatan ah? Sulatan mo ako sa mga pangyayari ng buhay mo. Susulatan din kita tungkol sa akin. Kagaya ng dati magdaldalan pa rin tayo kahit na malayo tayo sa isa't-isa."
Hindi kaagad siya nakaimik. "Di ko maipapangako ate, mas gusto kong makipagdaldalan pag masaya ako di ba? Pero pinapangako ko sa'yo na may mahalaga kang puwang dito sa aking puso." At nagyakapan silang muli.
"Naiintindihan kita Unday. Siyanga pala, may ibibigay ako sayo para naman may ala-ala tayong dalawa," isinuot ni Olimpia ang bracelet kung saan ang lacket nito ay may larawan nilang dalawa. "Para may ala-ala ka sa akin."
"Ate napakaganda nito...maraming salamat...pero..wala akong maibigay sayo pasensya na. ."
"Naku 'wag ka ng mag-alala Unday, may ganyan di ako." Ipinakita ang isang bracelet sa kanang kamay. "Alam kong wala kang ibang inisip kundi si..." Kumindat ito. "Mm...kaya naintindihan kong wala kang maibigay," abot-abot ang ngiti ni Olimpia. "Ahehe biro lang po. 'Di po ako humihingi ng kapalit." Kinurot nito ang pisngi ng kaibigan. "Ngiti ka na.."
Saglit siyang tumawa."Maraming salamat ate...uhm..ate kung makauwi ka na sa inyo...pakisabi kay Jose...na...na..," nagsimula ulit siyang mamula ngunit puno ng kalungkutan. "na...iniibig ko siya...," tuluyan na siyang umiyak. "..napakatanga ko kasi..hindi ko sinabi sa kanya ang nararamdaman ko."
"Tahan na Segunda...pangakong makarating kay Pepe."
***
"Segunda..." Nagmamadali si Jose sakay ng kanyang kabayo. Hindi niya palalampasin ang pagkakataong masilayan ulit si Segunda sa huling pagkakataon at...masabi ang kanyang nararamdaman. Binilisan niya ang pagpapatakbo ng kanyang kabayo dahil alam niyang sa Calamba dadaan ang karwaheng sasakyan ni Segunda. Ngunit, malaki ang kanyang pagkadismaya nang malaman niyang si Segunda ay hindi makakadaan sa Calamba kundi sa Bińan dahil sa masamang hangin at ang mga pasahero ay bumaba sa Bińan kaya tumungo siya sa Bińan at dinaanan niya ang lugar kung saan lahat ng naghihintay kay Segunda ay nandoon.
Nagpatuloy pa rin si Jose kunwari hindi sila napapansin nang may tumatawag sa kanya.
"Hinto! Hinto!"
Lumingon siya ngunit wala siyang nakitang tao kaya siya'y nagpatuloy.
"Hinto! Hinto!"
Tumingin-tingin siya sa paligid. Nakatagpo niya ang ama ni Segunda.
"Jose!"
"Magandang araw po."
"Kailan ka pa dumating?" Tanong nito na nakangiti.
"Kahapon po."
"Ah..sila ay darating ngayon."
"Opo. Sinabi ng kaibigan ko ang tungkol sa bagay na 'yan."
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...