Kabanata 16: Tagapagtanggol

1K 51 8
                                    


Sa habag-kainan....

"Oriang, hindi ko yata nagustuhan ang asal ng isang binata noong isang araw," pagbasag ni Donya Baltazara sa katahimikan.

"Si Andres po ba ang tinutukoy niyo inang? Magalang naman po siya hindi ba?"

"Ahem!" ang tanging nasabi nila Senor Nicolas.

"Sandali, iyon bang paghalik niya sa aking kamay ang tinutukoy ninyo?" Tumawa lang si Ana. "Hindi po ba iyon naman ang nararapat? Kung tutuusin napakagalang po niya hindi ba?"

"Oriang umayos ka nga. Hindi maganda sa isang dalaga na humalakhak ng malakas," saway ni Donya Baltazara sa kanya kaya napaayos siya ng upo.

"Kung sa bagay napakatapang niyang gawin iyon kahit na nandito kami na nagbabantay sa inyo." Si Senor Nicolas ang nagsalita.

"Kung gano'n payag po kayong bumisita siya ulit dito?"

"Sa nakikita ko po, may balak pa 'yon na bumalik dito dahil hinalikan niya ang kamay ni Ate Oriang," sabat ni Salome. Napatingin ang lahat sa kanya. Tumawa lang siya sa reaksyon ng mga magulang sa sinabi ng kapatid.

"Sinong nagsabing sumabat sa usapang matatanda ang aming Salome?" Hinimas-himas ng ama ang buhok ng bunsong anak nito.

"Salome, hindi magandang ugali ang sumabat sa nakakatanda," babala ng ina.

"Nakakainip po kasi, hindi ako kasali sa usapan," wika habang nakasimangot.

"Salome 'wag ka ng magtampo. Mamaya maglalaro tayo," wika ni Oriang.

"Dali! Dali na! Maglalaro na tayo!" Sabik na wika ni Ines.

"Ines, ubusin mo muna iyang pagkain mo," matatag na utos ng kanilang ina.

"O siya, siya maglalaro tayo pagkatapos nating kumain at magpahinga," wika niya.

"Ate Oriang manguha tayo ng manga ah?" hiling ni Ines.

"Oonga ate, marami ng hinog sa puno natin!"

"Sige mangunguha tayo ng manga," nakangiti niyang sabi

***********

"Donde esta

Elisa? Toinks! ayos ah, parang teleserye lang."

Samantala, nakaharap si Mayumi sa lampara habang matiyagang nag-aaral ng wikang kastila. Halatang nahihirapan ito. Wala sa isip ko na mag-aral ng kastila! Mahirap na nga 'yong English eh...Ang hirap naman...!

Totoong sa panahon ito ay ipinagbabawal na mag-aral ng wikang Kastila at lihim lamang siyang nag-aaral nito sa tulong ni Mariano na nakakatandang kapatid ni Segunda na kapatid na rin niya ngayon.

"Te amo mi amor! Waah ang ibig sabihin daw ay iniibig kita mahal ko." Te amo mi Rizal, Te amo mi Jose Rizal! Iniibig kita Rizal ko...waah loka-loka! Napangiti siya sa naisip.

Ngunit bigla niyang naisip ang kanyang panahon. Ano na kayang nangyari na wala ako? Hinahanap kaya nila ako? Naku bakit ngayon ko lang naisip 'yon?!

Tumayo siya at humarap sa salamin.

Nasa katawan nga ako ni Segunda. Hindi si Mayumi ang nakikita ko kundi si Segunda. Nagbaba siya ng tingin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako? Gumising ka Mayumi heto na 'yon, unti-unti ng natutupad ang pangarap mo...ngunit bakit? Bakit may kulang?

********

"Ate ayun pa! Napakalaking hinog!" Sigaw ni Salome sa itaas ng punong manga habang si Ines ay masayang pinupulot ang mga mangang nahuhulog.

TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon