Kabanata 5: Ang paghahayag

2K 84 47
                                    

"Anong sinabi mo? Pinaalis ka sa paaralan?" Nasisindak na tanong ni Aling Nena. May halong galit sa boses nito.

"K...kasi  po", nauutal na wika ni Ana. "Pinagtanggol ko lang po ang aking sarili! Labis na po akong naaapi doon..." Hindi na niya napigilang maluha. Naiintindihan niya ang damdamin ng ina. Siya lang ang inaasahan nito dahil siya lang ang nakapag-aral sa limang magkakapatid at ngayon naglaho na ang lahat ng pangarap na makaraos sa kahirapan.

"Tinukso ka lang magagalit ka na kaagad? Pinaiiral mo kasi 'yang pagiging mainitin ang ulo. Sana tiniis mo na lang Ana..nangangalahati ka na sa kolehiyo, ngayon ka pa mahihinto? Tingnan mo na lang kalagayan ng mga kapatid mo..--" Balisang hinaplos ni Aling Nena ang noo habang  nakaharap sa bintana. "Wala kayong ama..."

Alam na ni Ana ang kahulugan noon. Alam niya bilang panganay obligasyon niyang itaguyod ang pamilya kaagapay ng kanyang ina. "Patawarin niyo po ako inay..kung salita lang sana 'yon ay titiisin ko ang lahat pero sinasaktan na po nila ako! Kung alam niyo lang sana dinanas ko sa mga kaklase ko."

Gano'n naman talaga eh. Kahit anong paliwanag ko paniwalaan man ito ng Nanay ko ay parang wala lang sa kanya. Masakit isipin pero ang iniisip lang ng Nanay ko ay makaraos sa kahirapan. 'Di bali na ang nararamdaman ko...

"Kung 'yan man ang nangyari sa'yo kasalanan mo dahil sa mga paninindigang kagaya ng tatay at lolo mo na walang napala kundi nailibing kasama nila!" Halos pasigaw na sumbat ni Aling Nena. Namatay ang lolo at tatay niya dahil sa pagiging makabayan. "Narinig kong nagalit ka dahil nilapastangan umano ang mga bayaning iniidolo mo. Pwede ba tigil-tigilan mo na 'yang mga bagay na yan! Kung tutuusin nga kung tunay silang mga bayani dapat umasenso na ang Pilipinas ngayon!"

"Inay wag niyo po isali ang mga bayani dito. Hindi nila kasalanan kung naghirap man ang Pilipinas ngayon. Kung tutuusin nga po ay ibinuwis nila ang kanilang buhay para sa kalayaan natin!" Napatayo siya. 'Di niya naiwasang magtaas ng boses.

"Kita mo na? Kapag tungkol sa mga bayaning 'yan marunong ka ng sumagot! Isipin mo nga kung ano napala mo? Natanggal ka sa pag-aaral mo. 'Yong lolo mo noon ay napatay rin ng mga Amerikano at yong tatay mo napatay rin sa rally nang dahil sa tinatawag niyong makabayang paniniwala! Ano napala ninyo? Wala!"

"Sandali inay di naman 'yon ang dahilan kung bakit ako natanggal sa pag-aaral ko...ano..kasi..nabugbog sarado ko 'yong kaklase ko dahil binangga niya po ako--." Bahala na, siyempre manang mana sa pinagmanahan eh!

"Ano?!" Tila maririnig ang pagguho ng lupa at banggaan ng mga planeta. "Kababae mong tao nanakit ka ng iba?!" Inilagan ni Ana ang titig nito.

"Lalaki naman po 'yon eh kaya ayos lang 'yon. Pinagtatangol ko nga po ang aking sarili." Sinubukan niyang magbiro.

"Ana umayos ka", malamig ngunit matatag nitong wika. "Pare-pareho lang kayo ng tatay mo mga walang kwenta at basagulero. Ha! Wala nga kayong pinagkaiba. Nagbibigay lang kayo ng kamalasan sa buhay ko!" Sabay alis na 'di tumingin sa kanya. Sinundan niya ito ng tingin.

Naiintindihan ko ang Nanay ko pero masakit pa rin sa akin na wala nga siyang pakialam. Hindi man lang ako kinumusta kung ayos lang ako...mas priority sa kanya ang makaraos sa kahirapan.

Si Aling Nena ay huminto at nagsabing..,"Kung wala ka ng magawa at pakinabang ay mabuti pang umalis ka na lang. Bigong-bigo ako sayo Ana.."

Hinawakan niya ang kamay ng ina. "Pero nay..gagawa po ako ng paraan. 'Wag niyo po akong paalisin..", pagmamakaawa nito. Sa halip ay tinulak siya.

"Hindi kita tunay na anak."

Nagdilim ang paligid ni Ana. Tila tinakloban siya ng lupa at langit. Hindi niya ako tunay na anak? Kung sa bagay 'di naman sila close. 'Di niya halos naramdaman  ang pagmamahal nito.Wala siyang ibang close kundi yung mga bayaning tinuturing niyang kaibigan na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon upang ipaglaban ang hustisya na kanyang dinanas. Labis siyang naniniwala sa paninindigan ng lolo at tatay niya.

Wala siya sa sariling umalis. Palakad-lakad lang siya sa daan. Ang kanyang mga mata ay nabulag na ng kanyang mga luha.

Nang biglang....

"Ahhh..!"

****

Samantala, patuloy na binabasa ni Mayumi ang Rizal book. Halatang na-enjoy niya ito.

Aba grabe..! Napakaromantic niya naman..kung manligaw siya nagpapadala siya ng sulat at ginagawan pa ng tula. Maliban sa pagiging romantic poetic rin siya...

Na-mention din sa aklat na si Rizal ay cartoonist. Talagang enjoy si Mayumi dahil hidden talent rin niya ang drawing. Siguro kung nabuhay si Rizal ngayon siguradong  magugustuhan din nito ang mga anime. Napansin rin niyang karamihan sa mga hilig ni Rizal ay hilig din niya.

Matagal-tagal din siyang nagbasa. Mayay-maya pa'y may naramdaman siyang 'di maipaliwanag. Bakit feeling ko parang may kaugnayan din ako sa mga pangyayari? Bakit feeling ko parang nandito na ako sa panahon ni Rizal?  

Dahil siguro pinangarap niyang sana nabuhay din siya sa nakaraan. Kalahati kasi ng gusto ni Mayumi ay nasa nakaraan. Ang pananamit, paraan ng pagsasalita, ugali at 'yong mga kundiman songs na talagang kuhang-kuha pa niya ang boses ng isang kundiman singer tulad nina Sylvia la Torre at Conching Rosal. Gustong-gusto niya 'yong mga sinaunang pananamit katulad ng Maria Clara at indigenous costume katulad ng Indio at Amaya.  Ha ha! Sabi pa nga ng papa niya baka raw doon lang siya tatanda sa mga makalumang pamamaraan. Malayo sa kabihasnan kung baga. Isa 'yon sa dahilan kung bakit wala pa siyang bf hanggang ngayon dahil sa ugali niyang...malayo sa kabihasnan.

Dahil ang mga katangian na gusto niya sa isang tao ay matatagpuan lamang sa nakaraan.

--------------

:This chapter is dedicated to  TandangPatatas na walang sawang bumoto sa Tatahakin man ay Kasaysayan. Maraming salamat po sa pagsubaybay!

TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon