IYNTO10

1.4K 38 17
                                    

Vic's POV

"Oo bro sa wakas graduate na ako" magiliw nitong wika.

"You deserved it bro" nakangiti ko naring tugon.

"Hindi ko naman makakamit to kung wala ka Vic, alam kong marami kang sinakripisyo para lang makatapos ako" malungkot nitong saad.

"Ano ka ba kuya! Worth it naman lahat eh" magiliw kong tugon.

"Basta habang nagrereview ako para sa exam maghahanap narin ako ng trabaho" pangako nito.

"Yan ang hindi ako papayag! Ang gusto ko magconcentrate ka nalang muna sa pagrereview kaya ko naman eh" sagot ko.

"Pero bro!" Pagrereklamo nito.

"Kuya! Sige na pagbigyan mo muna ako dito" pakiki-usap ko, napabuntong hininga naman ito.

"Ano pa nga ba" Sagot nito.

"Sabi mo yan ahh! Sige bro balik muna ako sa trabaho, mag-iingat kayo diyan. Ikiss mo ako kay mama at papa" bilin ko.

"Ikaw rin diyan Vic, mag-iingat ka haa! Wag masyadong magpagod" bilin rin nito.

"Ako pa ba! Sige na kuya! Bye!" Sabay end ko ng call.

Hindi ko pa naibababa ang phone ko ay nagring na ulit.

"Hello" bati ko.

"Bakit di kita macontact kanina?" Pagtataray nito.

"Kausap ko po si kuya" sagot ko.

"Sigurado ka?" Masungit nitong tanong.

"Opo siguradong sigurado" sagot ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito.

"Kakain palang po ikaw?" Malambing kong tanong.

"Kumain ka na diyan! Pagtawag ko ulit mamaya dapat nakakain ka na!" Utos nito tyaka inend yung call.

Napapailing nalang ako, ito talagang si Cha ohh.Hindi pa niya ako pinayagang manligaw pero ginagawa ko ang lahat maiparamdam ko lang sakanya kung gaano ko siya kamahal.

Siya rin naman pinaparamdam niya saakin kung gaano ako kaimportante sakanya, sobrang selosa pa. Pag alam niyang nandito na ako sa bar maya't maya tumatawag yan, ayaw na ayaw niyang lumalapit ako sa ibang babae.

Inexplain ko nga sakanya na kailangan ko talagang ientertain yung mga yun kasi customer pero wala! Di daw pwede! Kaya ngayon tudo iwas ako.

"Wafs kain na tayo" bungad ko sakanya ng makapasok ako ng office niya.

"Hintayin na natin si Mac pinahanda ko na yung pagkain" sagot nito.

"Nakainum ka nanaman!" Sita ko sakanya.

"Para makatulog" sagot nito.

"Oh para makalimot?" Nakakaloko kong tanong.

"Ikaw porket lumalovelife ka ngayon, ganyan ka na" pangaasar nito.

"Anong lumalovelife?" Nakatawa kong tanong.

"Sus, kunwari ka pa dyan! Kayo na nga ata ni ditse eh" sagot nito.

"Jusko ate Kim magdilang anghel ka sana" sabay sign of the cross ko.

"Loko! Ano na ba kasing meron sainyo?" Natatawa nitong tanong.

"Ano ba? Wala namang meron saamin eh, basta ang mahalaga ngayon mahal ko siya" seryoso kong sagot.

"Tinamaan ka talaga?" Nakangisi nitong tanong.

"Sapol!" Sagot ko, tyaka kami tumawa.

Napatigil naman kami sa pagtawa ng magring ang phone niya.

If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon