Si Oriang ay abalang naglalaba nang tinakpan ang kanyang mga mata. Tamang-tama, siya lang ang natira sa mga babaeng naglalaba sa ilog.
"Hay naku Andres tigilan mo ako."
Tumawa lang ng malakas si Andres. "Magandang araw binibini."
"O anong maipaglilingkod ko sa'yo ginoo?" Pagbibiro ng dalaga habang hindi man lang tumingin sa kanya.
"Tumingin ka muna sa akin." Sabay hawak sa pisngi nito at nagtama ang kanilang mga mata. "Hindi mo ba nakikita? Sinusuyo kita."
"Ah... sa nakikita mo naman ay abalang-abala ako. Marami akong ginagawa," pangangatwiran nito. Pinipigilan ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Tutulong ako sa'yo. Ipag-iigib kita ng tubig."
"Paano kung ayaw ko pa rin?" nanunukso ang boses nito.
Tumabi si Andres sa kanya. "Bakit ba ayaw mo pa rin akong sagutin?"
Lumingon si Oriang sa kanya. "Bakit nagpahayag ka ba ng pag-ibig sa akin? Hindi naman ah, sinabi mo lang na liligawan mo ako."
"Hindi ba sapat iyon? Ginawa ko na ang lahat upang mapalapit sayo."
"Sa tingin ko kasi hindi pa sapat iyon." At nagpatuloy sa ginagawa.
"Gusto mo baga mapakinggan ang pagpapahayag ng aking pag-ibig?"
Tumawa na si Oriang. "Ewan ko sa'yo Andres."
"Seryoso ako." Ngumiti lang si Gregoria. Dumaan ang katahimikan na ang agos ng ilog lamang ang mapakinggan. "Oriang, mahal kita." Huminto si Oriangsa kanyang ginagawa. Aminado siyang medyo affected siya doon. All her life, feeling niya walang nagmamahal sa kanya ng totoo. Hinawakan ni Andres ang kanyang pisngi. "Minahal na kita noong una pa lang kitang nakita. Kung ipagkaloob mo man ang iyong pag-ibig sa akin ay labis ang aking kaligayahan. Ikaw lang ang tanging umaaliw sa nagdurusang pusong ito."
Hindi maaari. Talagang seryoso ang kanyang mga mata.
Umihip ang malamig na hangin. Hindi umimik si Oriang. Nagpatuloy lamang sa kanyang ginagawa habang si Andres ay nababagabag sa kanyang sinabi.
Bakit hindi siya nagsalita? Nagagalit kaya siya?
"Binibini, bakit ang hirap mong paibigin?"
Muling naging maliksi ang pag-iisip ni Oriang. "Sapagkat ang isang Filipina ay hindi madaling paibigin,"matapang niyang wika. "Kailangan mo muna itong paghirapan at patunayan bago mo mapagtagumpayan ang kanyang pag-ibig."
Napangiti si Andres sa kanyang tinuran.
"Kaya kung nais mo talagang makuha ang aking pag-ibig ay magtiyaga ka ginoo."
"Pinahanga mo ako sa iyong tinuran binibini. Mas lalo mo lang akong napapaibig. Ikaw ay karapat-dapat talaga sa akin. Maghihintay ako at hindi ako susuko hanggat hindi ka mapapasaakin. "
"Good!" Oops! Napa- Ingles tuloy.
"Salitang Ingles yan ah! Medyo marunong akong magsalita ng Ingles."
"Talaga?"
"Oo!"
"Isang halimbawa nga diyan."
"I love you."
***
Lumabas sina Segunda at Olimpia. Nagdadala sila ng mga rosas. Binigay ni Olimpia kay Rizal ang sa kanya at si Segunda naman kay Mariano. Umupo sila ng pabilog at ang upuan ni Rizal ay kasunod kay Segunda. Sila'y masayang nagkwentuhan. Maya-maya , si Olimpia ay umalis upang kausapin ang mga tiyahin. Maging si Mariano ay may kakausapin din kaya pinagsamantalahan ni Rizal ang pagkakataon na magtanong.
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...