Gabi iyon at inanyayahan niya ako na sumakay sa isang bangka. Napakaliwanag ng buwan at kumikislap ang mga bituin. Malambing niyang kinuha ang aking mga kamay at dahan-dahang inalalayan pasakay sa bangka. Ngumiti akong tumingin sa kanya at nang maaninag ko ang kanyang mukha ay nagulat ako..pamilyar sa akin ang istilo ng kanyang buhok...ang kanyang mukha.
"Napakaganda mo talaga...kasing ganda ka ng mga bituin sa langit...", ang kanyang wika.
Ngumiti ako. "Wag mo nga akong bolahin Jose..", ngumiti ulit ako habang tinakpan ang aking bibig.
"Hindi...mas maganda ka pa sa mga bituin sa langit. Ang buwan ay halos kumukubli sa mga ulap dahil nasisilaw sa iyong kagandahan." At hinalikan ang aking kamay.
"..at napakakisig mo naman...", malambing kong tugon habang nalilibang na pinagmamasdan ang kanyang kapilyuhan. Ngumiti siya at malambing niya akong tinitigan na halos ako'y matutunaw na...
"Iniibig kita Jose...", sambit ni Mayumi habang tulog.
Kriiing....! Makailang beses ng tumunog ang alarm clock pero 'di niya ito narinig hanggang sa pinuntahan ng kapatid ang kwarto nito. Buti na lang hindi naka-lock.
"Ate..gising na!" Pukaw ni Maya at kinuha ang alarm clock. May plano itong patayin pero sa halip ay pilyang inilapit ito sa teynga ni Mayumi. "Ay? Tulog pa rin?" Napansin niya na may binubulong ito...
"Jose..iniibig kita.."
"Ha? Sinong Jose?" Napangiting inilapit ang teynga nito sa kanyang Ate.
"Iniibig kita Jose.."
"Jose.." sabik si Maya na malaman ang karugtong—
"..Rizal.."
"Ha?! Jose Rizal?!" Halos pasigaw na tanong nito. Nagsimulang sumilay ang pilyang ngiti nito.
Biglang nagising si Mayumi. "Maya..ano ba? Ang ingay mo!"
"Wahahaha! Ate mahal mo si Rizal?" Maliwanag ang hitsura nito mas maliwanag pa sa sikat ng araw.
"Ah..ha? Alam mo Maya tigil-tigilan mo nga ako. Tsaka bakit ka pumasok dito?"
"Ginising nga kita dahil di mo narinig yong alarm mo tas 'di naman lock yung pintuan he..he." Makahulugan ang titig nito. "Napanignipan mo si Rizal ate? Anong ginawa niyo? He..he.."
Ha? Ano daw? Anong pinagsasabi ng batang ito? Sandali di kaya...
"Maya may sinabi ba ako?" Bumilis ang tibok ng kanyang puso..
"Sabi mo kasi...iniibig kita Jose...Jose...Rizal...wahahaaha ate..!"
Pinamulahan ng pisngi si Mayumi. Nagmukha tuloy siyang anime! "Maya umalis ka ngayon sa kwarto ko", matigas niyang utos.
"Ayeiii...! Totoo nga mahal mo si Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas!"
Katahimikan—
"Mayaaaa! Alis!!"
"Waaah! Aalis na po!!"
At nagsiliparan ang mga ibon.
Napakatahimik ng agahan. Tahimik na nag-uusap ang mga mata nina Mayumi at Maya.
"In love po si Ate", biglaang wika ni Maya.
"Aba maganda 'yan...",sabad ni Vivi. "Matanda ka na pero wala ka pang boyfriend." Siya ang Nanay nina Maya at Mayumi.
"Hayaan mo na lang kasi anak mo nag-aaral yan eh", dugtong naman ni Crisisostomo na kanilang ama. "Yumi kung gusto mong magkaroon ng boyfriend eh 'di ka naman namin pipigilan", nakangiting wika nito.
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Historical FictionSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...