Cha's POV
"Pero ditse kung sakali, kung sakali lang naman na ligawan ka ni Vic eh may pagasa ba?" Pangungulit ni Kim.
Kanina pa ako kinukulit, medyo naparami narin kasi ang nainum nito.
"Huy! Ate Kim!" Inalalayan niya itong tumayo.
"Nilalakad ka na nga ayaw mo pa!" Lasing nitong sabi.
"Pagpasensyahan mo na to ahh, may pinagdadaanan eh" hinging paumanhin ni Vic.
"Shaaaaaatap wafs!" Sabat ni Kim tyaka nagpumiglas sa hawak ni Vic.
Halos lahat silang mga baby namin eh may tama na, itong si Vic naman medyo-medyo lang, pero ang kulit nga pala talaga ng batang to. Ayan na ohh iniwan na si Kim dito sa tabi ko, kumakanta sila ni Mika.
"Even in my heart, I see" 🎶
"You're not bein' true to me" 🎶
"Deep within my soul I feel" 🎶
"Nothing's like it used to be" 🎶
"Hindi ako nainform may backstreet girls pala kayo dito" natatawa kong sabi.
"Naku ditse, kulang pa yan. Wala pa si Kim diyan!" Nakatawa sagot ni Aby.
"Sometimes I wish I could turn back time" 🎶
"Alis diyan!" Sabay hila ng kambal kay Riri.
"Jz part mo yan!" Nakatawang sambit ni Cienne.
Presenting the backstreet girls Mika, Vic, Cienne, Camille, Carol, Riri tas Jessey. May sarili pa talaga silang step sa pagsayaw eh. Hahaha.
"Impossible as it may seem" 🎶
"But I wish I could so bad, baby" 🎶
"AYAN NA!" Sigaw ni Mela, kinuha ni Vic yung mic.
"Quit playin' games with my heart" 🎶
Sigawan naman ng mga nandito, nagtama ang mata namin ni Vic. Kumindat naman ito saakin.
"Quit playin' games with my heart" 🎶
"I should've known from the start" 🎶
Natigilan ako ng biglang magslow-mo ang paligid. Napako ang tingin ko kay Vic, kumakanta ito pero wala akong naririnig. Napatingin ako sa mga kasama ko, tawa sila ng tawa habang nanunood sa mga kumakanta.
Ibinalik ko kay Vic ang tingin ko, nakatitig ito saakin. Nginitian ko siya, gumanti rin ito ng ngiti. Uminum ako sa bote ng san mig ko.
"Whooo isa pa!" Hirit ni Mich ng matapos sila kumanta.
"Meron pa diyan wait lang kayo" nakatawang tugon ni Mika.
"Ate Cyd, samahan mo akong kumuha ng ice sa loob!" Sabay hila ni Vic dito sa katabi ko.
"Ditse sama ka narin!" Bago pa ako makasagot ay hinila na ako nito.
Dumiretso kaming tatlo sa kusina, pero imbes na kumuha ng ice itong si Vic ay umupo pa.
"Akala ko ba kukuha ka ng ice?" Tanong ni Cyd.
"Wag kang magagalit saakin ate Cyd ahh" sagot naman ni Vic.
"Magagalit? Bakit naman?" Kunot noo nitong tanong.
Napatingin naman kaming dalawa sa direksyon ng tinuro ni Vic.
"Hi" bati ni Kim ng makalapit, tumayo si Vic at hinawakan ako sa kamay.
"Mag-usap muna kayo" pahabol nito tyaka kami tuluyang lumabas ng kusina "dito muna tayo ahh" nakangiti nitong sambit ng makarating kami sa terrace. Tumango naman ako at umupo sa tabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/54743913-288-k252941.jpg)
BINABASA MO ANG
If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)
FanfictionPure FanFic lang po ✌️