Kabanata 11: Ang unang pag-ibig ni Rizal at Mayumi

1.5K 66 31
                                    

I looked at her, she smiled at me and I blushed.

-Rizal

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari ngunit si Rizal pa rin ang sinisigaw ng puso ko...masyadong magulo. Hindi ko na alam...tulong...! Hindi ko na...

"Segunda hija may problema ka ba? Kanina ka pa tulala," tanong ng pitagang matanda.

Biglang gigising sa tila baga masalimuot na panaginip. Nasaan ako? Bakit niya ako tinawag na Segunda?

"Segunda..," mahinahong sambit nito. Ang pangalang Segunda ay umalingawngaw sa kanyang pandinig. Hinawakan ng matanda ang munting pisngi nito. "Hija?"

"P..po?" Sa wakas nahimasmasan na rin siya. Kumunot ang noo niya nang hindi niya nakilala ang kaharap. S..sino po kayo lola...?"

"Ako ito si lola Brigida," nag-alalang idinampi ang palad nito sa noo niya. "Anong nangyari sa iyo hija? Kanina lang ay nag-uusap tayo at bigla ka na lang natulala. May lagnat ka ba?"

Mayumi! Nandito ka na sa panahon ni Rizal!!!

"Lola Brigida ikaw nga 'yan!" Bulalas niya.

"Hija ano ka ba? Matagal na tayong magkakilala." Ngumiti na lang ang matanda.

"Opo!" Humawak siya sa kamay ng matanda. "Pasensya na po kayo lola...talagang marami akong suliranin sa aking pag-aaral. Paumanhin lola Brigida."

Naks! Parang tunay ah! May kapangyarihan nga ang hourglass!

"Ayos lang iyon hija. Huwag kang mag-aalala paparito si Jose upang bibisita rito. Siya iyong palagi kong ikinukwento ko sa iyo. Ang apo kong matalino. Maaari kang humingi ng tulong sa kanya hinggil sa iyong pag-aaral."

Si Jose...Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Paparito si Rizal...Sa tingin niya ay namula na naman siya. Kinakabahan ako...parang hindi ko na kakayanin!

"Segunda?"

"A..ano lola magpahangin lang po muna ako."

"Sige hija."

Nang lumakad na si Mayumi na hindi alam kung saan paroroon ay mayro'n siyang narinig kaya dumungaw siya sa bintana.

"Jose sa wakas nandito na tayo!"

"Jose?" Napalingon siya sa kinaroroonan.

Nang lumigon si Mayumi ay napatingin din si Rizal sa kanya. Tila tumigil ang lahat na nasa paligid niya. Si Rizal tumitig sa akin...Nakaramdam siya ng matinding damdamin. Mas malakas pa noong una niya itong naramdaman. Naramdaman niyang malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ng personal si Rizal. Ang batang version ng Rizal na nakita niya sa mga aklat at sa internet. And this time, he is more handsome than what she saw in a black and white vintage photo. Pagkakita kay Rizal di niya mapigilang ilabas ang kanyang matamis na ngiti.

Kabigha-bighani ang binibining ito. Tumigil ba ang ikot ng mundo? O 'di kaya'y tumigil lang talaga ang tibok ng puso ko? Hindi ko maipaliwanag ang aking kaligayahan.

Siya'y ngumiti at ako'y namula.

"Nandito rin pala si Segunda," wika ni Mariano at kumaway sa dalaga. "Siya ang kapatid ko."

Siya pala si Segunda.

Narinig niya noon na may kapatid si Mariano na itinakdang ipakasal sa isang kamag-anak na hindi na niya matandaan.

"Segunda?" Napalingon si Mayumi. Isang lalaking matangkad na papalapit sa kanya na sa tingin niya ay si Manuel Luz, ang fiancé ni Segunda.

Si Segunda at Manuel ay ipinagkasundo ng kanilang mga magulang.

Napaatras siya. "B..bakit?"

"Nandito na sina Mariano. Halika na..."Inilahad ni Manuel ang kamay nito. Tumitig lang siya sa palad nito.

"Sige," ang tanging naisagot niya. Di niya iyon pinansin at din na rin nagpumilit si Manuel. Sumunod na lang siya sa binata.

Bumaba na silang dalawa ni Manuel. Hindi niya maiwasang mapatingin sa sarili. Nakasuot siya ng kulay gatas na baro. Ang alampay nito ay kulay dilaw at may nakaburdang maliliit na bulaklak dito. Ang kanyang saya ay may nakapahalang na itim at dilaw na kulay. Napansin ni Manuel na parang hindi siya mapakali kaya hinawakan nito ang kanyang kamay upang di siya mahulog sa hagdanan. Nang makababa na sila ay sinalubong agad sila nina Mariano na alam niyang Kuya ni Segunda at si Rizal-

Ipinakilala ni Mariano sina Segunda at Jose sa isa't-isa.

-------

"Ikinagagalak kitang makilala binibining Segunda," Yumuko at maginoong nilamano ni Rizal ang kamay ng dalaga. Nais niya itong halikan ngunit pinigilan niya ang sarili dahil sa lalaking katabi nito. Napako ang tingin niya kay Segunda. Lalong nakakaakit sa malapitan! Napakalambot ng kanyang kamay---ngunit bakit ito malamig?

Naku..hindi...napakalagkit ng titig ni Rizal sa akin... Gusto ng manginig ng aking kamay at---nanlalamig ito. Sa katunayan nauutal niyang nabigkas ang pangalan. Well actually, nagkamali siya ng bigkas. "Ako si Mayu-Segunda Katigbak ginoo." Hindi siya mapakali sa seryosong titig ni Rizal sa kanya. Nang dahil doon ay mabilis ang tibok ng kanyang puso. Sa wakas nahawakan ko na si Rizal! At siya'y matamis na ngumiti. R....ri..zal ko...!!!!

Halos marinig nila ang tibok ng kanilang puso.

Tug-tug...tug-tug..tug-tug...

Napansin ni Manuel na matagal silang naghawakan ng kamay. Napansin din ni Mariano na kumunot ang noo ni Manuel kaya pilyo siyang nagtaas ng kilay. "Aha..ahem!" Napahiyang binitiwan ni Rizal ang kamay ni Segunda.

Sayang...nais ko pa naming hawakan ng matagal ang kanyang kamay.

Napahawak si Segunda sa kanyang kanang kamay malapit sa kanyang dibdib at lihim na ngumiti.

"Sige Jose, Mariano mauna na kami sa inyo. May mahalaga lang akong sasabihin kay Segunda," mabilis siyang hinila ni Manuel. Napilitan na lang siyang sumunod . Si Jose naman ay takang-taka sa reaksyon ng dalaga nang lumigon ito sa kanya na may nagmamakawang mga mata.

Rizal ko!


: Ang chapter na ito ay i-dedicate ko kay aileennapoles9 dahil sa kanyang maramihang votes. Maraming salamat po sa pagsusubaybay!

TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part1: "Sina Segunda Katigbak & Gregoria de Jesus "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon