Camille's POV
"Tawagin mo na si ditse habang hinahanda ko to" utos ko kay Cienne.
Hindi pa kasi kumain yun kaya naisipan naming magtake-out sa KFC. Sinilip ko yung rice cooker kung may kanin, meron pa naman kaya nagsandok na ako. Kumuha narin ako ng apat na plato tyaka spoon and fork.
"Kambs wala sa kwarto niya eh" sulpot ni Cienne.
"Baka naman nasa banyo" suggestion ko.
"Wala sinilip ko narin" sagot nito.
"Nandiyan lang yan, diba nga kasama niya si Vic umuwi. Tignan mo nalang ulit" utos ko, hindi na ito sumagot umakyat nalang siya ulit.
Naglabas narin ako ng ice at softdrinks sa refs. Lalagyan ko na sana yung baso ng ice ng biglang nagtatatakbong dumating si Cienne.
"Oh bakit?" Kunot noo kong tanong.
"Kailangan mong makita to!" Excited nitong sagot tyaka tumakbo paakyat, wala na akong nagawa sumunod nalang ako sakanya.
Pag-akyat ko ay nadatnan ko siyang nakasilip sa pinto ng guest room.
"Ano bang ginagawa mo diyan?" Tanong ko ng makalapit, umalis naman ito sa pagkakasilip at humarap saakin.
"Silipin mo kasi" utos nito.
"Ikaw talaga! Baka kung anong kalokohan to ahh!" Pagbabanta ko.
"Di nga! Sige na silipin mo na!" Utos nito. Sinunod ko nalang siya at sumilip na.
Takte! Ano to? Bakit sila magkahalikan? Tumayo ako ng maayos at humarap kay kambal.
"Diba? Diba?" Naguguluhan nitong tanong.
"Sa baba na tayo mag-usap" sabay hila ko sakanya papuntang kusina.
Pagkarating namin ng kusina ay umupo nalang kami, walang nagsasalita saamin hindi kasi kami makapaniwala sa nakita namin.
Ano ba! Namalik mata lang ba kami? Jusko! Oo naging close sila mula nung nagpunta kami ng Batangas pero hindi ko naman ineexpect na malalim na pala.
"Ano sa tingin mo?" Pangbabasag ni Cienne sa katahimikan.
"Hindi ako alam" sagot ko.
"Sila na kaya?" Tanong nito.
"Sigurado namang sasabihin ni ditse saatin kung sakali mang sila talaga" sagot ko.
"Eh bakit ganun?" Tanong ulit nito.
"Aba malay ko" sagot ko.
Natahimik ulit kami, kung sakali mang sila na hindi naman kami against dun eh pero parang ang bilis ahh. Hay kung anu-ano na tong iniisip namin hindi pa naman sure.
"Hintayin nalang natin siya" seryosong wika ni Cienne, tyaka nilantakan yung chicken.
Naglagay nalang rin ako sa plate ko, tahimik lang kaming kumakain. Pinapakiramdaman ang mga susunod na mangyayari.
"Naalala ko, diba may nakwento si ditse na umamin daw si Vic sakanyang gusto siya nito" seryosong sabi ni Cienne.
"Pero friends lang naman daw sila" katwiran ko.
"Tara silipin na natin ulit baka nasa kwarto na yun" sabay tayo nito.
Tumayo narin ako at sabay na kaming umakyat, sumilip ako sa kawrto ni ditse pero wala parin siya kaya nagtungo kami sa guest room. Napangiti nalang ako ng masilayan ko ang itsura nilang dalawa.
"Ipagpabukas nalang natin to" nakangiti kong sambit.
"Tara ayusin nalang natin yung kinainan natin sa baba" pag-sangayon ni Cienne habang sinasara yung pinto.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One (Ara Galang and Cha Cruz Story)
Fiksi PenggemarPure FanFic lang po ✌️