Hindi pa rin tumigil si Mayumi sa paghikbi hanggang napansin niya na...
"Ang hourglass!" Tumingin siya sa paligid. Nasa loob lang siya ng kanyang kwarto at gayon pa rin siya nakaupo sa kanyang study table at ang buhangin sa ibabaw ng bombilya ng hourglass ay ubos na --. "Naiintindihan ko na..naubos na ang ang buhangin kaya ako nakabalik." Kinuha niya ito. "Sapat na sa akin ang mga pangyayaring iyon. Kailangan ko na itong itago kunwari walang nangyari." At gayong itinago niya ito sa cabinet. Naglabas siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Jose...paalam.."
"Ate Yumi!" Kumatok si Maya sa pinto. "Kumain na po tayo ng hapunan! Bilisan mo na...!"
Binuksan ni Mayumi ang pinto at napatitig sa kapatid. "Maya...," may pighati sa tinig nito.
"Ate umiiyak ka ba?"
Niyakap niya ang kapatid at humahagulhol. "Maya..."
"A-anong nangyari ha? Nag-away ba kayo ni Rizal?"
Hindi sumagot ang kapatid. Sa tanong na iyon mas lalo siyang umiyak.
Kinabukasan...
"Oh bakit namamaga 'yang mga mata mo?" Tanong ni Sheen sa kaibigan. "Siguro natotouch ka doon sa mala-stunningly tragic na pag-iibigan nina Rizal at Segunda ano? Waah..hindi pala sila ang magkatuluyan."
"Hindi 'yon."
"Eh ano? Hay naku, alam mo sa lahat ng tao ikaw lang ang nagkakaganyan dahil sa Rizal subject na yan!"
"Sheen..hindi muna ako papasok ng Rizal ngayon."
"Ha?! Ang pinakamagaling na Rizal student di papasok, nga-ngayong exam?!"
"Masama pakiramdam ko...uuwi na ako Sheen...bye.." At umalis na nga ito.
"Hoy Ma-mayumi! Haay...bakit ngayon pang may exam kami? Wala na akong kakampi! No choice gagawa na lang ako ng kodigo para makapasa."
Iniiwasan ni Mayumi ang exam dahil isasali doon ang tungkol nina Jose at Segunda.
Bago pa siya umuwi sa bahay dumaan muna siya sa Rizal park. Papalubog na ang araw nang tinitingnan niya ang bantayog nito. "Jose...kumusta ka na? Naalala mo pa kaya ako..?"
Rizal exam...
Tinitigan ng guro ang bawat mag-aaral. Napahinto siya sa upuan ni Mayumi...
Kung gano'n....
Sa panahon ni Rizal...
Ang maikling bakasyon ay nagtatapos na. Si Jose ay bumalik sa Maynila, ang kanyang pangalawang tahanan.
Sakay ng kalesa papunta sa lumang bahay sa Magallanes St. ay nadaanan ni Jose ang mga lugar na napasyalan nila ni Segunda. Ang di-mapakali at malungkot na tila pagsisisi ang bumihag sa kanyang puso. Malinaw pa rin sa kanyang ala-ala ang mga sandaling tinitigan niya ang dalaga ng puno ng pagmamahal , ang paghaplos at paghalik sa malambot nitong kamay. Malinaw pa rin sa kanya ang ngiti nito na nasisilawan ng paglubog ng araw...
Oh anong ala-ala! Parang kailan lang ay nakakasama ko si Segunda sa pinakamasayang sandali ng aking buhay. Anong saklap na ang aking pinakaiibig ay tila dinagit ng ibong mandaragit mula sa aking mga bisig. Oh Segunda...! Naglaho ka sa sandaling lumulubog ang araw at sa ganoong kaparaanan ay naaalala kita...
Sina Mayumi at si Jose magkaiba man ang panahon na ginagalawan, naalaala pa rin nila ang isa't-isa. Pagkagising sa umaga, sa tanghali, sa paglubog ng araw at bago matulog. Sabay nilang inaala-ala ang mga sandaling sila ay magkasama, ang mga malagkit na titigan kung saan ang tanging puso lamang nila ang tanging nag-uusap.
***
Huwebes ng hapon...sa panahon ni Rizal.
Pagkauwi galing sa paaralan ay nagmamadali si Jose dahil may mahalaga siyang pupuntahan ngayon. Huminto siya bigla nang maalala niyang wala na pala si Segunda sa La Concordia...nasanay na siyang makaramdam ng sabik sa tuwing dumadalaw siya ng ganitong araw.
Huwebes ng hapon...sa panahon ni Mayumi...
Pagkauwi galing sa paaralan ay hinanap kaagad ni Mayumi ang pinakamaganda niyang damit, kailangan niyang maging maganda...sa harap ni....aw...slap your face Mayumi, oo Huwebes ngayon pero nandito ka na sa tunay na bahay at hindi sa dormitoryo ng La Concordia at walang Rizal na maghihintay sayo sa bulwagan mamaya....
Mapait na tumulo ang mga luha ni Mayumi..."Rizal ko..."
***
"Segunda..." ang nasambit naman ni Jose.
Pero kailangan niyang magpatuloy, dadalaw kasi siya kay Olimpia. Nagpatuloy siya habang pikit ang mga mata. Inaasahan niya paring makikita niya si Segunda sa bulwagan na matamis na ngumingiti sa kanya ngunit...
Ano kaya ang lihim ng Rizal instructor na si Ma'am Reserva? Ano kaya ang maging kapalaran ng dalawang pusong punong-puno ng pangungulila? May patutunguhan ba ang pag-ibig ni Mayumi?
Abangan sa susunod na mga bahagi ng TMAK!
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Tarihi KurguSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...