Si Mayumi ay nandoon sa silid ni Segunda. Pagkarating palang niya sa bahay ay nakaramdam na siya ng kakaibang pakiramdam. Pagkakita pa lang niya sa nanay ni Segunda ay hindi niya alam kung ano ang gagawin. May nababasa kasi siyang hindi maganda sa mga mata nito. Susubukan niya sanang magmano ngunit inutusan kaagad siyang umakyat na sa kanyang silid. Habang kumakain sila ng hapunan ay napakaintriga ng katahimikan.
Matagal din siyang nanatili doon, litong-lito kung ano ang gagawin. Tapos na ang lahat kaya kailangan na niyang makauwi, ngunit paano? Hangga't nakasanib siya sa katauhan ni Segunda ay imposibleng mangyari iyon.
Nararamdaman niya ulit na mag-isa na lang siya. Wala siyang kakampi...ang tanging na sa kanya ngayon ay ang mga portrait na ginuhit ni Rizal para sa kanya, mga writings nito, at 'yong mga patay na talutot ng rosas na nakaipit sa isang aklat. Kahit papaano siya ay napangiti. Tinitingnan niyang maigi ang guhit ng binata. Sadyang napakahusay. Iisipin lang niya na si Rizal ang gumuhit noon ay lumakas na kaagad ang tibok ng kanyang puso.
"Paalam Jose..." ang tanging namutawi sa kanyang mga labi.
Nagulat na lang siya nang may kumatok. Pumasok ang nanay ni Segunda – ay naku nanay niya pala.
"Segunda, maaari ba tayong mag-usap?" wika nito sa napaka-istriktong tinig.
"Para saan po?"
Lumapit ito sa kanya. "Maaari mo bang ipaliwanag sa akin iyong mga nabalitaan namin? Anong pumasok sa isip mo at nagpaligaw ka sa isang binata samantalang ikakasal ka na? Binigyan mo ng kahihiyan ang pamilya natin Segunda! Di ba napag-usapan na natin ito na hindi ka magpapaligaw kahit kanino dahil ipinagkasundo ka na kay Manuel? At hindi ka sumunod. Alam mo bang pinag-uusapan na tayo ng mga tao?"
"Mas mahalaga pa po ba ang sinasabi ng mga tao?" nasabi ni Mayumi kahit na medyo takot na siya sa aura ng ina ni Segunda.
"Aba, marunong ka na ring sumagot ngayon? Mabuti na lang at kinuha ka namin doon sa La Concordia dahil nabago na ng pananatili mo doon ang ugali mo! Hindi ka na naging masunurin!"
"Patawad po."
Aw...
Nakita ng nanay ang mga portrait na hawak ni Mayumi. "Ano yan?" Maliksi niya itong inagaw.
"Akin po yan!" sinusubukan niya itong agawin.
"Siya ba ang gumuhit nito? Ha? Ito, ito ang dahilan kung bakit nagkaganyan ka! Hindi kayo para sa isa't-isa kaya kailangang wala kang ganito!" Sinimulang punitin ng nanay ang mga portrait habang pinipigilan ito ni Mayumi ngunit walang nagawa ang dalaga kundi mapait na pinagmasdan ang unti-unting nahuhulog na mga papel.
Umiyak siyang pinulot iyon... Ang tanging ala-ala ni Rizal ko...
Nakita pa nito ang ang mga writings na alam niyang galing din kay Rizal. Ganun din ang ginawa pinunit din ang mga ito.
"Tama na po...itigil niyo na yan...nagmamakaawa po ako..."
Ngunit walang halaga ang panambitang ito sa nagagalit na nanay ni Segunda.
Rizal ko...
Umalis na ang nanay ni Segunda at pagbagsak na sinara ang pinto. Iniwan si Mayumi na kinakapa-kapa ang mga punit na papel habang humahagulhol.
"Ang tanging mga ... ala-ala...ni...Rizal...sa akin..ay..wala na... Rizal ko..."
Ang tanging naiwan lang ay ang kanyang tula na ibibigay sana kay Rizal at ang mga nahuhulog na mga patay na talutot ng mga rosas.
Tahimik niya itong pinupulot...paunti-unti...pinupunit rin ang puso niya!
***
Si Jose ay malungkot na nakaupo doon sa kanilang hardin nang nilapitan siya ni Olimpia. Si Olimpia ay nakauwi na mula sa La Concordia. "Pepe.." Tumabi ito.
"Oh ate Ypia ikaw pala," wika ng nakangiti.
"Iniisip mo si Unday?"
Bahagyang ngumiti si Rizal. "Magpahanggang ngayon bilanggo pa rin ako sa kanyang hiwaga..sinayang ko lang.'.di ko nasabi..ah..wag mo ng intindihin..."
"Pepe, may ibibigay sana ako sa'yo." Inaabot ang kwaderno ni Segunda. "Nandiyan ang nilalaman ng puso ni Segunda. Matagal niyang hinihintay na sabihin mo sa kanya ang nais niyang marinig ngunit nabigo siya."
Hindi nakasagot si Jose. Ang kanyang pag-ibig ay sinira ng kanyang pagkamahiyain. "Kwaderno ni Segunda?" Binuklat-buklat niya ito. "Kwaderno niya sa salitang kastila."
"Oo, tingnan mo ito," binuklat ni Olimpia ang huling pahina ng kwaderno.
"Ang ibig sabihin ng te amo mi amor ay iniibig kita mahal ko..." nagpatuloy siya sa pagbabasa. "Kung ganun maaaring te amo mi Ri-- "napanganga si Rizal sa kanyang nabasa. Mabilis na tumibok ang kanyang puso, "Segunda..."
Hinaplos ni Olimpia ang likod ng kapatid. "Ayos lang 'yan Pepe."
"Hindi ate Ypia, ang unang babaeng minahal ko ng maalab ay naglaho na sa akin habang-buhay."
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...