IYNTO 1

2.7K 43 1
                                    

-Vic's POV-

"Hey fug, pwede mamaya ka na makipaglandian diyan ang daming customer ohh" saway ko.

"Opps sorry" nakatawa nito sagot at bumalik na sa pagtimpla ng alak.

"Vic pinapatawag ka ni boss, nasa VIP room sila" sabi ni Tigs.

"Sige pare salamat" sagot ko at lumabas na ng counter, dumiretso na ako kung nasaan si boss. Mukhang nakakadami na sila kasama niya ang girlfriend niya at ibang tropa.

"Boss pinatawag niyo daw ako" bungad ko ng makapasok ako.

"Sinabi ng wag na akong tawaging boss eh, upo ka muna diyan wafs shot ka muna" tipsy na si Kim ah, siya pala ang may-ari niyong bar na pinagtratrabahuhan ko. Matalik ko rin siyang kaibigan, ako ang naging kanang kamay niya dito.

"Nasa trabaho po ako ngayon, kaya boss na muna ang tawag ko sayo, tiyaka di ako pwedeng magtagal ang daming customer sa baba" katwiran ko.

"FO sige na, kahit 10 mins. lang" pagpapacute naman ng girlfriend niyang si Mela.

"Oo nga naman Vic" segunda naman ni Jessey. Haysss may magagawa pa ba ako? Umupo ako sa tabi ni Mika.

"10 mins. lang ahh, kailangan ko pang magtrabaho" sambit ko.

"Kaya na nila Mike yun" sagot naman ni Kim.

"Ayokong nasasayang ang pinapasahod mo saakin boss, ayoko ng special treatment porket magkaibigan tayo" sabay shot ko ng tequilla.

"Lalo ka attang pumupogi ngayon tomsy" malambing na saad ni Mika sabay cling sa braso ko.

"Anong kailangan mo daks? May nangungulit nanaman ba sayo?" Tanong ko, ganyan naman yan eh pinagpapanggap akong girlfriend niya sa mga makulit niyang manliligaw.

"Oo eh, si Josh kasi sinabi ko ng hanggang friends lang kami pero nangungulit parin" sagot nito, napatawa nalang ako.

"Akala ko ba gusto mo si Josh?" Tanong naman ni Riri.

"Akala ko rin" sagot naman ng katabi ko.

"Ikaw FO kamusta ka, nakakapagpahinga ka pa ba?" Tanong ni Mela.

"Sinabi ko na kasing wag na maghanap ng ibang trabaho eh, dadagdagan ko nalang yung sweldo niya ayaw naman" inis na sabi ni Kim.

"Boss paulit-ulit tayo, ang laking bagay na nga pinagtrabaho mo ako dito eh. Okay lang ako FO nakakatulog pa naman ako, kailangan lang ng extra income gra-graduate na si utol eh" sagot ko.

"Ohh pasok kita kila ate Aby, naaalala mo pa ba siya?" Tanong nito.

"Ahh oo naman, pero wag na nakakahiya eh. Maghahanap nalang ako" sagot ko.

"I insist FO!" Madiin nitong sabi. Nagshot nalang ako ulit ng tequila at tumayo.

"Balik na ako sa trabaho ko" pagpapaalam ko, tumango naman na sila at lumabas na ako.

...

"Fug una kami" pagpapaalam ni Mike.

"Sige ingat" sagot ko. Nag-ayos na ako ng gamit ko at siniguradong okay na ang lahat bago ako lumabas.

If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon