Huwebes iyon at kabadong pabalik-balik si Segunda sa kanyang silid.
Pupunta na si Rizal dito anong isusuot ko?!
Umupo na lang siya sa kanyang kama. "Huminahon ka nga Mayumi hindi naman damit ang titingnan ni Rizal sa'yo. Maging simple lang ok? Gaya noong palagi mong ginagawa." Siya'y napabuntong hininga.
Nang may kumatok sa pinto. "Unday! Andito na ang kapatid mo at si Pepe!"
"A...andyan na...!" Dali-dali siyang nag-ayos at pumunta sa bulwagan kasama si Olimpia.
Ngingiti lang si Olimpia na tumingin kay Segunda. Namumula na naman kasi ang magkabilang pisngi nito. Palagi na lang siyang ganyan.
Nagbatian at nagyakapan ang mga magkakapatid. Pagkatapos ay masaya silang nagkwentuhan na kung anu-ano. Kinumusta ang pag-aaral ng bawat isa. Tinanong ni Jose ang kay Segunda.
"Mabuti naman. Medyo mahirap lang ang wikang kastila."
"Tunay ba ang aking narinig? Nag-aaral ka ng wikang Kastila binibini?" Namamanghang tanong ni Jose sa kanya. At kay Olimpia. "Pinahihintulutan na ang pag-aaral ng wikang Kastila sa La Concordia?"
"Ah eh..." Oonga pala hindi nga pala pinahihintulutang mag-aral ng Kastila ang mga kababaihan sa panahong ito. "Tinuturuan ako ni Kuya Mariano pag may tim- may oras hehe sa tuwing pumupunta siya rito," agarang sagot niya na siya namang totoo. Talagang nakaka-nerbiyos lang pag kaharap niya si Rizal.
Tumango si Mariano bilang pagsang-ayon.
Tumawa si Olimpia. "Oo tama Pepe kung alam mo lang kung ano ang pinagsusulat niya sa kanyang kwaderno. " Lumingon ito kay Segunda. Nananadya ang mga titig nito.
"Bakit? Hindi ba tama ang 'yong pagkakasulat sa kastila?" Malambing na tanong ni Jose sa kanya.
Magsisimula na sana siyang magsalita ngunit inunahan siya ni Olimpia. "Tama naman ang pagkakasulat doon.
"Di mo pa rin ba kabisado ang itinuturo ko sa'yo Unday?" Kunot-noong tanong ni Mariano.
"Ano...kuya...na-nakalimutan ko na eh." Palusot lang.
"Ikaw talaga. Tandaan mo kasing mabuti at mag-aral kang mabuti."
"Opo kuya. Pe-pero mas masarap bigkasin ang sariling wika di ba Jose?" at malambing na sulyap ang binigay kay Jose.
"Napakaganda ng iyong tinuran Segunda."
"Natutunan ko 'yan sa'yo," nahihiya niyang wika.
Ngumiti si Jose. Napakasaya niya sa narinig. "Talaga? Maraming salamat sa iyo."
"Hindi, maraming salamat sa iyong akda."
At silay malambing na nagtitigan.
"Tama naman 'yon pero alamin niyo muna ang sinulat ni Segunda sa kanyang kwaderno sa wikang kastila," wika ni Olimpia. Kinikilig ito.
"Ano bang mayroon doon Olimpia?" Tanong ni Mariano.
"Ganito kasi iyon." At ikinumpas ang kamay. "Te amo ni amor..."
"Ah... ano ka ba naman Ate Ypia. Di mo naman yang kailangang sabihin eh," pagmamakaawa nito.
Tumawa lang si Mariano samantalang si Jose ay seryosong tumitig sa kanya. Nahuli ito ni Segunda kaya inilagan niya ito.
"Para kanino naman ang mga salitang iyon Segunda?" Nakangiting wika ni Rizal.
"Hindi pa tapos," pagpapatuloy ni Olimpia. "May karugtong pa ang mga salitang 'yon."
BINABASA MO ANG
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "
Narrativa StoricaSi Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya sa pambansang bayani ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng mahiwagang hourglass ay n...